Prolouge

55 2 0
                                    

Nakatitig sakin lahat ng tao dito sa park.

Mga mapanghusga yung titig, kala mong alam nila yung story ng buhay mo.

Patuloy pa rin ako sa pag mamaka-awa sa lalaking nasa harapan ko.

"Please Nexus wag moko iwan! Ginawa ko ang lahat diba?" Patuloy pa rin ang pag luha ko habang naka-hawak sa kaliwa nyang kamay at nakaluhod

"Stop this non-sense Val, nakakahiya ka!"  Bulyaw nito sakin.

"I don't care kung nakakahiya akong tingnan basta mag-stay ka lang sakin."

"Di mo ba naiintindihan?! May mahal na akong iba! May gusto na akong iba! Hindi naman talaga kita minahal eh naaawa lang ako sa past mo! Kaya kung may isip ka pa bitawan mo na ako at malalate na ako sa flight ko! Intindihin mo naman sana na wala na tayo!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi nya. Nawalan na rin ako ng lakas kaya nakabitaw na ako sa kamay nya. Mas doble yung sakit!

Biglang nag flashback lahat ng mga memories namin. Dahil lang yun sa awa? Am I that pitiful?

Lahat ng tao sa paligid ko nag bubulungan habang patuloy sa pag alis si Nexus.

Ilang oras na ang nakakalipas mula nung umalis sya pero nandito pa rin ako, nakaupo sa mga buhangin at walang pigil ang pag tulo ng luha ko.

Nung natauhan ako, unti-unti akong tumayo at pumara ng taxi.

Kung di pa pala ako pumunta sa park di ko sya makikita na may kalampungan nang iba. At iiwan na pala nya ako. Bullshit!

Nung dumating na ako sa bahay ko. Kinuha ko yung stock ng alak saka ininom yun lahat lahat.

Sa sobrang kalasingan ko at sa kagustuhan kong makalimutan si Nexus lahat ng sleeping pills ko nainom ko. Wala na akong maalala kasunod non bigla na lang nag dilim ang paligid ko.

The Day You Left Me BehindWhere stories live. Discover now