CHAPTER 15

89 10 8
                                    

SABRINA KYE CORBIN

“Time break muna, Sabrina,”sabi ng kasama ko matapos sa mahabang practice namin.

Tumango ako at pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo pababa sa aking pisngi gamit ang kulay puting panyo ko. Umupo ako sa malambot na gamo rito sa badminton court sa labas ng university.

Mahangin dito pero dahil sa kanina pa kami nag-eensayo ng badminton ay tinadtad na kami ng pawis. Pati likuran ko namamasa na, balak kong magpalit pagkatapos kong magpahinga rito.

Kinuha ko ang water bottle ko at inubos ko itong ininom. Hindi ko namalayan na magtatanghalian na. Sa cafeteria na ako kakain kasama si Lyxe, sabi n'ya susunduin n'ya ako rito kahit minsan iniisip kong sagabal ako sa kan'yang oras.

Bahagyang napatalon ako mula sa pagkakaupo nang biglang may humawi sa buhok ko at inilipat sa kanang balikat ko. Amoy pa lang n'ya ay alam ko na kung sino ito. Napalingon ako rito.

“Hindi ka busy?” tanong ko at hinawakan ang kan'yang kwelyo, mahina ko itong hinila at nakuha naman n'ya ang gusto kong mangyari.

Tinukod n'ya ang kan'yang palad sa lupa. “Hindi naman.” Binigyan nya ako ng matamis na halik sa labi.

Napangiti ako at ginulo ang kan'yang magulong buhok. Sinuri ko ang mala-abo n'yang buhok na sinadyang pakulayan.

“Hindi ka ba pinagbawalan ni Severo sa kulay ng buhok mo?” tanong ko nang umupo s'ya sa tabi ko, nakatukod ang kan'yang kaliwang paa sa lupa.

Bigla s'yang napatingin sa akin, sumalubong ang kan'yang kilay na para bang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ko.

“Sinong Severo ang tinutukoy mo?” tanong n'ya, magkadikit pa rin ang kilay.

“Severo Zyler, s'ya ang president dito sa university natin kaya malamang s'ya, ” sabi ko at umiwas ng tingin dito. Masyado kasing malalim ang titig n'ya sa akin.

“You like him?” bigla n'yang tanong kaya bumaling ulit ako sa kan'ya.

Natatawang tinignan ko s'ya at hindi makapaniwala sa kan'yang inakto. “Hubby, are you jealous? ” nakangisi kong tanong at pilit na hinahagilap ang kan'yang tingin.

Umiwas s'ya ng tingin at umismid. Kita mo na, sariling kaibigan n'ya pinagseselosan. Boyfriend iyon ni Ophelia kaya malamang he shouldn't be jealous. As if naman lolokohin ko s'ya at higit sa lahat magkagusto ro'n.

“You know I hate hearing boys name from you,” mapait n'yang sambit.

Hindi mapawi ang ngiti ko at napahagikgik na lang habang s'ya'y namumula ang taenga at salubong ang kilay na hindi nakatingin sa akin.

Lumapit ako sa kan'ya at pinagitna ang sarili sa magkahiwalay n'yang hita. Agad n'yang pinulupot ang braso sa aking beywang at pinahinga ang baba n'ya sa aking balikat. Naging komportable ako sa aming pwesto.

Kung p'wede lang ganito na lang kami palagi ay mas gugustuhin ko na lang ang ganito. Hindi ko kailan man naramdaman ang ganito kasaya sa piling ng lalaking mahal mo.

Yes, I already love him. Hindi ko masabi pero makikita na mismo sa bawat kilos ko kung gaano ako nagbago dahil sa kan'ya. Pero ako pa rin ito, si Sabrina Kye Corbin na walang inuurungan.

Mahigit dalawang buwan na kaming dalawa at masasabi kong mas lalo lamang nadagdagan ang pagmamahal ko sa kan'ya. Hindi nagbago ang pakikitungo n'ya sa akin and I hope na hanggang sa walang hangganan na ito.

May pagkakataon na gusto kong sabihin na mahal ko s'ya pero tinatablan ako ng hiya at parang may pumipigil sa akin. Para akong mababaliw sa isipang sa unang pagkakataon ay aamin ako sa isang lalaki na mahal ko na ito.

Marami akong plano para sa aming dalawa. Kasama na ang pagpakilala sa mga Kuya bilang kasintahan at sa napiling lalaki na makakasama habang buhay.

Nagpaalam muna si Lyxe na kukunin muna ang bag n'ya. Tumango lamang ako at sinabi rito na bumalik kaagad dahil sabay kaming kakain ng tanghali an gaya ng napag-usapan namin.

