000

104 9 3
                                    

“Inside the three clouds, write what do you want to be in the future.”

“Sa loob po ng tatlong mga ulap, isusulat niyo kung ano ang gusto niyo sa inyong paglaki.”

Umiikot sa buong silid si Ma’am Salie habang pinagmamasdan kaming gumawa ng aktibidad niyang idinikta.

Habang pinagmamasdan ang tatlong ulap kong gawa at iniisip ang ilalagay ko rito, kinalwit ako sa balikat ni Josiah.

“Ano ang sa ‘yo?”

Lumapit ako para ibulong ang naiisip ko nang may sumigaw na babae sa likod.

“Teacher Salie, Vish is tulog na naman! He’s nagsusungit kapag I’m plucking him!” Sigaw ng kakambal ni Josiah, si Ysiah.

Tumawa si Ma’am Salie. Hindi ko alam kung dahil ba sa paiba-ibang lengwahe ng babae, sa hitsura nito o sa isinusumbong niya.

Bumalik ako sa pagsusulat, doon lang ako may naisip na nagpangiti sa akin.

Una, gusto kong magtino na si Vishnu.

Pangalawa, gusto kong maging gerlfrend ni Vishnu.

At panghuli, gusto kong makasama sa pagtanda si Vishnu.

Napapalakpak ako sa tuwa at proud na ipinasa ang gawa ko kay Ma’am Salie na ikinabungisngis nito.

SHS Diaries Series #4: ByaheWhere stories live. Discover now