Chapter Seven

8 0 0
                                    

Valeree's POV

"Valeree are you ok?" Pag-uulit ni Mama.

"Yes, ma. Mainit lang kasi sa labas sira ata yung aircon kaya ako namumula." Pagsisinungaling ko. My heart is still pounding so fast. Dapat di ko ito nararamdaman e.

You already have a boyfriend Valeree! Pull yourself together!

"Pero di ka naman namumula sa init, anak. Sigurado ka ba? Baka allergies mo talaga yan pero di mo lang napansin." Pag-pupumilit ni Mama.

"Oo nga ma. Okay lang ako promise. Punta lang ako sa room ko." Nag mamadali akong lumabas ng room nila mama.

I swear to God pag talaga naka bangga ko ulit si Nexus ngayon, papalayasin ko na talaga sya.

Thankfully nakarating naman ako sa room ko ng hindi sya nakikita. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.


"Pa! Please, magaling naman na ako saka nakakalakad ako ng maayos. Hindi nyo naman ako pwedeng i-lock up na lang dito buong buhay ko." Ilang linggo ko na syang kinukulit about sa pag punta ko ng school. Super bagot na ako dito sa bahay. Wala naman kasi akong ibang ginawa kung hindi mag kulong sa kwarto para lang iwasan si Nexus.

"Love, its too dangerous. Isang bwan pa lang ang nakakalipas simula nung inatake tayo." Sagot ni Mama.

Umupo na lang ako sa couch ng patabog at bigla akong tiningnan ng masama ni Papa, inirapan ko lang sya.

"Don't you ever do that to me again, Val." Hindi malakas ang boses ni Papa pero, intimidating talaga.

"Sorry." Mahina kong sabi.

"I'm sorry, anak. Pero hanggang hindi ko pa naayos ang lahat, hindi ka pa rin pwedeng umalis sa pamamahay ko. Just give me three weeks, to prepare and fix everything bago ka pumasok ulit."

"Pero ang tagal non, Pa!" Reklamo ko. I noticed Nexus smirking at me. At nang aasar pa talaga ang loko.

"Ano naman nginingiti-ngiti mo dyan?" 

"Ganyan mo na ba talaga ako ayaw makita?" Sabi ba nito at sabay pout.

Kumunot ang noo ko at inirapan sya. Tangina! Ang feeling! Hindi rin kasi ako makapag socmed ng maayos dito dahil minsan lang din magkaroon ng signal. Kaya lahat ata ng pwedeng gawin para maka-survive sa boredom ko ginawa ko na.

"Maintindihan mo naman sana yung Papa mo, anak." Sabi ni Mama.

I sigh. "Yes, Ma. Punta na ako sa taas." Paalam ko.

"Aw, talo na naman ang bata." Pang-aasar sakin ni Nexus.

"Ano naman ang paki mo? Ikaw nga pwedeng umalis dito ayaw mo eh. Diba nag mo-model ka? Bat hindi na lang ikaw yung umalis dito? May bahay naman kayo sa US ah."

"Pano mo naman nalaman na nag punta ako ng US after ng break up natin? So inis-stalk moko?" Pang-aasar nyang sabi at nipalit ang mukha nya sakin.

Piningot ko yung tenga nya. "Feeling!"

Nag-mamadali ako tumaas sa kwarto at nag kulong. Talo na naman ako. Ilang linggo ko na kasi kinukulit si Papa para maka-pasok na ako sa school. Isang bwan na lang midterms na namin. Naiyak na lang ako lalo. Nag dadabog ako dito sa may kama ko kahit alam kong wala naman yon ikakatulong sa problema ko.

"Miss ko na si Keith." Sabi ko sabay pout.

Someone knocked on my door kaya naman na-patingin ako sa pinto. Someone left a note in here.

I picked it up and opened it.

Mananahimik ka na dyan please Val, ang ingay mo hanggang guest room rinig yung pag mumuk-mok mo. If you really want to go out badly. Meet me at 10pm later. Tatakas kita.

The Day You Left Me BehindWhere stories live. Discover now