Side Story Chapter 1 (part 7)

323 21 0
                                    

Napanganga na lamang ako nang makita namin ni Marvin kung anong klaseng resort ang ticket na binigay sa amin ni Jullia. Alam namin na pagmamay-ari 'to ni George—no, I mean ng pamilya n'ya pero 'di naman namin akalain na isa pala 'tong five star hotel. 

"Sure ka ba na hindi nagkamali ang kapatid ko sa binigay n'ya sa 'yo?" tanong ni Marvin habang nakatingin sa akin.

"I don't think so," kaagad ko naman na sagot. "Her boyfriend is rich, really really rich."

"That man?"

Napatingala naman ako kay Marvin. "Hindi mo ba alam na mayaman 'yung lalaking 'yun? I mean, he's a member of a chaebol family here in our country. Their business are not just here but in the other country as well," kaagad ko na paliwanag. 

"Alam ko na mayaman s'ya," gulat na sabi ni Marvin. "'Di ko lang inakala na ganito," dagdag n'ya.

Natawa na lang ako dahil hindi ko akalain na hindi rin pala n'ya nahalata 'yun. Dumeretso na kaming dalawa sa receptionist at saka namin binigay 'yung ticket na binigay sa 'kin ni Jullia. Hindi nakaligtas sa mga mata namin ni Marvin ang pagkagulat sa mukha ng receptionist at kaagad naman s'yang nagbigay sa amin ng polite smile.

"Ma'am, Sir, wait lang po ah," kaagad na sabi ng receptionist. 

Tumalikod s'ya sa 'min at saka tumawag sa landline nila. Napatingin naman ako kay Marvin. "Parang kinakabahan ako sa ticket na binigay ni Jullia," natatawa ko na sabi. 

Ngumiti lang sa akin si Marvin at saka ginulo ang buhok ko. "Don't worry," he said as he smiled at me. "Hindi naman tayo bibigyan ni Jullia nang ganoon kung 'di s'ya sigurado," dagdag pa n'ya. 

Tumango na lang ako at saka tumingin sa likod ng babae. Naramdaman ko naman na may parang nakatingin sa 'kin—sa amin. Inilibot ko ang paningin ko at may iilan na tao na nakatingin sa amin ni Marvin. Some of them are wearing the same uniform with the lady in the reception.

"I think nakikilala na tayo rito," sabi ni Marvin habang napapatingin din s'ya sa paligid. 

Tumango ako. "Yeah, I think so too," kaagad na pag-agree ko sa sinabi ni Marvin. 

Magsasalita na sana ako ulit nang humarap sa amin ang receptionist. "Sorry for the wait, Ma'am and Sir. I was stunned to see the ticket you've gave me so I needed to ask for validation. These tickets are for VVIP suit in the hotel so I have to validate it first. I verify that it was indeed genuine." May nilaag naman s'ya sa harapan namin na card. "This is your key card and we all hope that you will enjoy your stay here," she added, smiling happily. 

Kaagad na rin naman na kinuha ni Marvin ang key card dahil nararamdaman namin na parami na nang parami ang nakatingin sa amin. Of course, alam namin na marami talaga ang nakakakilala sa amin lalo pa at nakapaskil sa mga TV at newspaper ang mukha namin. Dahil sa nangyari sa organization, sa pagpapabagsak ng grupo namin sa kanila, they all considered us as a hero. Hindi ko lang alam kung saan banda ang hero roon. I mean, we did that for our own interest as well as for our peace of mind. Hindi lang talaga namin akalain na ganoon ang mangyayari, na madadamay ang mga tao, na mandadamay sila. 

"Was that Marvin and Akesia?"

"Sa tingin ko rin. I mean, noong nakaraan nandito rin si Miss Jullia kasama si Sir George."

"Ah, if the owner of the hotel heard this he'll come here and talk to those two."

May mga narinig pa ako na sinabi sila pero hindi ko na naintindihan dahil malayo layo na rin kami sa kanila. Nang makapasok naman kami sa elevator ay kaagad din naman na pinulupot ni Marvin ang kaniyang braso sa leeg ko. 

"Buti na lang 'di kagaya ng ibang staff ng ibang hotel ang staff dito," sabi ni Marvin, may halong inis din ang boses n'ya. 

Napatingala naman ako nang kaunti at nagtama ang mga mata namin. "Bakit?" tanong ko. 

Mint Academy Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon