Prologue

2K 66 4
                                    


PROLOGUE

Nag lalakad ako papunta sa bagong classroom na papasukan ko.

Section Dark.

Umakyat ako sa 3rd floor, bakit kasi sa 3rd floor pa? Okay lang sana kung nay elevator sila eh, tutal mayaman naman tong school nato. Kay bago bago ko lang nag rereklamo agad ako. Pero totoo naman kasi! nakakapagod umakyat!

Napailing na lang ako at nag libot para mahanap yung room na papasukan ko, nag tanong din ako sa ibang Janitor para hindi na ako malito. Nung nasa hagdan na ako, rinig na rinig na agad ang ingay.

Nasa unang baitang pa lang ako ng hagdan, rinig na rinig na agad ang ingay nila. Paano pa kaya pag nasa loob na? Napa buntong hininga na lang ako at nag patuloy.

Nang makarating ako sa tapat, inayos ko ang sarili ko bago kumatok at agad naman bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang matanda, hindi naman gaano. Mga 40 at sa tingin ko eto ang professor.

"You're here! Come in" Naka ngiting sabi niya at niluwagan ang pag bukas ng pinto. Matagal ko siyang tinignan, ang popogi naman ng mga guro rito! Tumango nalang ako at pumasok sa loob. Napa taas ang kilay ko sa nakita ko.

Puro lalaki!

Sinuri ko ang classroom na papasukan ko, ang masasabi ko lang ay makalat, marumi, at maingay! May naiwan pang alikabok! Hindi ba nila nililinis to?

Hindi pa ba halata, Heisje?

"Attention!" Sigaw ni Sir- hindi ko alam pangalan niya. Natahimik naman ang mga tao sa loob. Nag sisimula na akong mag taka kung nasaan ang ibang babae rito at bakit puro lalaki ang tao sa loob.

"Bakit may babae rito?!"

"Umalis ka sa Section namin!"

"Bawal ka rito!"

"Gold digger"

"Hindi ka tanggap dito"

"Bawal babae rito"

Ano bang problema nila? Parang mga aning amputa, aning yarn. Wala pa naman akong ginagawa sa kanila nagagalit na, baliw lang? Tumikhim ako at nanahimik na lamang nang biglang may nag salita.

"Hindi ka ba marunong mag salita o makiramdam? Hindi ka pwede rito! Hindi pwede ang babae rito!" Sabi nung lalaki na hindi ko alam ang pangalan pero masama ang tingin sa akin dahil hindi ko alam.

Napabuntong hininga ako. "Marunong. Pero hindi ko para ubusin ang boses ko sa mga walang kwentang bagay na pinag sasabi niyo."

"Bagong tapak ka lang dito akala mo na kung sino ka, pag sinabing bawal ang babae rito, bawal!" Hindi ko malaman ang problema niya sa babaeng kagaya ko na wala namang ginagawa sa kaniya.

"Kung may problema ka sa babae, huwag mo akong idamay Gaya nga nang sabi mo, bagong tapak lang ako rito kaya huwag mo akong idamay sa galit mo sa ibang babae" Mahahalata na ang inis sa boses ko.

"Anong magagawa mo kung idadamay kita? Babae ka rin at wala ka nang magagawa roon" Naka ngisi niyang sabi.

Nauubos ang pasensya ko. Tumikhim ako bago mag salita "Iba ang mga babaeng tinutukoy mo sa babaeng kaharap mo" Ngumiti ako "Matuto sanang ilugar ang kasamaan ng ugali"

"Sinasabi mo bang masama ang ugali ko?!" pasigaw niyang sabi at sinamaan ako ng tingin.

"Wala naman akong binabanggit na pangalan" Nag kibit balikat ako.

"Syempre! Dahil hindi mo naman alam ang pangalan ko!" Inis niyang sigaw sakin na parang onti na lang e babatuhin nako.

Hindi ko maintindihan sa taong to, kung lutang ba o sabog. Kaya nga wala akong binanggit na pangalan dahil hindi ko alam ang pangalan niya, parang baliw.

"Kaya nga. Hindi ko naman alam ang pangalan mo at wala rin akong sinabi. Bakit? Natamaan ka?" Mapang-asar kong saad.

Lumapit siya ng onti. "Ako lang naman ang kausap mo rito!"

Napangisi ako "Huh? Hindi naman ikaw ang kausap ko, ang sahig."

Tumikhim ang guro na kanina pa kami pinapanood sa pag aaway namin. "Tapos na kayo?" natatawa niyang tanong pero sama ng tingin ang nakuha niya roon sa lalaking mainit ang ulo sakin. "Enough, introduce your self. What's your name?"

"Heisje Azrine Hendrana" Maikling sagot ko.

Natawa siya nang mahina hindi ko alam kung dahil sa ikli ng sagot ko o dahil sa kanina "Alright. I'm Brandon Cortes, section dark adviser. You can take your sit now, ikaw na lang ang pumili kung saan mo gustong maupo" Tumango ako at inikot ang paningin. Kanina ko pa pansin na lahat sila ay naka tingin sakin.

Pinili ko ang nasa pinaka dulo, hindi siya pinaka dulo. Second to the last. Katabi lang ng bintana, bakante naman ito kaya rito nako naupo at malamig din. Nag turo si sir Brandon na naituro na samin sa ibang school, late siguro sila at nauna lang kami dahil buong semester sa pinag aralan ay palaging nauuna sa pag tuturo kung ikukumpara sa ibang school, na pati ibang lesson ng ibang grade level ay itinuturo na samin pag wala na talaga silang maituturo.

Saglit lang din ay natapos na siya at lumabas, naubos ang oras niya sa pag aaway namin ni kuya na napaka init ng ulo sa babae. Hindi ko alam kung bakit siya galit sa babae dahil wala rin naman akong balak alamin, mauubos lang ang oras ko.

Hindi ko alam kung may papasok ba na guro dahil simula nung lumabas ang class adviser namin kanina, hanggang ngayon wala pa ring gurong napasok.

Matutulog sana ako saglit pero may nag salita. "You don't belong here, just leave." Malamig na saad niya na sa sobrang lamig, maninigas ka. Alam ko na ako ang sinasabihan niya dahil sa tingin ko ay ako lang naman ako bago rito. Hindi ko siya pinansin at yumuko.

"Are you deaf? I said you don't belong here" Malamig na saad niya. Wala akong nagawa at napabuntong hininga bago nag angat tingin at tinignan ang nag sasalita. Kung hindi ako nag kakamali, sa tingin ko ay lahat silanrito ay galit sa babae.

"Sabi mo e" Mapang-asar na saad ko. Hindi ko alam pero gusto ko silang inisin dahil sa inaasal nila.

Tinignan niya ako ng masama at lumapit "What makes you think that you belong here?" Luh! Wala pa nga akong iniisip na ganiyan.

Tumawa ako ng mahina "Aga mo naman, ni hindi pa nga napasok sa isip ko yan. Aadvance naman ng mga utak niyo"

"This is not a joke, woman." Mukha ba akong nag bibiro?

"Hindi naman ako nakikipag biruan" Mag kibit balikat ako.

"Just leave. You don't belong here" Sabi niya ngunit hindi ko na lang pinansin pa at yumuko na lang ulit.

A/a : Gaya nang sabi ko, marami akong balak baguhin dito pero karamihan don yan ang mga pangalan nila.

Behind Her Secrets (OGS #1) Where stories live. Discover now