Chapter 05

89 3 0
                                    


SABRINA KYE CORBIN


Simula nang araw na ito ay hindi na ako nilubayanni Lyxe. Palagi s'yang pasulpot-sulpot sa harapan ko bagay na kinaiinisan ko. Subalit nanv tumagal ng dalawang linggo ay nasanay na ako sa kan'yang presensya.

Ayaw n'ya akong lubayan kahit isang araw lang. Minsan pinipigilan n'ya ako sa masasamang binabalak ko. Ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit sumusunod ako sa kan'ya.

Ako dapat ang gumagawa ng sarili kong desisyon perk hinayaan ko s'yang kontrolin ako.

Napabuga ako ng hininga. Sa wakas tapos na ang klase namin kaya makakaalis na ako. Sumilip ako sa labas ng room. Inaasahan kong nakaabang do'n si Lyxe pero ko s'ya nakita bagay na ikinataka ko.

Palinga-linga ako sa bawat classroom na nadadaanan ko ngunit hindi ko pa rin s'ya makita. Saan naman iyon pumunta bukod sa library at canteen?

Napatigil ako sa paglalakad nang mahagip ng paningin ko si Severo Zyler. I know him, s'ya 'yong boyfriend ni Ophelia. Sa isipang boyfriend n'ya ito ay nakahinga ako nang maluwag.

'Di ko alam kung dahil ba ayaw ko lang maagawan si Krister kaya ko s'ya inaaway. O ayaw ko lang isipin na may gusto si Lyxe kay Ophelia dahil palagi n'ya itong pinagtatanggol.

Pinagtatanggol n'ya ang babae tapos ako kawawa? Akala ko ba gusto n'ya ako? Nevemind.

Lumapit ako kay Zyler, napababa ang tingin n'ya sa akin. Nahihimigan kong nababahala s'ya na baka may gawin akong 'di n'ya magugustuhan.

“Nasa'n si Lyxe? ” tanong ko lang bigla.

Sandali s'yang natigilan na para bang nag-iisip. “Sa archery room,” mahina n'yang sagot at binalik ulit ang atensyon sa binabasa n'ya.

Napataas ang dalawa kong kilay. Ano naman ang ginagawa ng nerd na iyon sa archery room? Don't tell me marunong s'ya sa gano'n?

Tumungo ako sa archery room banda sa ilalim lamang ng building namin. Hindi nga nagkamali si Zyler, nandito si Lyxe.

Dahan-dahan akong pumasok at naupo sa bench malapit sa kinaroroonan ni Lyxe. Namangha PA ako sa mabilis at sapol na pagtama n'ya sa arrow n'ya sa pinakagitnang board. Hindi ko alam ang tawag sa tinatamaan n'ya.

Hindi ko alam na he's into sports gaya nito. Hindi ko akalain na ang nerf na mahinhing kagaya n'ya ay kayang tirahin ang sampong board na wala pang sampung segundo.

Nakasuot s'ya ng t-shirt na puti at medyo maluwag na jogging pants na kulay itim. Naka-side view ang mukha n'ya kaya kita ko ang kumikinang n'yang salamin sa mata at ang pagsuklay n'ya sa grey n'yang buhok.

“Very good!” masayang pumalakpak ako at napatayo, gulat na gulat tuloy s'yang napalingon sa akin.

Nagtataka pa ang estudyante kung bakit ako nandito. Napaikot na lang ang mga mata ko. Gusto kong sigawan sila pero dahil sa pagkamangha ko kay Lyxe ay hindi ko na nagawa.

“What are you doing here?” utal n'yang tanong nang makalapit s'ya, mukhang balisa s'ya sa 'di malamang rason.

Napataas ang kilay ko at nagpameywang sa kan'yang harapan. “Bawal bang bisitahin ang manliligaw ko?”

Namula ang mukha n'ya nang marinig ang pagsitsit at sipol ng mga kasama n'ya na sa tingin ko'y kasama n'ya sa archery. Sinenyasan n'ya itong tumahimik pero mas lalo lang lumakas ang asaran nila.

“Nahihiya ka na n'yang? Are you not comfortable ba kapag nandito ako?” medyo lumubog ang dibdib ko sa isipang 'di s'ya komportable sa akin, feeling ko ayaw n'ya akong nandito.

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Where stories live. Discover now