Prologue

1.5K 62 24
                                    

🌈

Prologue

"Kaya pala pinagpalit si Amihan, sobrang ganda ni girl."

Hindi napalagpas ng tainga ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Nasa library na pero tsismisan pa rin ang inaatupag nila.

Pinigilan ko ang tumunghay at lingunin sila. Nakatungo ako sa librong kanina ay binabasa ko pero dahil walang pumapasok sa isip ay itinulog ko na lang.

Ilang gabi na ba akong walang sapat na tulog?

"Ang sexy at anak-mayaman."

"Nursing students at the third table, please keep your voices down as you are distracting others," the librarian said. "This is your first warning."

As soon as they fell silent, I straightened in my seat and let out a yawn.

Nasa cubicle ako kaya hindi nila ako nakikita. Wala ring students ngayon sa mga katabing cubicle. Mas gusto ko talagang dito nag-aaral kaysa sa mga group study table kung saan nandoon ang mga kaklase ko. Malaya ko rin kasing naitutungo ang ulo ko sa pwesto kapag magustuhan ko.

Isinara ko ang libro at tumayo. Habang naglalakad papunta sa librarian para ibalik ang libro ay nagkatinginan kami ng isa sa mga kaklase at kaibigan ko, si Yan. Nginisihan niya ako bago siya tumayo at sinundan ako palabas ng library.

"So you overheard them gossiping about you, your ex, and his new girl," she said, struggling to keep up with me.

Yan Evans, a half Filipino and half American. Pabalik-balik sa United States at sa Pilipinas pero mas piniling dito mag-aral. Malakas din ang trip sa buhay.

"Please, I don't want to hear anything about Benj. Naiinis ako kapag nakakarinig ako ng tungkol sa kanya."

Inakbayan niya ako, pero deretso lang ang tingin ko sa hallway. Natahimik siya pero alam kong nasa akin pa rin ang tingin niya.

Vacant pa naman kaya umupo muna kami sa bench malapit sa Nursing Building. Pinanuod namin ang mga estudyanteng dumadaan.

"May quiz mamaya. Nag-review ka?" tanong niya sa matigas na Tagalog.

"Hindi," walang gana kong sagot.

She let out a deep breath. "You want me to grab you something? Maybe coffee, chocolate, or chips?"

Umiling ako at tumingala, pinipigilan ang sariling emosyon.

Fuck you, Benj! Bakit hindi ka mawala sa isip ko?

Naalala ko kung paano niya ako pinababa sa sasakyan niya noong isang linggo pagkatapos kong sabihin sa kanya na alam kong may babae siya.

"Kaya pala hindi mo na ako nagagawang puntahan sa bahay kasi may iba na." Nanginginig ang kamay ko na inilapag ang phone ko sa lap niya habang nakatigil ang kotse sa parking ng school.

He looked at the photo on my phone screen, a post from his secret Instagram account. Ang mga kaibigan niya ang nagpakita nito sa akin. Fortunately, his friends were different from him; they did not want to put up with his cheating.

Wala siyang imik. Nanatili lang siyang nakatingin sa cellphone.

"Maayos naman akong kausap, Benj. Hindi ba sabi ko sa 'yo no'ng bago pa lang tayo, kapag dumating ang araw na may isa sa atin na ma-fall out of love, kailangan nating sabihin sa isa't-isa?"

"Hindi madali ang gusto mong mangyari, Am."

"Kaya ka nag-cheat?"

Pumikit siya. "Oo."

"Tangina," napamura ako, mapakla ang ngiting kumurba sa mga labi kasabay ng pag-uunahan ng mga luha ko sa pagbagsak. "Mahal mo?"

"Oo."

Kinagat ko ang ibabang labi at hindi na napigilan ang pagkawala ng hikbi.

"You don't deserve this pain, Am. Let me go, please."

Napatungo ako. "Alam mo pala na hindi ko deserved, bakit ginawa mo pa rin?"

"I've already said all I need to. Now, can you please step out of the car?"

Tuluyan ko na siyang hinarap at sinampal siya nang malakas. Kinuha ko ang phone sa kandungan niya at saka ako lumabas. Pabagsak kong isinara ang pinto at naglakad palabas ng university.

Pagmulat ko ay bigla akong niyakap ni Yan. Tinapik-tapik niya ang likod ko at ako ay patuloy sa pagpipigil ng luha.

"Is that her?"

Lumayo ako sa kanya. Lilingon pa lang ako sa tinitingnan niya pero hinawakan na niya ang magkabila kong pisngi para pigilan akong lumingon.

"Sino ba 'yon?"

Pinalis ko ang mga kamay niya at haharangan pa sana ako para hindi makita ang tinitingnan niya pero huli na.

Tumutok ang mga mata ko sa babaeng may hawak na helmet, nakaupo sa isang halatang mamahalin na motorsiklo. Mukhang kadarating lang.

A girl rider. A gorgeous girl rider.

"Ang astig at ganda niya," komento ko.

Itinali ng babae ang mahaba at itim na itim niyang buhok bago bumaba ng big bike. Pinagtitinginan din siya.

"Are you serious? You're actually admiring your ex's new girlfriend, Am."

Mabilis kong nilingon si Yan, at muling napatingin sa babae.

Tumutok ang tingin ko sa babae na nagsimulang maglakad. Lumagpas siya sa amin at nanghihina akong napaupo.

Raindrops on FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon