Chapter 19

6K 128 9
                                    

"Don't cry savvy." Sabi ni Kylo habang yakap siya.

"Panget mo ka bonding." She said bago yumakap sa bewang ni Kylo. "Bakit pati ikaw babalik na sa america?"

Yes both Finn and Kylo is now going home sa America. Akala niya si Finn lang ang aalis pero biglang pati si Kylo din kay todo iyak siya ngayon dito sa airport.

"Savvy its about my work. I promise once that I completed all my obligations there this year, I will come back here for you." Sabi nito bago hinigpitan ang pagyakap sa kanya. "You're breaking my heart Sav. Don't cry."

"Don forget about me Kylo." Sabi niya bago kumalas sa pagyakap dito at sinapo niya ang mukha ng binata. "Wag mong kalimutan si Ate ha?" Sabi niya at kitang kita niya ang pangingilid ng luha nito.

"I won't. I promise Savvy." Sabi nito bago siya hinalikan sa noo tsaka ito tumalikod at naunang pumasok sa loob ng check in area.

"Sav."

Napabaling siya sa nagsalita only to see Finn staring at her. Before she could say anything ay hinila na siya nito at niyakap ng mahigpit.

Napahikbi siya ng patakan siya nito nang paulit ulit na halik sa noo. "Stop crying baby."

"Eh sa naiiyak ako." Sabi niya bago sinalubong ang tingin ni Finn. "Hindi paman pero namimiss ko na kayong dalawa."

Mapait itong ngumiti bago siya dinampian ng halik sa labi. Hindi na siya nagulat dahil for the past three days ay literal na magjowa ang galawan nila ni Finn. He surely makes her feel what's it like being her girlfriend. And all she could say is that nakakalunod.

"Stay in my house please." Sabi nito pero umiling siya.

"Ayaw ko. Malungkot sa bahay mo. Mas mangungulila ako sa inyo ni Kylo doon."

"Sav."

"Pero bibisita ako doon. Lilinisan ko yon lagi para pagbalik niyo eh nakahanda nayong tirhan." Sabi niya bago napalabi. "B-babalik ka naman diba?"

"I will come back Sav. I will come back for you." Sabi nito kaya tumango siya bago kumalas sa pagyakap dito.

"Thank you for making me happy Finn. Kung di kayo dumating ni Kylo sa buhay ko eh baka ang boring parin ng mga araw ko. Sana maayos mo  ang dapat na ayusin ss buhay mo. I will pray for you and Kylo's safety. At sa pagdating ng araw na ok kana, pero hindi na ako ang gusto nito." Sabi niya bago itinuro ang puso ng binata. "Hindi ako magagalit. Basta sabihin mo lang ng deretso sa akin dahil kahit na sinabi kong hindi ako mag hihintay eh alam kong aasa ako. So don't make me wait or hope for something ok?"

Tumango ito bago sinapo ang mukha niya at walang salitang sinakop ang labi niya. Kiber silang dalawa sa mga tao sa paligid. Once his done kissing her ay isinandal nito ang noo sa noo niya.

"You take care of yourself here Savrina. Alagaan mong sarili. Babalik ako kahit anong mangyari." Bulong nito bago siya hinalikan sa noo tsaka siya binitawan.

Pilit siyang ngumiti ng tumango si Finn bago ito tumalikod sa kanya.

Napasapo siya sa may dibdib niya ng sumakit iyon. Hindi niya akalain na ganito kasakit ang maiwan. Char. But seriously she will surely miss Finn and Kylo.

Ang dalawang lalaking binago ang buhay niya sa loob ng mahigit isang buwan lang.

She turn around after standing there for ten minutes and start walking away from the airport. Bahala na ang diyos sa hinaharap nilang tatlo. Pero ipapanalangin niya na sana hindi siya makalimutan ng dalawa.

She stopped walking bago siya tumingala sa langit. Napaka liwanag, taliwas sa nararamdaman niya ngayon.

Huminga siya ng malalim bago tumawid sa kalsada without realizing a bus that is coming her direction.

Malakas na sigaw ng mga tao ang huling nadinig niya bago siya binalot ng dilim.

A Dare to Remember Where stories live. Discover now