Chapter 3

381 33 6
                                    

Chapter 3

"Nakakailang baso na 'yan?" sigaw ni Sol kay Yan.

"I've lost count! Should we stop giving her drinks?" Nilingon ako ni Yan.

"KJ n'yo naman! Hindi pa ako lasing!" angal ko.

Napatakip si Yan ng tainga. Sinadya kong ilapit ang bibig sa tainga niya dahil sa lakas ng tugtugan ng banda. Hindi ito katulad ng ibang 18th birthdays na may mga pakulong 18 candles, wishes, gifts, at kung anu-ano pa.

It was heartwarming to see that Reika's parents were supportive of her, including her preferences in life, such as her attraction to girls. Kung sa ibang mga magulang ay siguradong mura at pagtakwil ang inabot niya.

Inakbayan ko silang dalawa. Lumapit kami sa mga bisita na sumasabay sa pagkanta ng banda. Naghe-headbang pa ang iba, ine-enjoy ang party na parang walang bukas.

"Nakita na tayo ni Reika pero mukhang sa lasing na 'to nakatutok ang tingin," nguso sa akin ni Sol.

"She's walking in our direction," Yan whispered.

Tumigil sa harapan namin si Reika. Nginitian niya ang pinsan at si Sol bago tumutok ang tingin sa akin. While standing at the bar counter, Yan told me to shake hands with Reika. Ito ang unang beses na nagkaharap kami nang ganito kalapit.

"I'm sorry if Sol and I showed up uninvited," I began with a warm smile.

"Both of you were invited." Nginisihan niya si Yan at ibinalik ang tingin sa akin. "Thank you for coming here, I appreciate it."

"Excuse us. Kuha lang kaming drinks," paalam ni Yan, isinama si Sol.

Iginiya ako ni Reika sa malapit na standing bar table. Hinarap ko siya, sabay naalala ko ang gift ko sa kanya na nasa clutch bag.

"Are you enjoying the night?"

Tumango ako. Inilabas ko ang maliit na regalo mula sa bag ko. Malaki ang ngiti niyang tinanggap ito.

She was about to open it, but I stopped her. "Mamaya mo na buksan."

Tumingin siya sa kamay kong pumigil sa kanya. I gently withdrew my hand and smiled awkwardly.

"Do you feel uncomfortable around me?"

Mabilis akong umiling. "Hindi naman. First time lang kasi natin mag-usap."

She placed the present on the table and looked around as if searching for something. "I was too shy to talk to you because you have a boyfriend. People are aware of my sexual orientation, and I believe you are aware of it, too."

"Oo naman. Tao rin ako," biro ko.

Her small burst of laughter filled my ears.

"Madalas akong pagselosan ng mga lalaki. Hindi naman ako gwapo, maganda lang."

I agreed with her and chuckled. Her confidence shone through without any hint of arrogance. Totoo na maganda siya, nakikipagsabayan siya sa ganda ng girlfriend ni Benj.

May sasabihin pa sana si Reika nang biglang nag-ring ang phone niya. Sinenyasan niya ako na sasagutin niya ang tawag.

"Ang tagal n'yo!" Lumarawan ang inis sa mukha niya. "Marami ba kayong kasamang babae?"

Iginala ko ang tingin. Nanlaki bigla ang mga mata ko pagkakita sa apat na babaeng papasok, isa rito ang girlfriend ni Benj.

Tumalikod ako at kinusot ang mga mata. Pagharap ko ay siya talaga. Pinagtitinginan sila ng mga bisita.

"Bakit sinama mo ang babaeng 'yan?" Deretso ang tingin ni Reika sa girlfriend ni Benj. Dito ko napagtanto na ang kausap niya sa phone ay isa sa mga babaeng palapit sa amin.

Raindrops on FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon