113

19 1 0
                                    

“Ewan ko ba sa kaibigan niyo. Lakas ng tama sa akin, alam ko namang maganda ako pero grabe naman kung tratuhin ako no’n.” Reklamo ko sa dalawa.

“Natauhan na nga talaga siya.” Naiiling na usal ni Rion.

I scoffed. “Sinabi mo pa!” I sighed. “Minsan, bigla na lang siyang magkukuwento tungkol sa past namin. Ang dami niyang naaalala at pinapaalala sa akin, nakakakilabot.”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Minsan, nakakatuwang marinig ang mga kuwento niya ng nakaraan. Ang sarap isiping naaalala na niya ako. Pero nakakatakot bumalik ulit sa mga alaalang ‘yon dahil baka itulak lang ulit ako pabalik sa masakit na kahapon.

“Kinausap namin siya. Desidido na talaga siya ngayon. Hindi na niya ginagawa ang mga bagay na ‘to dahil sa konsensiya o ano, mahal na mahal ka talaga niya, Kyel.” Josiah said.

Nakikita ko naman lahat ng efforts niya. Nararamdaman ko. Alam ko ang ipinahihiwatig niya.

“Mahal mo pa ba?”

I smiled a little.

“Hindi... ko alam.” I chuckled lightly. “Nakakatakot siyang mahalin ulit.” I whispered.

SHS Diaries Series #4: ByaheWhere stories live. Discover now