Chapter 7

340 28 2
                                    

Chapter 7

I could not find the words to say. Iniwas ko ang tingin nang natauhan ako sa nangyari.

"God, Amihan! I've been searching for you everywhere—" Yan stopped mid-sentence after noticing I was not alone. "Oh, hi!" Itinaas niya ang kamay bilang pagbati kay Rain.

Lumapit ako kay Yan. Sobrang init ng mukha ko, at hindi ko alam kung dahil ba ito sa pag-iyak o dahil sa yakap ni Rain.

As Yan and I were leaving, she nudged me on my shoulder. "Why are you with her?"

Pumasok kami sa room. Sumandal ako sa upuan ko at pumikit.

"Come on, tell me what happened."

Hindi ako sumagot at nanatiling nakapikit. Masakit ang ulo ko dahil sa pag-iyak, pero sa tuwing naiisip ko ang ginawa ni Rain ay parang gumagaan ang pakiramdam ko.

"Susunduin kita," sabi ni Yan.

Isinara ko ang pinto ng OSA, kakatapos lang ng oras ko rito. Alas-nueve na ng gabi pero hindi pa rin ako pinatatahimik ng nangyari sa Nursing Garden.

She gave me her handkerchief, took care of me when I was drunk, tied my shoelaces, and today she comforted me. It seemed unusual for her to do all that for someone.

Inilipat ko sa kabilang tainga ang phone, sinisigurado na lahat ng mga gamit ko ay nailagay ko sa bag. "Yan, magdyi-jeep na lang ako. Magpahinga ka na lang."

"Baka naman makikipag-date ka pa?"

Natawa ako, muntik nang mabitawan ang susi. "Kanino? May nakikita ka bang hindi ko nakikita? Sige na, palabas na rin ako ng school." 

Ibinaba ko ang tawag, hindi na naghintay ng sasabihin niya. Baka kasi manakot pa siya dahil sa sinabi ko lalo at narito pa ako sa school. Sa aming tatlo nila Sol ay siya ang pinakamahilig manakot.

Maaga siyang umuwi dahil nag-dinner sila sa labas ng family niya, si Sol naman ay may tinatapos na group project sa bahay ng kaklase. Kaya heto, mag-isa akong uuwi.

Palabas ako ng gate nang may tumigil sa gilid ko. I turned my head to the left, stopped walking, and realized it was Rain.

Hinubad niya ang helmet at iniwas ang tingin sa akin. "It's getting late. Hop on the bike. I'll give you a ride home."

Inikot ko ang sarili at bago ko pa maibuka ang bibig ay naisuot na niya sa akin ang helmet niya. She tapped on the pillion, gesturing for me to sit on it.

Huhubarin ko ang helmet pero piniit niya ito. She kept her right hand on the helmet to prevent me from removing it.

Nilingon niya ang pillion. Napabuntonghininga na lang ako bago sumakay. Sinigurado niyang nakaayos ako ng upo bago niya ito pinaandar.

The first time I rode her bike was while intoxicated. Now that I was sober, things felt more awkward between us.

"Hold my waist, or you might fall."

Halos hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong sa amin. Nang hindi ko sinunod ang sinabi niya ay bigla niyang pinaharurot ang motorsiklo. Tuluyan na akong napayakap sa beywang niya at napatili.

"Gago, Rain! Gusto ko pang mabuhay!" sigaw ko.

She suddenly laughed, making me open my eyes. Nakinig naman siya at mas lalong naging malinaw sa tainga ko ang tawa niya. Her laughter sounded like that of an angel, radiant and pure.

Napatigil siya nang na-realize niya na tahimik ako.

"I'm not going to hurt you. It's just that you never listen."

Raindrops on FlowersWhere stories live. Discover now