Chapter 03

71 4 0
                                    


SABRINA KYE CORBIN

Magpapasalamat na sana ako sa lalaking umalalay sa akin nang makitang tumungo s'ya sa lalaking kararating lang para tulungan si Ophelia.

"Umalis ka, Krister," pagtataboy ng lalaking nakasalamin tulad ng lalaking sumalo sa akin.

Hindi ko na pinansin pa ang nakakunot na noo ni Krister at mabilis na umalis sa labas ng classroom. Hindi na ako sinusuyo ni Krister dahil alam ko mismo na kay Ophelia na ang atensyon n'ya, hindi sa akin.

Pinatili kong walang ekspresyon ang mukha ko habang naglalakad pabalik sa aming building. Hindi ako makapaniwala na kaya n'ya akong itulak ng gano'n para lang sa babaeng iyon. Dahil ba mas maganda si Ophelia kaysa sa akin?

Isipin pa lamang na nawawalan na ng gana si Krister sa akin ay parang sasabog ang dibdib ko. Hindi dahil sa gusto ko s'ya kundi dahil natapakan ang ego ko. Most boys wants my attention at halos iluhod na ang sariling tuhod para lang maging boyfriend ko. Maswerte s'ya dahil tiniis ko ang ugali n'ya sa loob ng isang taon.

"Sabrina."

Awtomatikong napatigil ang dalawa kong paa at nilingon ang lalaking tumawag sa akin. Hindi ko inaasahan na susundan ako ng lalaking may kulay abo sa buhok.

Imbes na maging thankful sa kan'ya ay mas lalo lamang nadagdagan ang inis ko nang maalalang kilala n'ya si Ophelia. I think kaibigan n'ya ang lalaking nakausap n'ya kanina kaya malamang kinakampihan din n'ya si Ophelia.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at tinulak nang mahina ang kan'yang balikat na ikinagulat n'ya. Hindi kaagad s'ya nakapagsalita nang barahin ko s'ya.

"Nandito ka ba para pagsabihan ako? Pwes, umalis ka na dahil hindi ako makikinig. Who are you anyway?" malakas kong anas sa kan'ya.

Mas nilapitan n'ya ako. Sunod na hindi ko inaasahan ay ang paghawak n'ya sa braso ko.

"What are yo-"

"H'wag 'kang tumingin sa gilid," mahina n'yang sambit sapat na para marinig ko. "He's here."

Kumunot ang noo ko at 'di na nagawang kalasin ang kan'yang kamay sa aking braso kahit 'di ako kumportable. Kita ko kasing nakatingin sa di kalayuan ang mga kaibigan ni Krister sa pwesto namin. Alam kong ibabalita na naman nila ito kay Krister. As if may pake iyon sa akin pagkatapos n'ya akong tinulak.

"Let's talk," sabi n'ya, makahulugan n'ya akong tinignan at agad kong nakuha ang ibig n'yang sabihin.

Namalayan ko na lang nasa labas kami ng university. Walang tao dahil hindi pa uwian, nasa loob pa lahat ang mga estudyante.

"Wala na sila," sabi ko na ikinabaling n'ya sa akin ng tingin.

"H'wag mo na iyon gawin kay Ophelia," tila nakikiusap s'ya sa mababang boses n'ya.

Umismid ako. "Kasasabi ko lang na hindi ako makikinig sa inyo. Pinuntahan mo lang talaga ako para pagsabihan ano?"

Napailing s'ya na tila 'di na-dissapoint sa akin. Hindi ko naman gusto ang magiging impression n'ya sa akin. Tulad sa sinabi ko, wala akong pakialam sa kanila.

Hindi ko na hinintay ang kan'yang sasabihin at agad na tumungo sa aking kotse. Malapit nang matapos ang klase kaya uuwi na ako. Hindi rin naman sasabay si Krister para ihatid ako. He doesn't like me anymore, so that's mean kailangan ko nang makipag-break sa kan'ya.


~•~•~•~

"You didn't cry, right?" tanong ni Kuya Ravien, hindi s'ya nakatingin sa akin at sa harapan ito nakapukos.

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Where stories live. Discover now