Chapter 2

1.3K 46 0
                                    

HEISJE

Parang parang aning to, mag mula kahapon hanggang ngayon nakatingin pa rin sila sakin maliban kay chian na walang ginawa kung hindi kulitin ako nang kulitin.

"Dali na! Sumama ka na samin!" Nag aya kasi sila lumabas at sinama ako, yung iba labag pa sa loob nila na isama ako at yung iba gusto akong isama para raw makilala ako? Hindi pa ba nila ako kilala?

"Titignan ko. Uuwi muna ako" Sabi ko para hindi niya ako kulitin.

Tumingin siya sa akin na para bang hindi siya naniniwala, kahit ako e. "Sure ka ha? Sabi mo yan!"

Simula kahapom hanggang ngayon, wala pa rin pumapasok na teacher maliban sa class adviser namin. Totoo nga ang sabi nila sakin kahapon, mga may saltik ang guro rito. Pero subukan nila akong ibagsak, sila ang ibabagsak ko.

Nag bell na, sign na break time. Bumaba ako dala dala ang cellphone ko, mula kahapon hanggang ngayon iniiwasan ko pa rin maarawan ang mukha ko, pumunta akong rest room at nakita sila Kreine na nag aantay ron. Nung nakita nila ako tumango sila sakin kaya dumiretso na ako sa loob.

Inayos ko ang sarili ko at nag lagay ng sunscreen, ewan ko ba ayokong naaarawan ang mukha ko. Nang maka labas ako, dumiretso na kami sa cafeteria at nag order. Gaya kahapon, humanap kami ng upuan pero si Xeiz ang kasama ko.

May naririnig pa rin kaming bulungan na simula kahapon ay hindi nawawala, mga aning. Bahala sila. Sa hindi kalayuan, nakita ko sila Chian na naka tingin sa direksyon ko?? Ayan na naman sila sa sakit nilang walang lunas.

"Kamusta?" Pag sisimula ni Xeiz. Hanggang ngayon ay binabalaan pa rin nila ako dahil nag aalala raw sila para sakin pero hindi ko na lang pinapansin.

"Okay lang" Maikling balik ko, tinignan niya ako na parang sinisigurado niya.

Hindi rin nag tagal at dumating na rin sila Azaire pero kasama ang mga putangina! Napasimangot ako.

"Wala na silang maupuan, mukhang maraming nag caft ngayon kesa kumain sa labas kaya isinama ko na" Pag eexplain ni Azaire. Ano pa nga ba, napa irap na lang ako sa kawalan.

Malaki naman ang cafeteria ng school pero marami ring estudyante, walo ang pwedeng umupo sa kabila at walo rin dito sa inuupuan ko ngayon, para mag kasya kami, humiram sila ng upuan per table.

"Ang swerte niya naman, puro pogi ang kasama niya!"

"Kung ganiyan ba naman ang makakasama ko baka hindi na ako umalis!"

"Sanaol! Ano kayang prayer niya!"

Anong prayer ko? Ang manahimik kayo, mga chismosa.

Mga salitang napasok sa isip ko na gusto kong isigaw dahil naririndi nako, kahit saan ako mapadpad may bulungan pa rin akong naririnig, hindi ba sila nag sasawa?

"Hoy Azrine!" Tawag ni Kreine sakin at putangina sumigaw pa kaya mas lalong dumami ang bulungan.

"Azrine ang pangalan niya? Wow, ang ganda!"

"Tanginang yan! Pangalan pa lang talo na ako!"

"Maganda na siya maganda pa ang pangalan, sanaol talaga!"

"Anong laban ng Nana Batumbakal ko sa Azrine niya!"

Muntik ko— namin maibuga ang kinakain namin. Putangina? Nana Batumbakal? Hindi ko alam kung nag bibiro siya. Nag katinginan kaming lahat at sa hindi malaman na dahilan, tumawa kami na parang baliw.

"Putangina! Ano? HAHAHHAHAHAHAHAHA" Tawa ni Jeize, ayan yung kasagutan ko kanina.

