Chapter 1

1.6K 54 3
                                    

HEISJE

May ilang kaibigan din ako na nag aaral dito kaya hindi na ako mahihirapang hanapin ang cafeteria at iba pa, inantay nila ako sa labas ng rest room dahil nag ayos ako saglit.

"Saang section ka napunta?" Tanong ni Wein habang nag lalakad kami.

"Section Dark" Maikling saad ko. Napataas kilay ko nang tumaas kilay nila sakin. Anong problema sa section na napasukan ko? Feel ko rin may problema ang ilan sa kanila, problema sa pag iisip.

"You're not joking?" Tanong ni Kreine na para bang nag bibiro ako, bakit ba ayaw nilang maniwala?

"Mukha ba akong nag bibiro?" Pabalang na sabi ko.

Tumikhim si Azaire at tumingin sakin na para bang napaka tanga ko. "Wala kang alam sa pinasukan mong section?"

"Bago lang ako rito, malamang wala akong alam." May inis kong sabi.

"Azrine" may pag babanta na sabi ni Kyro.

"Kyro" pabalik kong sabi. Napabuntong hininga nalang sila sa katigasan ng ulo ko. Teka, kanina pa kami nag lalakad, gaano ba kalayo ang cafeteria sa building namin?

Napa kamot na lang siya sa ulo bago nag salita. "Yung section mo, kinaiinisan sila rito. Lagi kasi silang nasasangkot sa gulo. Iba sa mga teachers at students ayaw sakanila. Minsan nga walang pumapasok sa room niyo. walang tumatagal sa section mo." Ganon? Anong pake ko?

"Pero mayayaman yan, patapon ang buhay at ugaling squatted . Sayang lang ang pera ng magulang nila, maayos naman sila mag aral pero may pag ka tarantado lang ang mga Teacher dito, binabagsak sila e hindi naman sila napasok, may mga saltik din. " Pahabol ni Kyro.

Tumango na lang ako. "Ah. Pero bakit walang babae roon sa section ko?"

"Kasi pag may babaeng napupunta ron nagawa sila nang paraan para mapaalis, hindi sila tumatanggap ng babae, kung kailangan saktan o pag tripan gagawin nila basta walang tatagal na babae sa kanila" Si Kreine ang sumagot sa tanong ko.

"Pero kahit ganon maraming nag kakagusto sa kanila, sa totoo nga lang ay ang nga tao rito ang nay problema, mga saltik. Pilit ma pinapaalis ang mga yan kahit alam nilang hindi pwede, mga baliw lang." Sabi ni Azaire. Ang interesting naman ng section na napasukan ko!

Katahimikan ang bumalot samin habang nag lalakad, nataw ko na ang cafeteria. Hindi ko alam kung cafeteria ba ito pero sa tingin ko ay oo, halata naman sa labas pa lang.

Nang makarating kami roon, napunta samin ang tingin ng mga tao sa loob. Na kung maka tingin sila sakin akala mo ako na ang pinaka makasalanan sa mundo. Weirdo. May ilang bulungan din kaming narinig na sa tingin ko ay hindi na bulungan dahil rinig na rinig.

"Bakit kasama niya ang mga Leader ng Campus?"

"Close ata sila, sanaol"

"Luh! Bakit niya kasama ang mga crush ko?!

"Nakakasakit. Siya na bagong salta close na ang mga Campus Leader, tayo na matagal ni hindi nag karon ng chance na maka usap sila!"

Oa! Napaka oa naman nila, parang mga tanga. At Campus Leader pala ang mga to? Amputa, hindi bagay. Hindi na lamg namin pinansin ang bulungan na yon at nag hanap ng mauupuan.

Nang maka hanap na kami, sinabi ko na lang ang order ko sa kanila, ako ang naiwan kasama si Kreine na seryosong naka tingin sakin. May pag babanta ang tingin niya na parang sinasabi na mag iingat ako sa pinasok ko.

"Be careful, Azrine. Masyadong delekado ang mga taong makakasama mo sa isang room, mga mukhang kalmado pero mga delekado. Pwede nilang gawin sayo ang ginawa nila sa ibang babae para lang mapa-alis." Seryosong sabi niya na parang isang maling galaw ko lang e mamatay nako. Tumango na lang ako kahit wala akong pake.

Nag libot ako ng tingin, napa taas ang kilay ko dahil nakita ko sila ang ka-section ko na naka tingin sakin. Hanggang dito ba naman, bahala sila!

"Hindi sila pwedeng pumasok dito, ngayon na may bagong babae ay pwede. Pero tatlong araw lang yon dahil pag tapos ng tatlong araw, hindi ka na rin pwedeng pumasok dito" Lah! Tangina?

"Bakit pati ako?" Naka simangot kong sabi. Ano ba yan! Kay bago bago ko rito tatarantaduhin agad ako!

"Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Parang one for all, all for one" Mapang-asar niyang sabi. Putanginang to, wala talagang magandang dinulot sa buhay ko! "Just kidding" bawi niya nung nakita kung gaano kasama ang tingin ko sa kaniya. "Kakausapin namin ang Dean about diyan, huwag mong problemahin" Natatawa niyang sabi na kahit wala namang nakakatawa.

Saglit lang din ay naka balik na rin sila Azaire dala dala ang mga pag kain. Napatingin ako sa cellphone ko, malapit na mag time. Naubos ang oras sa pag pila nila at pag lalakad namin.

"Mag iingat ka, Azrine" Inirapan ko na lang sila, ano ba yan! Paulit ulit kasi!

Tahimik akong nakain habang sila ay nag kekwentuhan. Napa tingin kami sa umupo sa katabi lang namin na upuan, nasa pinaka dulo kasi kami. Ang mga kasection ko. Napabuga ako sa hangin at bumulong." Minamalas nga naman" Natawa na lang si Wein dahil narinig niya.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag scroll, hindi ko na pinansin ang tingin nila sakin. Tumunog ang bell, sign na time na. Nag paalam ako kila Kyro na mauuna na ako. Napairap ako ng mapansin na makakasabay ko ang dark section pabalik.

Kinuha ko ang sandwich ko na natira at nag simula na mag lakad, ramdam ko ang presensya nila sa likod ko, natatawa na lang ako, nag mumukha silang body guard pero mabango version.

Hindi ko maitatanggi na may itsura sila pero pag dating sa ugali walang wala, sasama kasi ng ugali ng mga putanginang to. Bago ako maka hakbang sa hagdanan may pumulupot sa kamay ko. Napahinto ako at tinignan siya. Pero walang siyang pake at hinigit nako.

Sa pag higit niya sakin, mas nauna kaming dalawa maka rating sa loob ng classroom. "Hi! I'm Chian Alexander Zaffre! Ako ang pinaka bata samin" Masayang pag papakilala niya. Tumango ako.

"Heisje" Balik ko sa kaniya kahit alam ko na kilala na niya ako dahil sa pag papakilala ko sa kaniya.

Napanguso siya "Ang tipid mo naman!" Natawa ako ng mahina at pumunta na lang sa upuan ko pero tumabi siya sakin. "Tabi tayo!" Wala akong nagawa kung hindi tumango, ano pa nga ba eh nandito na siya.

A/a : Gaya nga ng sinabi ko, may babaguhin akong mga pangalan dito.

Behind Her Secrets (OGS #1) Where stories live. Discover now