CHAPTER 7

79 6 0
                                    


SABRINA KYE CORBIN


“Sino ang naghatid sa 'yo?” bungad na tanong ni Kuya Razmien nang nakababa na ako sa hagdanan, nakasuot na ako ng pambahay.

Lumapit ako sa kan'ya at hinalikan ito sa pisngi. Seryoso lamang s'yang nag-aabang sa aking sagot, napangiti ako.

“Don't worry, Kuya Razmien, dahil wala na kami ni Krister kaya hindi s'ya naghatid sa akin.” Inunahan ko na kaagad s'ya.

Ayaw kasi nitong nakikita si Krister dahil daw sa wala akong future sa lalaking iyon. As if sineryoso ko ang manlolokong iyon.

“Kung hindi s'ya, sino?” Pinag-krus n'ya ang kan'yang braso sa dibdib na parang naghihintay sa isasagot ko, at kung makamali ako ng sagot ay talagang lagot ako sa kan'ya.

“Si Lyxe iyon,” sagot ko at naumang tumungo sa kusina, kakain na kasi kami ng tanghalian.

Nadatnan kong nakaupo na si Kuya Ravien sa upuan habang naghihintay sa amin. Lumapit ako sa kan'ya at hinalikan ito sa pisngi. Sa una nakakunot ang noo n'ya sa pagtataka ngunit dahil malakas ang amoy n'ya ay kaagad n'ya akong nakilala.

“How's your day, Kye?” tanong n'ya nang nakaupo na ako sa kan'yang tabi, gano'n din si Kuya Razmien.

“It was great!” I happily said, napataas tuloy ang sulok ng kan'yang mga labi.

“Who's Lyxe, by the way, Sab?” tanong ni Kuya Razmien na kanina pa tahimik sa tabi, abala ito sa pagsandok ng kanin pero 'yong atensyon n'ya'y nasa amin.

Pinagsiklop ko ang palad ko. “Manliligaw ko,” sagot ko, medyo natagalan ako sa pagsagot na napansin naman nila.

Kinuwento ko nga sa kanilang dalawa ang unang nangyari. Simula sa paghihiwalayan namin ni Krister hanggang sa dumating si Lyxe. Natahimik silang pareho.

Natawa tuloy ako nang mahina, magkamukha talaga sila, ang kinaibahan nga lang ay malambing si Kuya Ravien sa akin at hindi showy si Kuya Razmien sa kan'yang nararamdaman.

“Lyxe,” salita ni Kuya Razmien, tila inakala ang pangalang iyon. “Don't trust that guy, Sab.”

Seryoso akong tinignan nito na tila siguradong-sigurado s'ya sa kan'yang sinabi.

Napatabingi ang ulo ko ay hindi sinang-ayunan ang kan'yang sinabi. “He's a good guy, Kuya. Kahit sinisigawan ko s'ya, hindi n'ya ako pinagtaasan ng boses kailanman at sinaktan. Maalaga s'ya sa akin, mas better s'ya kaysa kay Krister.”

“But I don't trust that guy, Sab,” ulit n'ya. “Hindi mo ba naisip na naging mas mabilis ang inyong pagkakilala? Obviously may kailangan ang lalaking iyon na hindi natin matukoy. Don't trust easily, Sab, alam mo ang sitwasyon natin.”

Mabagal na tumango lamang ako. Wala akong magagawa pero hindi ibig sabihin no'n ay iiwassn ko na si Lyxe. He's been good to me since we first met.

Dahil sa kan'ya may mga na-realize akong bagay. He inspired me to chase my dreams than wasting my time playing with boys.

Sinabi ni Lyxe na matagal na n'ya akong gusto pero hindi ko alam kung saan nag-umpisa. I can't ask him about it dahil alam kong sasalubong ang kilay n'ya na sa pagkakaalam kong nahihiya s'yang aminin iyon.

Namumula kasi s'ya at hindi minsan makatingin sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit naging mabilis ang pagkakilala naming dalawa dahil sanay akong may nakakakilala kaagad na lalaki lalo pa kung interesado sa akin.

Naging busy kami sa eskwelahan dahil dadating ang events na pinakahihintay namin. Kaya palagi akong nasa practice ni Lyxe, gusto ko talagang nakikita s'yang naglalaro.

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Where stories live. Discover now