Tumungo ako sa sarili kong locker. Nilagay ko ang badminton ko ro'n at kinuha ang bag ko na may lamang school supplies. Hinablot ko ang uniform ko sa loob at dumiretso sa banyo para magpalit.

Papalapit na ang araw ng paligsahan namin sa badminton. Pagkatapos no'n ay may isang buwan pa akong mag-aaral dito bago magpaalam pansamantala sa mga kaklase at kay Lyxe na din.

Sana makapaghintay s'ya ng ilang buwan habang wala pa ako. Pupuntahan ko ang lugar ni Mama kasama ang mga Kuya para may asikasuhin at pansamantalang aalis sa university namin. Napag-usapan na namin ito ng mga guro ko at principal kaya wala ng problema.

Hindi ko pa masabi kay Lyxe ang tungkol dito. Natatakot ako na baka ayaw n'yang magkalayo kaming dalawa. Siguro kapag malapit na ang alis ko ay ro'n ko na sasabihin.

Lumabas na ako ng banyo matapos makapagbihd ng uniform. Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang makitang nandito si Krister. Tinablan ako ng kaba. Wala akong kasama rito sa locker room.

Mahigpit kong hawak ang damit ko ay napaatras ng isang hakbang. Napatayo s'ya mismo sa pagkakaupo at nilapitan ako.

“Anong ginagawa mo rito?” napataas ang boses ko. “You shouldn't be here. Ayaw ko naman sigurong makarating sa Kuya ko na may ginawa kang kasalan sa akin.”

Napayuko s'ya at ramdam kong mahinahon s'ya sa oras na ito. Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang isang tulad n'ya. Muntik na s'yang may gawing masama sa akin no'ng nakaraang araw sa bar. Baka gawin n'ya ulit iyon lalo pa't mainit ang uli n'ya sa pagkahiwalay namin.

“I just want to say sorry for what I did.” Napahawak s'ya sa ulo n'ya na tila may iniindang sakit. “Lasing lang talaga ako no'ng time na iyon. Hindi ko alam ang ginagawa ko.”

Napabuga ako nang hininga na kanina ko pa pinipigilan. “P'wede ka nang umalis at may gagawin pa ako.” Mabilis akong tumungo sa upuan kung saan ang bag ko.

Napapalingon ako sa likuran nang maramdaman ang paglapit n'ya sa akin.

“Gusto kong malaman mo na aalis na ako...”

Mabagal kong isinukbit ang bag ko sa aking balikat at hinarap s'ya. “Saan ka pupunta?” hindi ko maiwasang tanungin s'ya.

Tumaas ang sulok ng labi n'ya na para bang nakaginhawa s'ya. “Pinapatapon na ako ni Dad sa America. I failed my grades now, kaya gano'n, ” dahilan n'ya.

Napakurap ako ng isang beses. Minsan na rin n'yang nasabi sa akin na ita-transfer s'ya sa America once na bumaba ang grade n'ya. When were still a couple, pasado naman ang mga grades n'ya— I know now why nangyari ito sa kan'ya. It's because of me.


“I'm sorry, hindi sana nangyari ito kung—”

“You shouldn't be sorry,” agap n'yang saad, at natatawang lumapit sa akin. “It's not your fault, kasalanan ko. Nagpasalamat ako sa tukso ng demonyo.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa simpleng pabiro n'yang saad o malulungkot. Ayaw na ayaw n'yang lumuwas ng paalis ng Pilipinas. Mas lalong makasama ang mga kamag-anak n'ya sa America. Kaya isa rin sa dahilan kung bakit naging rebelde s'ya. His father always beating him, animo'y hindi s'ya ang anak.

“I hope na maging maayos ka roon.”

Para akong nakahinga nakahinga ng maluwag. Naging mahinahon ang pag-uusap namin. Hindi ko na inisip ang nakatatakot n'yang aura sa tuwing galit ito.

Tumango s'ya. “Can I hug you?” Unti-unti n'yang ibinuka ang braso para humingi ng yakap.

Nagdadalawang isip ako sa una. Mukha kasing malungkot talaga s'ya sa nangyari sa amin at nalulungkot din na aalis s'ya.

Unti-unting niyakap ko s'ya, marahang hinigpitan. Tinapik-tapik ko rin ang likuran n'ya.

Na-realize ko na dapat kalimutan ko muna ang nangyari sa amin. Aalis na s'ya kaya gusto kong maging maayos kami bago s'ya umalis.

Sandaling napapikit ang mga mata ko at sa aking pagmulat, nadatnan kong paparating si Lyxe.


The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Where stories live. Discover now