Validation Seeker

24 6 0
                                    

VALIDATION SEEKER

"Rank 1 ulit si Jia!"

"Papakain na yan!"

"Grabe ka na talaga Deluna!"

My classmates are so loud. Noong una ay halos magtakbukan pa sila nang maipaskil na ang rankings for the 1st semester. Nang makarating silang muli sa classroom ay iyon ulit ang pinaguusapan nila.

Ang ilan at hindi masaya at mukhang nanlulumo sa mga markang nakuha nila, samantalang ang iba naman ay pahumble pa at nahihiya dahil sa nga papuri na natatanggap.

I mean, everyone deserves to be congratulated. Everyone gets what they work for. Everyone is dealing with so much stuff every day, but the choice of action still depends on the person and the circumstances she's in.

Maybe some just had some other things to deal with.
 
While some of them rejoiced, I was just sitting there. Kakabalik ko lamang din sa room at tahimik lang din na umupo sa aking upuan na para bang walang kwenta ang papel lamang ang ipinaskil roon.

I started reading a book I haven't finished yet, not minding them. Some of my classmates congratulated me, but I am not close to each of them, so I just smile and give their words back.
 
"Kahit Jollibee lang! Ehem!"

Hindi ko na maiwasang napatingin sa kanila.

"Grabe 'no? She's rich, pretty, and so...smart." Rinig ko pang mahinang sabi ng isang babae sa likod ko. Jealousy was evident in her voice.

"She is..." I mumbled as I jerked my head to look at Jia.

She's the rank 1 out of all 204 STEM students, and our teachers said she's one of the running Valedictorian this coming graduation. Jia can't stop showing her humble smile while everyone showers her compliments.

Rank 1. To be at the top. Aware ako na bago mo makamit ang bagay na yan, ilang bubog din ang pag-dadaanan ng mga paa mo. Bago ka paulanan ng praise ng mga tao, dadaan ka muna sa matinding sikat ng araw.

People only see success, not the torn stairs. Para sa iba ang dali dali mainggit. Ang daling ikumpara ang sarili nila sa iba, lalo na sa mga successful, kahit na sila ay nagsisimula pa lamang.

And you know what I hate the most? It's about people trying to keep someone from reaching the top of the pyramid just because they want it to be them.
 
Siguro ganoon naman talaga, e. Ang mga tao, madalas nilang unahin ang sarili nila. People are selfish. Sa sobrang makasarili nila wala na silang paki kung makakasakit ba sila o hindi. Kung masasaktan ba nila maging sarili nila.

And yeah, I am starting to hate myself.

"Okay lang maging rank 5. Sabi ko naman sa'yo, Anak, okay lang kahit ano man ang maging resulta sa akin. Kung ano lang ang kaya mo...okay na yun sa akin."

"Pero, Ma...halos bumagsak na ako nakaraang semester...mahirap pong makapasok sa college universities. I want to be at least be better, Ma." sabi ko habang nakatitig sa sarili king certificate na para bang hindi pa sapat iyon.

I only got 89.106 this semester. Sinasabi ng iba na sa kanila ay iyon na ang highest grade nila kaya wala akong dapat ipagalala.

Para sa iba okay lang kahit mababa, basta makapasa. 89 isn't a bad general weighted average. Siguro ang iba nga ay tuwang-tuwa na kapag nakakuha ng ganitong grade e.

I don't know.

Hindi ko alam. Mula noong bata pa naman ako, my parents never pressure me when it comes to acads. Siguro isa na ring factor kung bakit ganoon ay dahil hindi naman ako panganay.

I grew up in a family with a happy married couple who had four kids: two girls and two boys. Pangatlo ako sa aming magkakapatid. Naging alternate ang pattern nila, panganay babae sumunod ay lalaki at babae at lalaki ulit.
 
Only my mother graduated from college and is now working as an accountant for a known bank company. Hindi kasi pinalad ang pamilya nila Papa noon kaya high school lamang ang natapos dahilan para mauwi siya sa mga hindi permanenteng trabaho.
 
Minsan isang construction worker, minsan welder, minsan pintor, at sumasideline din siya bilang tagagawa ng furniture. Master na kasi ni Papa ang nga 'yon at halos lahat ng mga kumpare niya ay ganoon din ang mga trabaho.

Threads of TapestryWhere stories live. Discover now