Chapter One

22 1 0
                                    

I shook my head, hanggang ngayon naalala ko pa yung araw na yun. 4 years na yung nakalipas pero sa tingin ko di pa rin ako nakakapag move on.

I still can't forget those memories. I'm still stuck and can't get out. Masaya ako oo pero bakit ganon? Bakit may kulang?

I barely survived that suicide attempt, buti na lang at nakita ako ng kaibigan ko if not? I'm already dead by now.

Hanggang ngayon naalala ko pa rin kung paano nya ako binitawan at kung paano nya ako sinaktan ng sobra.

Sa araw na yun na kala ko mamamatay na ako. May kirot pa rin sa puso ko. Kitang kita ko pa rin sa memorya ko kung paano sila mag halikan ng babaeng pinalit nya sakin.

"BABE!" Sigaw ng boyfriend ko sakin. Yes I tried to love again. But this time I really hope na di ulit ako mapunta sa sitwasyon na yon.

"Babe! I miss you!" Sabay yakap ko sa kanya. Sya si Keith Pascual school mate ko sya, pinsan sya ng best friend kong si Fay kaya kami nag kakilala. Nung una mag kaibigan lang kami. Hanggang sa nanligaw sya sakin.

"So saan mo gustong kumain?" Aya nito sakin. Hindi sya nag desisyon na di ako sang-ayon. Hawak hawak nya agad yung kamay ko saka nag lakad na kami papunta doon sa parking lot ng school.

"Kanina pa kita tinatanong may iniisip ka ba?"  Ngumiti ako sa kanya saka umiling.

"Wala noh sino naman iisipin ko aber?" Sabi ko sa kanya. Napatawa na lang sya saka hinalikan yung kamay ko.

"Ikaw saan mo ba gustong kumain?" Tanong ko.

"Hmm? How about mag dinner na lang tayo at my house para naman mapakilala kita kay Mom and Dad ng personally" Sambit nito na may matamis na ngiti.  Ang plano kasi namin next month pa kami pupunta sa mansion nila.

Yes gurl, they have a mansion. Hindi ko malalaman na ganun sya kayaman kung di sinabi sakin ni Fay. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko.

"So ano payag ka ba babe?" Di ko sya sinagot at hinalikan na lang sa pisngi. "I'll take that as a yes."

Nakarating na kami kung saan sya nag park ng sasakyan. Pinag buksan naman nya agad ako ng pintuan ng malaman na papasok na ako. Sya pa talaga ang nag ayos ng seat belt ko. Ginagawa akong baby.

"Keith are you sure about this? Hindi ba nanglalamon ng buhay yang family mo?" Tanong ko dito, nag simula na syang mag drive at nakatuon ang pansin sa daan. I saw his Mom's picture naman na pero sa personal hindi pa. He doesn't know about my past. And I also planned not to tell him. Past na nga diba dapat na ngang kalimutan e. But somehow di ko magawa.

Ang awkward ng moment namin ngayon, di ito first time pero feeling ko talaga ang awkward kasi sobrang tahimik namin dalawa.

"Alam mo babe kahit 5 months pa lang tayo, sure naman na ako na ikaw ang babaeng papakasalan ko, saka disente kang tao, mga ilang taon na lang at doctor ka na at ang pinaka mahalaga sa lahat mahal kita, kaya wag kang kabahan, ok?" Basag nito sa katahimikan ang napangiti naman ako. Hes so sweet! Ganito siguro kami—what am I thinking?!

Napailing ako at kinuha na lang ang cellphone ko saka nag facebook. Habang nag scroll ako, nakita ko ang picture ni Nexus, akala ko kamukha nya lang pero hindi pala. Its him, he's a famous model. Dati parehas kami ng pinapangarap pero ngayon, eto sya successful already. He already have other plan na pala. I simply chuckled bitterly.

Eto na naman yung mga memorya namin na mag kasama! Bullshit! May Boyfriend na ako at naka move on ok?!

Di ko namalayan na tumutulo na pala luha ko, bigla ko yun pinunasan para hindi makita ni Keith. Baka akalain nyang hindi na ako naka-move on.

The Day You Left Me BehindWhere stories live. Discover now