Chapter 20

6.3K 144 11
                                    

K_Y_L_O: I miss you my Savvy.

Mapait siyang napangiti ng makita ang post ni Kylo. May social media na siya. At tila siya naging stalker ni Kylo  dahil biglang nabura ang social media  ni Finn. Wala nading balita patungkol sa binata.

S___ina: Miss ka din niya. Girlfriend mo si Savvy?
K_Y_L_O: No. she's my soul sister.

Napangiti siya sa sinagot ni Kylo sa tanong niya. Hindi nito alam na nakafollow siya dito at mula ng magising siya sa aksidente ay sinusubaybayan na niya ito.

Hindi siya nagpakilala dahil baka galit ito sa kanya dahil tatlong buwan din siyang walang kumunikasyon dito. After that accident sa labas ng airport ay nacoma siya nang halos isang buwan.

Buti nga nabuhay pa siya eh at walang amnesia. But when she woke up ay paralyzed naman siya kaya minabuti niyang magpatherapy muna bago siya nagpabili nang bagong cellphone para malaman ang nangyayari sa buhay nina Kylo.

Sure siyang hindi alam ng dalawa ang nangyari sa kanya kaya hindi siya nagtatampo. But now, kita niyang nasa pinas si Kylo base narin sa post nito na mukhang nasa bahay ni Finn. Hindi niya lang alam kung kasama ba nito ang binata.

Namimiss niya ang dalawa.

"Ate handa na ang jeep." Sabi ng kapatid niya kaya tumango siya at sumunod dito. Naka ayos na ang mga maleta niya sa jeep kaya hinarap niya ang mga magulang niya.

"Sure kang ok kana anak? Dito ka nalang muna sa davao."

Umiling siya sa mama niya. "Ok ako ma. Don't worry ok. Ok na ako. Isa pa nasa manila ang trabaho ko. Uuwi naman ako dito pag pasko eh."

Napa buntong hininga ito bago siya niyakap. Niyakap din siya ng papa niya at kapatid niya bago siya nagpaalam sa mga ito.

Babalik na siya sa manila. One week after the accident ay inilipad siya sa davao para dito sa malaking ospital dito magpagaling at para malapit sa mga magulang niya. The bus company paid everything from hospital bills hanggang sa therapy niya. Hindi narin siya nag sampa ng kaso sa driver dahil may kasalanan din naman siya. Tumawid siyang hindi tinitingnan ang magkabilang panig ng kalsada.

But now, she's coming back to the noisy  and crowded manila. Dahil pinapabalik nadin siya ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya.

Matapos makapag paalam sa mga magulang niya ay sumakay na siya sa jeep na siyang maghahatid sa kanya sa airport.

Once she arrives to the airport ay mabilis lang ang pagcheck in. And while waiting for her flight ay tiningnan niya ulit ang cellphone niya para lang magulat ng makitang finafollow na siya ni Kylo at may dm ito sa kanya.

[Can I talk to you? Can we be friends? I'm here in the Philippines. Here's my number if you wanna call me.]

Naiiling siya at tinawagan ang numero nito. Sadyang friendly ba talaga si Kylo?

"Hello??"

Tumikhim siya at magsasalita na sana ng maunahan siya nito.

"I miss you my Savvy."

Napasinghap siya dahil sa sinabi ni Kylo.

"You're savrina right? Please tell me you're my Savvy."

"Kylo." Mahina niyang sabi na ikinatigil nito. "Airport terminal 3. In two hours. Meet me there Kylo."

"Yes. Yes Savvy. God I miss you."

Napangiti siya bago nangilid ang mga luha niya. "I miss you too Ky."

"About Finn."

"Let's talk about him pag nagkita na tayo." Putol niya dito.

"Yes Savvy. Damn woman you have lots of explaining to do."

"I know Ky. Sunduin mo ako sa airport ha. Babalik na ako diyan."

"Yes Ate. I love you my Savvy."

Good lord na miss niya ang paglalambing ni Kylo sa kanya. And he just call her ate too.

"I love you too Ky. Bye." She said pero bago niya na off ang tawag ay may nadinig siya.

"I found her Finn. I found Savvy."

A Dare to Remember Where stories live. Discover now