092

26 4 3
                                    

“Nice try, Kyel.”

Napasimangot ako. “Hindi pa rin kita matalo.”

“I know you are good but still don’t be too fast and be careful. Hindi mo kailangang manalo sa bawat karera, just enjoy it.”

I nodded. “Thanks for today, Rion.”

Tumawa siya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Nagpaalam na ito na babalik na ng Manila dahil umuwi lang talaga ito ng probinsiya para sa akin, para i-check ako.

Bago siya tuluyang makaalis ay may ipinahabol pa ito.

“Miss ka na niya.”

Humupa ang ngiti ko at nag-iwas ng tanging tipid. Ramdam ko ang bahagyang pagkirot ng dibdib ko sa narinig. But I don’t want to be too affected by it, I have a new life here.

Months of living peacefully in a province and only Rion knew where I am right now. Pinili kong magtago sa lahat, pinili kong kalimutan ang nakararami. Ito ang buhay na gusto ko.

Walang halong sakit, walang halong hirap. Payapa at masaya lang.

I did it. I overcomed my fear after almost a year of trying. Gusto kong ipakita sa kaniya na kaya ko na. Na wala na ang masakit na alaala ng nakaraan naming dalawa.

“Maayos siya palagi. Hindi ka na niya hinahanap-hanap.”

Kumunot ang noo ko nang makitang may kausap si Lola sa telepono sa pagpasok ko sa bahay.

“Lola? Sino po ‘yan?”

Sa gitla ay pinatay niya agad ang tawag. “Wrong number, apo.”

SHS Diaries Series #4: ByaheWhere stories live. Discover now