"Tanginamo, Jeiz!" Mura ni Arc sa kaniya.

"Gago! Putangina HAHAHAHAHAHAHHAHA!" Halakhak ni Chian na parang baliw. Ang gago naman nila.

"Gago kayo! Ugali niyo napaka sama!" Sabi ni Gray pero isa rin siyang nakitawa. Napa iling na lang ako sa katarantaduhan nila.

"Maiba ang topic, bakit lagi mong tinatakluban ang mukha mo, Heisje?" Tanong ni Arc na parang takang taka talaga.

Si Kyo ang sumagot. "Maarte yan, dahil sa kutis niya. Mas pipiliin niyang mamatay kesa maarawan ang mukha niya" Naka ngising saad ni Kyro.

"Kala mo siya hindi maarte" pabulong kong sabi pero narinig nila at natawa.

Nagulat kaming lahat ng may sumigaw na patili. "Heisje! Rieeeee!" Sigaw niya na may kasamang tili. Si Weiz. Kasama niya si Severian.

Nang makarating siya rito, dinamba niya ako ng yakap. Putanginang to "Masakit!" Sigaw ko sa kaniya at tinulak siya "Tarantado ka ba?!" Naka simangot kong sabi.

"Sorry na! Namiss lang kita!" Naka nguso niyang sabi at siniksik ang sarili niya sa pagitan namin ni Wein.

Mag kapatid sila ni Wein, mahahalata na yon sa pangalan pa lang. Ang pinag kaiba nila ay ugali, kung si Wein ay seryoso si Weiz ay palabiro.

"Anong nangyari sa damit mo at basang basa?" Tanong ni Wein.

Napa nguso si Weiz "May tarantado roon sa labas na akala niya ay daan niya! Putanginang yon, bulag ampota! Nadumihan tuloy ako!" Inis na sabi niya.

Tumawa si Azaire "Masama naman ang ugali mo dapat ginantihan mo!"

"Tanga ka! Hindi ako katulad mo no! Gago!" Pang aaway ni Weiz sa kaniya. Napa iling na lang ako.

Amabagal naman ata ng oras, o maaga lang talaga nag break? Bored na bored nako sa buhay ko.

Minsan iniisip ko na pag namatay ako bakit o anong dahilan, hindi ko rin alam sa sarili ko. Kung ano ano na lang napasok pag bored ma bored ako. May kahabaan ang buhok ko kaya minsan nga ay iniisip ko na itali ang leeg ko gamit ang buhok ko pero iniisip ko masakit yon at mamumula ang leeg ko kaya hindi ko tinuloy, masakit kasi yon e. Nababaliw na ba ako? Pero bored lang ako, ang boring naman kasi talaga! Wala na ngang magawa wala pang maisip, sinong hindi maboboring-an doon!

Napanguso ako sa naisip ko, napaka tarantado mo talaga kahit kailan, Heisje.

Binuksan ko na lang ang cellphone ko at binuksan ang Instagram account ko.

@heisjeah

Heisje Azrine Hendrana

2 Posts - 15k Followers - 0 Following

Ang isa kong post ay moon, gabi na non habang ako ay naka talikod. At yung isa naman ay sunset. Matagal na yan pareho, time na maikli pa ang buhok ko at may kulay.

Maraming nag memessage sakin na hindi ko naman kilala. Dumami lang ang followers ko dahil sa dating school na pinapasukan ko, Campus Leader ako roon dati pero dahil sa kakulitan ko, nakick out ako pero wala akong pake.

A/a : Mag uupdate ako mamaya o bukas about sa pangalan nila, kung hindi bukas pag hindi na ako busy. Ilalagay ko roon ang updated names nila. Hindi nako mag sasabi kung kailan ako mag uupdate, nahihirapan din kasi ako minsan. Pag pasensyahan niyo na, may mga typo rito. Aayusin ko na lang pag tapos na.

Behind Her Secrets (OGS #1) Where stories live. Discover now