Chapter 5

1.1K 38 3
                                    

HEISJE

Kakagising ko lang, tumayo ako para mag hilamos at toothbrush. Nakasuot lang ako ng pantulog dahil mamaya pa ako maliligo. Nag order ako ng makakain ko dahil hindi naman ako marunong mag luto. wednesday ngayon, tinatamad ako pumasok! pero papasok pa rin ako, sa time na lang ni Sir Brandon. wala rin naman saysay kung papasok ako ng maaga dahil walang silbi ang nga teacher doon.

Malapit na ang botohan ng HHU pero wala akong pake, wala akong balak bumoto. Hindi ko naman sila kilala at wala akong pake sa mga ipapatupad nila sa school. Nag bobotohan daw roon pag tapos na ang first sem, e patapos na ang first sem. hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila ako iinform e wala naman akong pake.

Nag chat na yung mag dedeliver ng painorder ko kaya bumaba nako, napakunot ang noo ko pag kababa ko dahil nandito sila Chian. Nag uusap sila pero napunta ang tingin nila sakin nung nakita ako, agad agad tumakbo si Chian papunta sakin at umakbay.

"Bitaw! Agang aga naman, bakit kayo nandito?" Naka kunot kong noo na tanong sa kanila. Nginitian lang nila ako.

"Wala kaming magawa e!" Tumatawang saad ni Chian, ansaya niya naman lagi. Umiling na lang ako at dumiretso palabas para kuhain ang order ko. Sumama sakin si Chian, hinayaan ko dahil marami rin akong inorder. Pag nag oorder ako dinadamihan ko dahil minsan ay tinatamad nakong mag order, kaya iniinit ko na lang for afternoon and evening.

"Wow, andami!" Sigaw niya at nag nining-ning pa ang mata kaya tinawanan siya nung driver. Binigay samin ng driver ang order ko at pumasok, nung makita nila kami na maraming dala dala kinuha nila sakin ang iba kaya isa ang natira sa dala ko pati kay Chian.

"Ano to, Heisje? Ikaw lang kakain nito lahat ngayon?" Curious na tanong ni Dairius. Umiling ako.

"Hindi. Yung iba ay para mamaya dahil hindi naman ako nag luluto, iniinit ko" Tumango si Dairius at tumingin sa iba.

"Pero dahil nandito kami, makiki-kain din kami!" Masayang sabi ni Ryuu. Napasimangot na lang ako at umakyat na, sumunod din naman sila. Nag elevator lang kami kaya nakarating agad sa unit ko.

Pag pasok na pag pasok namin, agad silang tumalon sa couch. Tanga amputa, pag sila nabalian. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa dinning table para ilagay ang binili ko, binuksan ko ang paper bag at kumuha ng kakainin.

Sila ang nag bukas ng iba at sila rin ang kumain. Mag o-order na lang ako mamaya ng kakainin ko dahil mukhang walang matitira sa inorder ko ngayon.

"Sasabay kami sa pag pasok sayo, Heisje!" Sigaw ni Neixus.

Napabuntong hininga ako. "Mamaya pako papasok, sa time pa ni Sir Brandon" Sabi ko pero nag pumilit pa rin sila kaya nag oo na lang ako.

"Bakit? Ayaw mo ba pumasok sa time ng ibang Teacher?" Tanong ni Chian habang nakain.

"Ayoko, wala naman silang saysay. Para saan pa yon e hindi naman sila napasok, mga tanga amputa" Inis na sabi ko. Nainit ang ulo ko ng wala sa oras dahil sa mga walang kwentang teacher, nakakabagot sila! "Mababagot lang ako sa kanila, huwag na silang mag turo" Tinawanan lang nila ang sinabi ko.

"Masasanay ka rin! Ganon talaga sila, hilig mag bagsak hindi naman napasok!" Natatawang sabi ni Gray.

"Hindi ba pwedeng sabihin sa Dean yan? Pero huwag na dahil mukhang wala rin saysay ang Dean. Lahat sila tarantado" Inis kong sabi kaya mas lumakas ang tawa nila.

"Ang galing! Paano pag sinumbong ka namin sa Dean na ganiyan ka manalita sa kaniya?" Nakangising sabi ni Neixus.

"Sumbong niyo, pake ko. Totoo naman" Walang pake kong sabi. Ito ang dahilan kung bakit na kicked out ako sa dati kong school, dahil sa pananalita ko.

