Chapter 3

1.2K 51 1
                                    

HEISJE

Uwian na, nag aayos na ako ng gamit para umuwi sa bahay. Nasa baba na ako at nakita ko sila Severian na nag lalakad din patungo kung nasaan ako. Nandito kasi ako sa tapat ng kotse ko, bubuksan ko sana kaso nakita ko sila.

"Uuwi na agad?" Tumango ako at tumango na lang din sila bago nila ako yakapin isa-isa. Nag hiwalay na kaming lahat dahil uuwi na rin sila.

Bubuksan ko na sana ang kotse ko ng may putanginang humawak sa kamay ko. Pag lingon ko, si Chian pala. Ang hilig niya naman humawak sa kamay ko!

"Aalis pa tayo diba? Sayo kami sasakay" Naka ngiting sabi niya na akala mo ay nakakaloko. Parang gago. Nagulat na lang ako ng bigla silang sumakay kasama si Ferrer. Ang putanginang leader nila, si Kaiden Jeivr Ferrer. Infairness, ganda ng pangalan ng putanginang demonyong to.

Wala nakong nagawa nung pumasok sila. Ay! Teka lang, may sariling kotse tong mga to bakit sakin sasabay? At uuwi rin muna ako sa condo! Pumasok nako sa driver seat at tinitignan sila. Ang sabay ko ay si Ferrer, Chian, Dairius at Neixus.

"Bakit ba kayo sakin sasabay? May sari-sarili naman kayong sasakyan! At uuwi rin muna ako!" Inis na sabi ko pero ngiti ang natanggap ko kay Chian.

"Sama kami, punta kami sa bahay mo hehe" Putangina? Napabuga ako dahil wala naman na akong magagawa. Inistart ko na lang ang kotse at nag maneho.

Nag request ng kanta si Dairius, yung best part daw at nag kakakanta sila na parang baliw. Kapagod amputa. Nastock kami sa traffic kaya kung ano anong katarantaduhan ang ginagawa nila rito sa kotse ko. Kasunod din namin ang iba.

Kanina pa traffic kaya nung hindi na, binilisan ko ng onti ang pag da-drive para madali kaming makarating sa condo. Pero ang mga putanginang to andaming reklamo!

"Wait lang, ang bilis naman Heisje!" Reklamo ni Chian pero inirapan ko lang.

Hindi rin nag tagal ay naka rating na kami sa tinitirahan ko.

"Wow! Rito ka naka tira? Mahal daw ang bayad dito e!" Manghang mangha na sabi ni Chian. Baliw. Napailing na lang ako at sumakay sa elevator. Second to the last ang floor ko, hindi ko alam kung bakit ko pinili rito.

Nang maka rating kami, binuksan ko ang condo ko gamit ang key card. Pag kapasok na pag kapasok namin, puro compliment ang natanggap ko sa mga tanga.

"Ganda gagu!"

"Sanaol na lang!"

"Dream condo ko to e!"

"Mahal siguro to!"

Napabuntong hininga na kang ako at pinaupo sila sa couch bago dumiretso sa kwarto ko at nag palit saglit. Nag palit lang ako ng pants na trouser at nag suot ng fitted top at pinatungan ng cardigan. Lumabas nako matapos non at putangina pag labas ko nabato ako ng unan sa mukha! Sa mukha talaga!

Sinamaan ko sila ng tingin at pinaayos sa kanila ang gulong kinalat nila. "Walang sasabay sakin, ang iingay niyo!" Sigaw ko sa kanila pero hinila nila ako papuntang parking. Nalampasan namin ang kotse ko, nadala ako ng mga hayop na to sa van nila! Bwiset!

Nakasimangot akong sumakay kahit labag sa loob ko, wala na rin naman akong magagawa dahil sa bukod na hindi ko rin dala ang susi ng kotse ko, nasa loob na ako. Nakakainis naman!

Behind Her Secrets (OGS #1) Where stories live. Discover now