Chapter 6

48 16 2
                                    

Vince

It's the day after and I am already packing my bags. Morning kami nagpunta sa site ngayon kaya maaga akong nakabalik. After ng dinner with the Alvarez family ay uuwi na ako sa Manila.

Tapos na ang one week assignment namin sa site. Wala naman kaming nakitang problem so we can go na. We will just visit the site from time to time to observe.

As I was folding my clothes ay nag-notify ang phone ko.

It's a message from Kyla.

Today's your last day in Batangas, right? Want to go to dinner with me?

Napapalatak ako. I already said yes to Tito Jun. Nakakahiya naman kung mag cancel ako.

I tried to call her and she answered in the third ring.

"Hi, Love!"

A smile immediately formed on my lips as soon as I heard her voice.

"Hello, love," I replied.

"So, dinner? I got an early out ngayon," masaya niyang sabi.

Napahawak ako sa batok ko. Paano ko ba sasabihin.

"Um, ano kasi, love... naka-oo na kasi ako sa dinner kasama sila Tito Jun." She knows who Tito Jun is.

Natahimik ng sandali sa kabilang linya.

"Oh."

"Sorry, love," I apologized. "Pupunta daw kasi sila dito kaya inaya nila kami ni Paris na mag-dinner. Hindi ko rin kasi alam na early out ka today."

Once again ay tumahimik sa kabilang line. My hands suddenly became sweaty.

"I see," sabi niya. "Sorry, didn't know that you have plans already."

Halata sa boses niya ang pagka-dismaya. Ako rin naman, kasi madalang na lang nga mag-match ang sched namin tapos ganyan pa.

"We can meet tomorrow if you want?" I said. Trying to console her.

"Balik na ako sa usual shift ko bukas, eh. Next time na lang."

Napahilamos ako ng mukha. Magtatampo to for sure. Pero di ko rin naman kasi alam na maaga siyang uuwi ngayon.

"It's okay, Vince." I heaved a big sigh of frustration. Vince ang tawag niya sa akin kapag galit or nagtatampo siya. "Naiintindihan ko naman."

"I'm sorry, love. Babawi ako promise."

"Okay... Sige na, Vince. Balik na ako sa work. Ingat sa pag-uwi."

"Okay, love. Bye! Love you!"

"Bye," she said tapos ay binaba na ang call.

Naupo ako sa higaan ko. I'm so frustrated! Alam ko naman na walang may kasalanan. The situation itself is frustrating. Ang hirap kapag pareho kayong busy. Even seeing each other face to face is hard. Tapos nagtatampo pa si Kyla. I understand naman kaso it's so frustrating!

I was pulled out of my thoughts when my door opened.

"Vince, sa Butch daw ang dinner sabi ni Daddy. Mamaya daw eight tayo," narinig kong sabi ni Paris.

"Sige," yun lang ang nasabi ko dahil medyo inis pa rin ako.

I saw her walk towards me at umupo sa tabi ko.

"Uy, Vince," she said while bumping my shoulder. "Napano ka?" tanong niya.

"Wala," sagot ko sa kanya tapos nagsimula na ulit mag-impake.

"Anong wala? Eh parang pinagsakluban ka ng langit at lupa diyan. Pangit ka na nga tapos mas lalo ka pang pumangit."

Binato ko sa kanya yung hawak kong damit.

"Aray naman!" sigaw niya tapos binato niya pabalik sa akin yung damit. "Napano ka nga kasi? May regla ka ba?"

Bumuntong hininga ako.

"Oh, ano?" she asked again.

Defeated, I went back to sit beside her. "Si Kyla kasi," pag-uumpisa ko.

"Oh, napano si Kyla?"

"Nagtext siya kanina, nag-aayang mag-dinner mamaya kaya lang sabi ko meron na tayong plans. I tried to asked kung pwedeng bukas na lang kami magkita kaso ayun nagtampo. Vince ang tawag sa akin."

"Ano ba yan! Yun lang naman pala eh," she said. "Edi wag ka ng sumama sa amin!" dagdag pa niya and gave me a look.

"Akala ko pa naman kung napano na kayo," sabi niya. "Just go to her, Vin. Sasabihin ko na lang kanila Dad."

She used her nickname for me so I know that she's serious. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.

"You sure? Di naman ba nakakahiya kanila Tito?"

With that ay binatukan niya ako. "Ito naman parang laging bago! Maiintindihan naman nila yun."

I massaged my head. "Ang sakit ah."

"Para naman magising ka," she said tapos ay tumayo na. "Call Kyla, alam mo naman na miss ka lang niya kaya siya ganon."

I smiled at her. "Thanks," I said.

"Yeah yeah, whatever," she tried to dismiss me atsaka siya naglakad palabas.

"Call her, Vince!" I heard her shout from the stairs.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad si Kyla.

"Hello, love?"

Help Me Remember ParisWhere stories live. Discover now