Chapter 7

87 15 5
                                    

Paris

After kong bumaba galing sa kwarto ni Vince, I immediately called Dad to tell him that Vince won't be able to come.

Okay lang naman sa kanya kaya nga I can't see why Vince was so stressed about it. Masyado kasi siyang seyoso sa buhay. Once he gave his word, kailangan gagawin niya talaga. Nagtampo pa tuloy yung girlfriend niya.

I mean, I get it, he's a man of his word and that is very admirable of him, pero he should also know how to prioritize and weigh things. He should also learn to compromise. Alamin niya kung anong mas importante. Lagi siyang ganyan kaya minsan nag-aaway sila ni Kyla.

Palagi kong sinasabi sa kanya na ayusin niya ang ugali niyang yun dahil kung hindi, he may lose the people around him. People that are important to him.

****

Paalis na ako papunta sa dinner nang makasalubong ko si Sian, yung kasamang architect ni Vince.

I am wearing a white top paired with trousers then black and white sandals. Casual lang ang suot ko para di na hassle.

"Uy, Sian," I greeted him. "Paalis ka na?" We don't use titles kapag wala kami sa work. Like, we know each other naman. Why do we have to be formal?

"Oh, Paris!" sabi niya pagkakita niya sa akin. Tinuro niya yung mga bag na nasa may pintuan sa labas. "Oo e, para di na ako masyadong gabihin."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Ikaw? Saan ang punta mo?"

"I will be having dinner with my parents," sabi ko sa kanya.

We walked towards the entrance then he gestured for me to go first. Sinara niya ang pinto at kinuha ang mga bags niya.

Sinalubong kami ng malamig na hangin mula sa sa may dagat. I closed my eyes and breathed in the fresh air. The sky is clear at kitang kita ang nga bituin sa langit.

"It's good that your parents are here to visit you," he said while we are walking.

Sasagot na sana ako pero muntikan akong ma-out of balance, mabuti na lang at nahawakan ako agad ni Sian.

"Thanks," I told him with a sheepish smile. I tried to play it cool pero I am internally screaming. Nakakahiya! I can feel my cheeks heating up. Nagpapasalamat ako na madilim na dahil kung hindi, kitang-kita ang pagba-blush ko.

He flashed me a charming smile before answering, "You're welcome."

Medyo malayo ang parking lot kaya inalalayan na niya akong maglakad.

"So," he said, keeping the conversation going, "buti nandito sa Batangas ang parents mo?"

"May inasikaso kasi sila dito kaya inaya nila kami ni Vince na magdinner."

Kumunot ng konti ang noo niya. "Oh? Eh bakit umuwi na si Vince?"

"Nag-aya rin kasi yung girlfriend niya," sagot ko. "Minsan lang naman mag-match ang sched nila kaya ayun," dagdag ko pa.

"Grabe sana all talaga my girlfriend," pabiro niyang sinabi which caused me to chuckle.

"Edi maghanap ka ng girlfriend," biro ko rin sa kanya.

"Ang hirap kayang maghanap ng girlfriend," sabi niya.

"Kaya mo yan!" pag-eencourage ko sa kanya. "Feel ko naman maraming nagkakagusto sayo sa office."

Palagi kasi siyang pinag-uusapan ng mga kasama kong babae.

"Hindi ko naman type yung mga yun," sabi niya. We reached the parking lot and saw that our cars aee parked beside each other.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Help Me Remember ParisWhere stories live. Discover now