The Reason Why - Part 4

40 6 0
                                    

THE REASON WHY

Part 4

Jeanesse @urfavejean
omggg! kinikilig ako! ang ganda din ni ate girl! cristan, alam kong pogi ka at maganda ang boses mo, pero itabi mo, ako na kay ate!

Trisha @shaisshy
Replying to @urfavejean
sakto lang face niya pero grabe! ang swerte niya! i wish i was her! imagine cristan as your bf!

Cheesemiss @thisischeerise
Balita ko bago pa lang sila, relax guys, baka maghiwalay pa yan emz.

Brokenhearted @cristanfangirly
Guys, stop it. Respect ate girl naman! Oo alam ko naiinggit kayo kay ate girl pero guys, siya na ang girlfriend ni Cristan, sana maging masaya nalang kayo para sa kanila! Grow your ass up!

"You reading comments?" napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya mula sa aking kanan.

Nakaupo ako sa sofa at nagbabasa ng comments at ang akala ko ay nasa kwarto siya na tulog pa rin. Nakasulyap pala ito sa aking mga binabasa!

Kinuha niya ang cellphone na hawak ko at tinignan ang mga iyon. He sat beside me and boringly scrolled down on my phone.

Napabuntong hininga ako at napaayos ng upo. Hindi ko naman gawain magbasa ng comments gaya niya dahil madalas ay halos pare-pareho lang yon pero ewan, tinry ko lang.

Sinubukan ko kasi akala ko ang lahat ay nirerespeto at rerespetuhin ang relasyon namin, hindi pala talaga. May mga taong in-denial pa rin pero tanggap ko naman 'yon.

Medyo kakaiba lang sa pakiramdam. I feel so lucky to be Cristan's girlfriend but somehow I feel pressured, even though I know I don't have to.

Feel ko ang daming nakaabang sa amin.

"They don't mean them, don't worry, baby." Cristan turned off my phone and put it on the coffee table before touching my cheeks.
 
It's already afternoon at kakagising lang nito.  His dark brown hair is kind of messy but looks fine, and he wore a plain brown sweatshirt and brown pants. Wala siyang lakad, kaya halos maghapon lamang itong natulog sa kanyang kwarto.
 
We're currently in his apartment at dahil wala naman akong pasok at napag-isipan kong pumunta. This is, I think, my third time coming here as his girlfriend. Madalas kasi at nagkikita na kami sa labas o sinusundo niya ako sa bahay.

Wala pa naman kasi kaming plano magstay sa iisang apartment. We trust ourselves, but we decided for me to just move when I already turned twenty-one. Wala din kasing kasama sila Mom and Dad sa bahay. They can hardly let go of me because I am their only child.

Medyo dramatic pa naman sila!

Kakatwenty ko lang nakaraang linggo this May kaya malapit na rin naman siguro.

"I know. Nakakatuwa nga lang kasi mas marami pa din ang natutuwa sa relationship natin," napangisi ako ng maalala ang mga comments nilang nakakainggit daw kami. "Most of them say I was so lucky to be your girlfriend...they don't know how right they are."

I consider looking at his 'just woke up' face a blessing. Mukhang inaantok pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

Halos isang dangkal lamang ang pagitan ng mukha namin at sapat na iyon para agad na bumilis ang tibok ng aking puso. I wonder kung ganoon din ba sa kanya? Why does it look so natural to him?

Hindi ko ba alam kung kailan ako masasanay kahit na halos dalawang taon na niya ginagawa ang paglapit ng kanyang mukha ng ganiyan sa akin.

I did the same thing to him, I touched his bare face. I even rubbed his cheeks at hindi ko ko maiwasang mapangiti dahil doon. He's real. He's really mine!

He started shaking his head. He pouted. "No, I was so lucky to be your boyfriend...so damn lucky..." he said, kind of opposed to a fan's comment. "Baby Wendy na yan, e. Blessings kaya yung hampas niyan kada tawa."
 
Nakangiti pa rin, napatango nalang ako dahil may ilan naman talagang nagsabi no'n. At kahit wala naman ay swerte naman talaga siya sa akin.

Threads of TapestryWhere stories live. Discover now