Chapter 12

360 26 10
                                    

Chapter 12

I smiled and returned her hug. "Okay lang. Ikaw?"

Kumalas ako, tutok ang tingin ni Reika sa akin. "Okay lang din. Last kita ko sa 'yo no'ng birthday ko pa. Sumama na ako kina Yan para makumusta ka."

"Kanina niya pa ako kinukulit na pumasok para maaya ka raw niya magkape—"

"Don't you have coffee at home?" Rain interjected, shooting a cold glance at Reika.

Lumipat ang tingin ni Reika kay Rain, halata sa mukha ang inis. Hinigit ako ni Rain sa tabi niya.

"Kinakausap ba kita?" matigas na tanong ni Reika.

"Yes, you are right now." Bumaba ang hawak ni Rain sa kamay ko at tuluyan na akong hinila palayo sa kanila.

Mahigpit ang hawak niya sa akin. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan kami.

Binitiwan niya ako pagkarating namin sa locker room at itinabi ang mga helmet. Inilabas niya ang mga libro para sa subjects niya ngayong araw.

Pagkasara niya ng locker ay hinarap niya ako. "Do you like her?"

"Who?"

"Reika." Sumandal siya sa locker at niyakap ang mga libro.

Kumunot ang noo ko. "Yup, she's a friend."

Tumalikod siya at naglakad na palabas. "You're aware of her sexual orientation, right?"

Pinanood ko ang mala-modelo niyang paglakad bago ko siya sabayan. "Yup. Cool nga kasi pati parents niya aware sa kung ano siya."

Deretso lang ang tingin niya sa corridor. Paliko na sana ako sa direksyon ng room namin pero bigla niyang hinablot ang braso ko.

"Where are you going?"

"Sa room. Doon na ako tatambay habang naghihintay ng first subject," sagot ko, pinilit itago ang pagtataka.

Muli niya akong hinila at nagpatangay naman ako. "Let's study in the garden."

Nanlaki ang mga mata ko. "Wait, so payag ka nang maging study buddies tayo?"

After releasing my arm, she continued walking.

Naupo siya sa bench. Tumabi ako sa kanya, hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko. Inilapit niya sa akin ang libro ng mga major subject namin.

"Rain..."

"Hmm?"

Bago niya pa ako lingunin ay niyakap ko na siya. Hindi siya gumalaw, nanatiling hawak ang Anaphy book na binubuklat niya.

"Hindi na ako masi-zero sa quiz at exam." Kinuha ko sa kanya ang libro.

Hindi na ako nagtangkang tingnan siya dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Nabigla rin ako sa ikinilos ko. Pasalamat ko na lang dahil binalewala lang niya ito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtu-tutor niya sa akin nang dumampi ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko. Napatigil ako sa pagnguya at nilingon siya. Itinuloy niya ang pagkain ng sandwich na pinabaon sa amin ni Mama.

"Para kang bata kumain."

Napangiti ako. "Ikaw naman ang cute mo mag-Tagalog."

Tumingin siya sa akin. Hinangin ang buhok niya na mas lalong nagpalawak ng ngiti ko. Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa kaliwang mata niya.

"What—"

Naputol ang sasabihin niya dahil biglang nag-ingay ang phone ko. Inilabas ko ito sa bulsa at pinatay ang alarm.

Raindrops on FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon