Once Upon A Time, There Was 'Us'

35 6 0
                                    

ONCE UPON A TIME, THERE WAS 'US'

"Burahin mo nga yan, Nat! Ano ba! Ang pangit-pangit ko diyan!"

"Para namang may bago!" Tumawa pa ito habang nakatingin sa picture ko sa kanyang cellphone.

Pilit ko iyong inaabot mula sa kamay niya pero masyado siyang mataas kumpara sa akin kaya naman kahit na tumingkayad pa ako ay hindi ko 'yon makuha.

"Ano ba, Nat! Subukan mong i-my-day yan, sasabihin ko kay Shanelle na gusto mo pa rin siya!" sigaw ko na siyang ikinatigil niya. Sa sobrang pikon ko, hindi ko na napigilan ang sariling bibig.

Unti-unting bumaba ang mga labi nitong kanina ay nakangiti. Napakagat ako sa pang-ibabang labi.

"Delete it yourself." Iniabot niya ang kamay ko at inilagay doon ang kanyang cellphone bago tuluyang umalis na iniwan kami ni Mike na kaninang naglalaro lamang sa gilid namin katabi ang pinsan kong si Kristine na gumagawa naman ng powerpoint sa kanyang laptop.

Hindi ko nagawa pang pigilan si Nat na naglakad na papalayo. Bumaba lamang ang tingin ko sa screen ng cellphone. I deleted the photo, and guilt crept inside me after.

"Pinaalala mo pa, Kia. Yari ka!" pang-aasar pa ni Mike sa likod.

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng matalas na tingin.

"

Kung ako yan, susundan ko na." singit pa ng pinsan ko na busy pa rin sa kanyang ginagawa.

Napahalukipkip nalang ako sa kanilang harapan. "Babalik din yon." Well, I admit, I kinda doubt it. Pero, sana.

Anyway, I can't stand looking at these two.

I rolled my eyes at them. "Sus, ayaw niyo lang nandito ako para masolo niyo isa't isa. Akala ko ba magkakapatid tayo?"

"Ampon ako, e." Mike spat, which made Ate Kristine chuckle. Napangiwi naman ako. Lalo na nang sinibukan pa nitong hawakan ang kamay ni Ate Kristine.

I shuddered inside. "Cringe." I said.

"Sige na nga, maglandian muna kayo diyan. Susundan ko lang 'yon, baka hindi ako sunduin sa bahay bukas."

Nat is kind of a goofy friend. Madalas siyang mang-asar lalo na sa akin, but he's got this kind of sensitive trait, lalo na sa mga bagay na ayaw niyang ipinapaalala sa kanya. Until now, it seems like he still likes Shanelle. It's been two years since they parted ways, but he still can't move on.

Gano'n niya ba talaga siya kamahal?

I felt that needle puncture my heart, asking myself the question.
 
I mean, am I so bad if I'm kind of happy that my friend's first love cheated on him?
 
"Why can't you just follow me, huh!?"

I was meters away when I saw them. It's Nat with his dad. Sa tingin ko nagkaabutan lang sa labas ng school si Nat at ang kanyang ama na isa sa mga kinatatakutang college professor ng university.

"Why can't you just be like your older cousin? I told you to stop that freaking music and study! You can never have a stable life with that, Nataniel! Open your eyes! This is the reality! Sa bansang 'to, doble ang magiging paghihirap mo dahil diyan sa pangarap mo! What are you going to feed your family in the future? God, please, I'm begging you, don't be such a disappointment!"

Nakayuko na lamang si Nat na pinakikinggan ang pangmamaliit ng sariling ama. I could see the pain on his face, but it's not like he's not used to it. He is.

Hindi ko alam kung malakas lang ang pandinig ko o ang boses ni Mr. Latimer. Ang alam ko lang ay kahit na halos walang estudyanteng dumadaan at anak niya ito, hindi pa rin maganda ang mga salitang binitawan niya.

Threads of TapestryWhere stories live. Discover now