Chapter 6

7.8K 155 18
                                    

"Hoy ang daya mo." Sigaw niya ng biglang kinain ni Kylo ang isaw niya.

Hating gabi na at nasa labas sila ng subdivision kung saan nakatira ang dalawa. Hindi pa sila inaantok kaya napagdesisyonan nilang maglakad lakad hanggang sa makita nila ang nagtitinda ng barbecue sa labas ng subdivision.

Gabi na naman at wala masyadong tao kaya walang masks o sumbrero ang dalawa. Para silang mga dancer sa get up nilang tatlo. Nakaputing tshirt at itim na sweatpants.

"Here." Finn offered his food to her na ikinapula niya. Paano ba kasi eh pwede naman iabot ang stick ng isaw pero bakit kailangang isubo pa?

Hahawakan na sana niya ang stick ng ilayo ng binata iyon kaya napatingin siya dito. "Just bite the barbecue Savrina." Sabi nito bago inuumang sa kanya ang stick ng isaw.

Napanguso siya bago kumagat sa stick and when she pull out ay umiwas siya ng tingin dito. Ibang iba ang pakiramdam niya sa dalawang binata.

Nahihiya siya kay Finn while Kylo is a different story. Mas magaan ang loob niya kay Kylo dahil mas isip bata ito.

Inakbayan siya ni Kylo bago nito hinarap ang matandang lalaking nagtitinda ng barbecue. "Manong we will buy all of this." Sabi nito sabay turo sa mga paninda ng matanda.

The old man look at her kaya tumango nalang siya. "Bibilhin po nila tay ang lahat ng yan. Paki total nalang po."

"Naku salamat ineng. Makakauwi ako ng maaga. May sakit pa naman ang asawa ko." Sabi ng matanda kaya napabuntong hininga siya.

"Whats wrong?" Finn asks.

"Wala lang. Sabi ni tatay may sakit daw asawa niya." She said at napatingin ito sa matanda.

"Well I guess buying all his barbecue is good so that he can go home early."

"Late na kaya. Umaga na nga actually." Sabi niya bago naglahad ng kamay kay Finn. "Bayad ng barbecue?"

"How much?"

"Magkano po lahat tay?"

"700 pesos lahat ining. Pero sure ba kayo nang mga kasama mo?"

Tumango siya bago bumaling kay Finn.

"700 daw."

Tumango ito bago dumukot ng pera sa bulsa nito. He then give her two thousand pesos.

"Subra." She said.

"Let him keep the change. Make him buy the medicine he needs for his wife." Sabi nito na ikinagulat niya.

"Sure ka?"

"Yup." Kaswal nitong sabi.

"Here also Savvy." Kylo said bago nilagyan ng dalawang libo ang kamay niya bali apat na libo na ang hawak niya. "The old man can also have that."

Napalunok siya bago tumingin sa matanda bago niya inabot ang apat na libo dito na ikinagulat nito.

"I-ineng."

"Sayo nadaw yan tay. Pambili din daw ng gamot sa asawa niyo po." She said at kitang kita niya na tila maiiyak ang matanda kaya napatingin siya kay Finn bago walang babalang yumakap dito na ikinagulat ng binata.

Gusto niyang itago ang awa na mababakas sa mukha niya. Isa pa mababaw lang ang luha niya. Baka pag umiyak si tatay ay sabayan niya ito.

"You ok?" Finn said habang hinaplos nito ang likuran niya.

Umiling siya bago hinigpitan ang yakap dito lalo pa at nadinig niya ang mahihinang singhot ng matanda.

Maybe for this two men the money they just give is nothing. Pero sa mga kagaya ni tatay eh napakalaking pera na yung apat na libo.

"Thank you." Bulong niya.

"For what?"

"For being nice." She said bago tumingala dito. His handsome face stare at him bago ito ngumiti at ginulo ang buhok niya.

"Your welcome Savrina."

"Paano ako?"

Gulat na napatingin siya kay Kylo. He just talked in tagalog. Bumitaw siya kay Finn at tinitigan si Kylo.

"How about me Savvy? Where is my hug?"

"You can speak tagalog? Akala ko nakakaintindi ka lang." she said instead.

"Duh savvy, me and Finn can speak tagalog fluently. May slang nga lang yung akin but Finn doesn't have a slang."

Omg may slang nga. But that's make him alot more cuter.

"So where is my hug?"

Napatawa siya bago yumakap dito. "Thank you for being nice Kylo but please magtagalog kayo kahit minsan dahil nakakaubos kayo ng dugo." Sabi niya na ikinatawa ng dalawang binata.

When all the barbecue is cooked and they bid goodbye to tatay ay naglakad na sila pabalik sa bahay ni Finn. Napapagitnaan siya ng dalawa habang kumakain sila ng barbecue habang naglalakad pauwi.

"You know, we should do this often." Kylo said na ikinatingin niya dito. "You know doing the simplest thing in the world. I miss being free. I miss doing stuff without a camera shoving in my face."

"Same." Oh diba ang haba ng sagot ni Finn.

"Di gawin niyo. Wala namang pumipigil sa inyo. Isa pa may masks at mga sumbrero naman kayo pang disguise kaya go enjoy niyo ang bakasyon niyo to the fullest."

"We will. Kasama ka Savrina." Finn said na ikinahinto niya sa paglalakad.

Ok bat ang sexy nitong magsalita ng tagalog. Buo na medyo raspy ang boses nito.

"Wow. Dapat lagi kang nagtatagalog Finn. Ang sexy ng boses mo. Lalaking lalaki." She siad na ikinapula ng binata habang natawa naman si Kylo.

"Damn bro, are you kinikiling?"

Anong kinikiling? Napangiwi siyang bumaling kay Kylo. Yup that was funny.

She burst out laughing bago hinampas ang braso ni Kylo na gulat na napatingin sa kanya.

"Tange, it's kinikilig." She said bago tumingin kay Finn na may ngiti sa labi.

Kanina paba ito nakatitig sa kanya?

A Dare to Remember Where stories live. Discover now