Chapter 4

62 18 0
                                    

Paris

After weeks of meetings and revisions ay nagsimula na rin ang construction ng hotel resort. So far maayos naman ang lahat. We are working closely with the architects to ensure that everything is going well.

It's the sixth day today at nandito ako ngayon sa lodging namin. Mamaya pa naman ang inspection namin so we have some time to rest. Malapit lang naman siya sa site kaya walang problema. It's a transient house where we and the architects stay in. Hindi na kami nag-hotel kasi medyo malayo sa site.

I went out of my room and went straight to the dining table. I was ecstatic when I saw that there was already breakfast prepared.

"Morning," someone greeted me from the kitchen.

It was Vince. Siya pala ang naghanda ng breakfast. He was carrying a big bowl of fried rice which smells so good by the way.

"Good morning!" pagbati ko bago ako nagsimulang magtimpla ng kape. I can never not have coffee in the mornings. Coffee is life. Pinagtimpla ko na rin si Vince.

"Nasa site na yung iba?

He just shrugged bago niya ilapag sa mesa ang kanin na dala niya at umupo.

Kumuha ako ng kanin at ulam. It was pork tocino and eggs. Walang nagsasalita sa amin dahil busy kami sa pagkain.

The food was devoured within minutes. Sumandal ako sa upuan ko at nag-unat. "Grabe nabusog ako."

"Di halata," sambit naman ng kasama ko na inikutan ko lang ng mata.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan," sabi ko at nagsimula ng magligpit ng lamesa.

"I'll help," said Vince. Kukunin na sana niya ang hawak ko pero inilayo ko ito sa kanya.

"Ako na. Nakakahiya naman sayo, baka sabihin mo kay tito inaalila kita dito," pabiro kong sabi sa kanya. "Mahal ko ang trabaho ko no."

"Wow ah! Ikaw pa talaga?" sarcastic niyang sagot. "Alam mo naman na favorite ka ni Dad. Baka ako pa ang mawalan ng trabaho kapag nalaman nila na pinaghugas kita ng plato."

I looked him dead in the eyes and gave him an unimpressed expression. "Vince, ikaw ang magmamana ng company niyo. Impossibleng mawalan ka ng trabaho." I said tapos pumunta na sa may sink para magsimula ng maghugas.

I heard him chuckle from behind. Then biglang nasa tabi ko na siya. "I'll dry them for you. "

Seeing that I have no other choice, hinayaan ko na siya. Hindi naman to magpapatalo. We worked in comfortable silence hanggang sa matapos kami.

"Kamusta pala si Kyla?" I asked. "We always make plans to meet kaya lang hindi nagtutugma ang mga sched namin."

Kyla is Vince's girlfriend. Yes, I am close with my bestfriend's girlfriend. If you are expecting gf and gbf drama, you will be disappointed. Kyla and I are friends. Mas nauna kaming naging magkaibigan bago naging sila.

"I know. Nakuwento niya sa akin. Miss ka na daw niya," said Vince.

Natuwa naman ako sa narinig ko. "Aaww!!" I exclaimed in a singsong voice. "Love talaga ako ni Kyla."

Ngumuso naman itong kasama ko. "No need to tell me. Mas mahal ka pa nga ata non kaysa sa akin. "

Aba! At nagselos pa nga. I raised my shoulders in a mocking manner. "Wala, ganyan talaga," sabi ko. "I'm just so lovable."

Umiling na lang si Vince tapos ay bigla akong sinapok.

"Aray naman!" sabi ko habang hawak ang ulo ko. "Isusumbong kita kay Kyla, sige ka!" pananakot ko sa kanya.

Parang bata naman siyang bumelat at umakyat na papunta sa kwarto niya.

Napailing na lang din ako. Iba talaga tong lalaking to. Pati ba naman ako pagseselosan? Tama ba yun?

Sinong mag-aakala na may ganyang side ang isang Vince Gimenez? Akala ng iba sobrang seryoso nung lalaking yun. Di nila alam ganyan siya.

Hay...

Pumunta ako sa may balcony para magpahangin. I am loving the fresh air here. Sa Manila kasi sobrang polluted ng hangin tapos sobrang ingay at sobrang busy. Buti pa dito tahimik.

I just sat there, enjoying the peace and quiet when my phone suddenly rang.

It's my dad. I smiled and answered the call.

"Hi Daddy!" masiglang bati ko sa kanya.

"Hello, nak," sagot naman niya sa akin. "Kumusta ka naman?"

"Ok lang naman po."

"I called because pupunta kami diyan ng mama mo bukas. May imi-meet daw kasi siyang client. Since nandiyan na rin naman kami, I was wondering if you could meet us for dinner?"

I got excited after hearing him. Namiss ko na sila. Since I am living in a condo, matagal tagal na nung last kaming nakapag-dinner ng magkakasama.

"Of course I can! Namiss ko na kaya kayo ni Mommy," parang bata kong sambit.

"That's good to hear," he said. "I'll send you the details later or tomorrow."

"Okay! See you tomorrow!"

"By the way, Paris, isama mo na rin si Vince. I heard babalik na siya ng Manila tomorrow."

Oo nga pala. Bukas na uuwi sila Vince. Updated talaga tong tatay ko.

"Wow, Dad, update ka ah," biniro ko siya.

I heard his laughter on the other line. "Nabanggit lang ng tito mo."

Him and Tito Jim, Vince's father are really close. Kung kami naging magbestfriend ni Vince, ganoon rin ang mga parents namin. Pati nga si mommy and Tita Shane, amigas na eh. Same with our siblings. Kuya Val, Vince's brother is close with my Kuya Jay tapos naging girlfriend naman ni Kuya Val si Ate Rain ko. Nakasunod ba kayo? I know it's a little hard to take in.

"I'll ask him po," sagot ko sa tatay ko.

"Sige," he said. "Okay, I got to go na. Ingat ka diyan."

"Yes, po. See you tomorrow!"

He ended the call after he said goodbye. Sinabihan ko si Vince about our plans and he said that he will go. Basta libreng pagkain naman sasama yung lalaking yun.

After that ay nagstay pa ako sa balcony before preparing to go to work.

****
A/N: Sosyal ang company ng koya at ate niyo. Transient house pa lang yan😂

 Transient house pa lang yan😂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Help Me Remember ParisWhere stories live. Discover now