Chapter 6

356 28 0
                                    

Chapter 6

The nursing uniform fit her perfectly as if it was tailored specifically for her. Maganda ang pagkakalapat nito sa katawan niya, hindi maikakaila ang ganda ng kurba nito. Sigurado akong sa susunod na school year ay siya na ang kukuhaning student model.

With her usual poker face, she turned around and started walking away.

"Bagay sa 'yo," hindi ko napigilang sabihin.

It stopped her in her tracks. I could freely check her hair, which cascaded down her back like falls. Lumapit ako sa kanya kasabay ng pag-ihip ng hangin. Naamoy ko ang buhok niya.

"Anong shampoo mo?" bigla kong tanong. Iba iyon sa ginamit ko noong naligo ako sa bahay niya.

Sinilip ko ang mukha niya. Nilingon niya ako, nakakunot ang noo, halatang hindi makapaniwala sa tanong ko.

"Why did you ask?"

"Ang bango," nakangiti kong sagot.

Nagpatuloy siya paglalakad. Napanguso ako pero pinilit kong sabayan siya. Heading in the same direction, I smiled as she turned right.

Pumasok siya sa unang room. Tumigil ako sa pinto ng katabing room, malaki ang ngiti habang nakatingin pa rin sa pinto kung saan siya pumasok.

"Bakit ba hindi mo man lang magawang ngumiti?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may nagsalita. "You're talking to yourself again."

Nilingon ko si Sol na naiiling na lumapit sa akin.

She placed her arm around my shoulder, her lips inches from my ear. "Some might think you're crazy," she whispered.

"Wala akong pake." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at pumasok na ako ng room.

She was still at the door looking at me, even though I was already in my seat.

"What?" I mouthed.

"I thought you wanted me to help you review?"

Bigla akong napatayo. Iniwan ko ang bag at muling lumabas. Tumatawa si Sol na naglakad papasok ng room nila.

Papasok na rin ako pero napatigil ako nang naalala si Rain. Magkaklase nga pala sila.

"Ano? Diyan ka na lang ba sa pinto?"

Humugot ako ng hininga bago pumasok.

"Wala pa si Benj kaya makaka-focus ka pagre-review. Another thing is that you should start getting used to his presence from now on."

"Hindi 'yon gano'n kadali. Alam mo 'yan, kasi ikaw mismo naranasan mo na."

Natahimik siya. Iginiya niya ako sa pwesto niya at pinaupo ako sa katabing upuan. Hinanap ng mga mata ko si Rain. Nasa pinakadulo siya, may nakapasak na Airpods sa tainga.

May kinuha si Sol sa kamay ko. "Is this for me?"

Kumunot ang noo ko. Babalatan na niya sana ang lollipop pero mabilis ko itong inagaw.

"Akala ko bayad mo sa pagtuturo ko sa 'yo," lito niyang sabi. "Mas marami akong quizzes na ite-take ngayon kaya akin na 'yan."

Tinangka niya ulit itong kuhanin. Sumuko siya nang hindi ko ito ibigay.

"So you're finally listening to your professors, huh?"

Tiningnan ko siya.

"During Prof. Javier's lecture, he mentioned that lollipops can help boost motivation and concentration due to the sugar content that releases serotonin and dopamine, the happy hormones that regulate mood and emotions."

Raindrops on FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon