050

39 5 7
                                    

“Gago ka ba?” Bungad ko rito.

Hindi ko alam kung bakit mas ginusto niyang magpakabasa kaysa sumilong sa loob ng sasakyan niya o kaya ay umalis na lang. Ang lakas din ng trip nito. Tapos sisisihin ako?!

“Nagpapaka siguro?”

Hindi ko na siya pinansin at pinasilong na lang agad sa loob. Buti na lang at hindi rito natulog si lola. Mag-uusisa ‘yon kapag nalamang narito ang paborito niyang apu-apuhan.

Hinagisan ko siya ng tuwalya. Nasalo niya ito saka siya ngumisi. Napakayabang talaga kahit kailan. Isinampay niya iyon sa balikat saka inumpisahang tuyuin ang buhok.

Feels so illegal to stare at him. Subukan niya lang maghubad sa harap ko, sisigaw ako ng ‘manyak’ at ‘bastos’.

“Hot choco,”

Isinuong ko sa dibdib niya iyon. Natawa pa siya at hindi man lang yata napaso.

“Thanks, love.”

Hindi uubra sa akin ang callsign na ‘yan. Ganiyan ang tawag niya kay Ynarra.

“Ano ba kasing ginagawa mo rito?” I asked, irritated.

“I was just checking you up. Someone told me you’re alone here, umuulan pa naman.” Anito.

Napangiwi ako. “Malaki na ako. Kaya ko na 'to.”

“But you still look like a baby especially with my favorite pigtails of yours.” He smirked and mocked my hairstyle.

Nakakapikon talaga ang mayabang na hitsura niya. Patay na patay ako riyan noon, e.

“Tigilan mo nga ako. Umuwi ka na lang.”

Hindi siya sumagot pero nanatili ang tingin sa akin. May maliit na ngiti sa labi at kakaiba ang isinasalaysay ng mga mata. Sa hindi malamang dahilan ay kumirot ang puso ko.

He looked like the old Vishnu I met.

“My heart felt so much lighter after seeing you, especially having this little interaction with you again.” He whispered.

Napahawak ako sa dibdib sa pagkirot nito. Hindi ko alam kung dahil ba masakit o masaya akong marinig ‘yong muli.

He smiled. “Parang... sumisikdo ang puso ko... pero sa masaya at magaan na paraan.”

SHS Diaries Series #4: ByaheWhere stories live. Discover now