"Hindi ka takot makick out?" Tanong ni Ryuu.

"Hindi. Na kicked out nga ako sa dati kong school dahil sa pananalita ko, rito pa kaya. Totoo naman ang sinasabi ko, pare-pareho silang walang dulot sa mundo, bakit hindi na lang sila umalis e hindi rin naman pantay pantay ang trato nila sa estudyante rito" Umiling na lang ako, naiinis lang ako sa kanila.

Parang gago lang, i mean be professional na lang diba? Pwede naman nilang iset aside ang galit nila sa section namin hindi yung hindi sila mag tuturo at ibabagsak sila basta basta e wala naman silang magandang dulot, mga putanginang yon. Hindi ata sila mahal ng magulang nila, kung ano anong katangahan ang ginagawa.

"Ganoon kalaki ang galit nila sa section natin, wala silang pake e" Napailing na lang sila Ezekiel.

"Ayon nga, hindi nila kayang maging professional pag dating sa trabaho nila, in short tanga sila" Tumawa sila ng malakas sa sinabi, tuwang tuwa naman ata sila sa pinag sasabi ko?

"Ganon sila dati pa, nagawa lang ang section dark dahil samin. Sakit daw kami sa ulo e" Nag kibit balikat si Ivan.

"Ano pa sila, pabigat sa mundo" Kung malakas ang tawa nila kanina, nilakasan pa nila ngayon.

"Gago! HAHAHAHAHA"

"Putanginang yan!"

"Iba talaga ang tabas ng dila ni Heisje e!"

"Backstab time with Heisje!"

Napailing na lang ako sa katarantaduhan nila at tumayo para ilagay sa basurahan ang pinag kaininan ko, pag balik ko sa dinning natawa pa rin sila na parang baliw. Ano pa nga ba Heisje, kailangan mong masanay lalo na't puro baliw ang makakasama ko.

"Nga pala Heisje, bakit hindi ka man kang nila pinatapos ng first sem bago ka ikicked out?" Tanong sakin ni Sebastian.

"Ginago ko e" Maikling sabi ko. Lumaki ang mata nila na parang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Chian.

"Pinag tripan ko, ginawa kong red ang isang classroom doon" May ibang tumawa, nanlaki ang mata at nagulat.

"Huh? Bakit?" Tanong ni Ryuu.

"Tinarantado ang classroom kung nasaan ako, edi tinarantado ko rin. Nung binalik ko sa kanila ang ginawa sa room namin maraming magulang ang pinaalis ako. Ang aarte, amputa bagay nga sa kanila yung kulay na pinintura ko, tutal mga demonyo sila" Puro tawa na ang naririnig sa loob ng unit ko, tuwang tuwa ata sa kinukwento ko.

"Full story! Pabitin ka e!" Reklamo ni Chian na sinangayunan ng iba. Napabuntong hininga ako.

"Napunta ako sa mataas na section dahil sa grado ko. Nung tinarantado nila ang room namin maraming nag reklamo at maraming napaalis pero bago sila umalis tinarantado ko ang room nila. Ayos lang naman sakin na napaalis ako dahil hindi ako nag iisa dahil ang sabi ko sa kanila na pag pinaalis nika ako ay dapat aalis din sila. Maraming naiinggit sa section namin kesyo favorite raw ng mga teacher at mas natututukan kami kaya ginawa nila yon" Pag ke-kwento ko sa kanila.

"Gago, kasalanan naman pala nila!"

"Tama ang ginawa mo!"

"Gago! Tanga naman nila!"

Napailing na lang ako, saktong natapos ako sa pag ke-kwento tapos na rin silang kumain. Inayos nila ang pinag kainan nila at tinapon sa basurahan, may ibang nag linis may ibang nag tapon ng basura. Napatingin ako kay Ferrer dahil nahuli ko na naman siyang nakatintin sakin. Lagi na lang.

Kumain din siya kanina, katapat ko ang upuan niya. Nag cellphone ako nang nag cellphone at nag scroll sa X. Eleven fifty-two na, nine ang pasok namin pero anong pake ko? Mamaya pako papasok.

A/a : Sinulat ko ito eight fifty-five natapos ako nine fifteen, Sa susunod ko na ipa-publish ang mga pangalan nila pag complete na o kaya pag nalabas na lahat ng characters.

Typographical and grammatical errors ahead.

Enjoy reading!

Behind Her Secrets (OGS #1) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz