CHAPTER 16

141 12 2
                                    

SABRINA KYE CORBIN

Mabilis akong napahiwalay kay Krister nang makitang nakatingin sa amin si Lyxe. Biglang tumalbog ang dibdib ko, namamawis ang aking mga palad.

Wala naman kaming ginagawang masama ni Krister pero kinakabahan talaga ako ng sobra. Iba kasi ang tingin ni Lyxe. Ayaw kong mag-isip s'ya ng iba. Inosente itong nakatingin pero pakiramdam ko nanganganib ako o baka praning lang ako.

"Hubby," tawag ko sa kan'ya at hilaw ang ngiting sinalubong s'ya ng yakap.

Kumakabog pa rin ang dibdib ko nang maramdaman ang init ng yakap n'ya pabalik.

"Ina na ako, Sab," biglang sulpot ni Krister.

Nilingon ko s'ya habang kayakap pa rin si Lyxe. Seryoso itong napatingin kay Lyxe. Hindi ko alam kung talaga 'bang nakita ni Lyxe na magkayakap kaming dalawa kanina.

Ngiting tumango lang ako kay Krister. Ilang saglit pa n'ya ako tinignan bago umalis.

Napahiwalay ako sa yakap ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla ko nang yakapin pa ako nang mas mahigpit ni Lyxe.

"Wife," aniya sa mahinang boses. Ramdam kong inamoy pa n'ya ang tuktok ng buhok ko.

Napapikit ako sa ginawa n'ya. "Hmm?"

Ang sarap sa pakiramdam na kayakap s'ya. Naging komportable kaagad ako.

"I really love you. Please, don't leave me," bigla na lamang n'yang sabi, nag-crack pa ang boses n'ya.

Nag-aalalang inangat ko ang tingin para makita ang mukha n'ya. Mukhang iiyak pa ito. Umiwas tuloy s'ya ng tingin dahil sa nakatitig ako sa kan'ya.

"Bakit mo naman nasabi iyan? I won't leave you." Pinisil ko ang kamay n'yang nasa beywang ko nakapuwesto. "You're my other half, Lyxe."

Napangiti s'ya kalaunan nang sabihin ko iyon. Inaya na n'ya akong kumain at hindi na inabala pang tanungin ako kung bakit magkasama kami ni Krister.

Hindi ko magawang maging masaya ng sobra. I didn't tell him how much I love him. I'm scared that I might leave him soon. Naguguluhan pa ako. I want to tell him my feelings once na maging okay na ang family problems namin. I couldn't be happy knowing that my father has somebody else.

"I'll order some more foods for you," habol ni Lyxe at akmang tatayo ulit sa pagkakaupo nang hilahin ko s'ya.

Umiling ako rito. "Ang dami na ng pagkain, Lyxe. Hindi natin ito mauubos," ani ko.

Lumamlam ang ekpresyon n'ya at napababa ang tingin sa aking katawan, sinusuri ito. Sinundan ko naman ang tinitignan n'ya. Agad ko itong hinampas nang napagtanto kung saan s'ya nakatingin.

"Ang bastos mo na, ah," Namumula na siguro ang mukha ko ngayon.

Napaangat ang tingin n'ya at kunot-noong tinignan ako. "I'm just thinking about our baby, wife. He might be hungry," concern n'yang dahilan.

Mas lalong nadagdagan ng kahihiyan sa ko dahil napapatingin ang mga tao sa amin.

Kinurot ko s'ya sa tagiliran, napaaray s'ya sa mahinang boses.

"Nasa cafeteria tayo, Lyxe. WWala tayong baby," mahina at may diin kong bulong. Binitiwan ko ang tagiliran n'ya at nagsimula na akong kumain.

Baka mas lalo lang madagdagan ang pagkapula ng pisngi ko kapag pinagpatuloy pa naming pag-usapan ito.

Mas lumapit pa s'ya sa akin. Hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng paghawak n'ya sa aking tiyan. Hinimas n'ya ito na parang may laman na rito. Nagsitayuan ang balahibo ko sa klaseng paghawak n'ya.

"Pero nilagay ko ang dila ko sa 'yo. Mabubuntis ba kita kapag ginawa ko iyon?"

Nasapok ko ang noo ko at hindi na alam kung anong gagawin ko kay Lyxe. Hinampas ko s'ya sa pangalawang pagkakataon.

"You can't. Hindi gano'n gumawa ng bata, okay? Gosh, I thought you're not that innocent?" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Masisiraan na yata ako ng ulo. Saan naman kasi n'ya nakuha ang gano'ng impormasyon?

Bigla na lang sumagi sa isipan ko no'ng araw na muntik nang may mangyari sa amin. Pakiramdam ko sinasaniban ako ng demonyo na gawin iyon.

Winaksi ko sa isipan ang ideyang iyon. Bakit ba nagtatanong pa itong si Lyxe tungkol sa pagbubuntis? Nag-aaral pa kami, we can't still do that.

And why the hell I'm thinking that well do that thing? Gosh!

Kinukulit pa ako ni Lyxe kung paano. Sabi ko kako magresearch s'ya dahil magaling naman s'ya ro'n. Ginawa naman n'ya! Ang galing!

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kan'ya. Magaling s'ya sa computer, paanong hindi n'ya alam tungkol dito? He's smart and he can also watch it on the internet.

"Oh, ano na? Kumusta ang pinapanood mong video?" tanong ko sa kan'ya at saka ininom ang milktea na s'ya mismo bumili.

Tulala at namumula ang tainga n'ya habang humihigop ng milktea. Hindi rin s'ya makatingin sa akin ng maayos. Nagtaka ako sa kan'yang inasta.

Hindi naman n'ya pinasilip sa akin ang pinapanood n'ya kanina kaya hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkatulala n'ya.

"It's..." Pinaglaruan n'ya ang baso ng milktea. "Hindi ko alam ang sasabihin. I can't tell you," alanganin n'yang sagot.

Naningkit naman ang mga mata ko. Inilapag ko sa lamesa ang milktea. May tinatago ba s'ya na hindi ko dapat malaman?

"Babae ba ang nasa video mo?" tanong ko, tinitigan ko ang mukha n'ya para malaman kung magsisinungaling ba s'ya.

Muntik na n'yang maibuga ang milk tea na iniinom n'ya. Doon s'ya namula ng sobra at mas umiwas pa ng tingin sa akin.

"W-Wala iyon... Ano ka ba."

Hindi mapakaling kinuha n'ya ang bag sa tabi n'ya. Akmang tatayo s'ya nang mabilis kong hinablot ang kan'yang bag. Hinalungkat ko ito at inilayo ang sarili sa kan'ya.

"S-Sab, h'wag..."

Nakuha ko na ang cellphone n'ya pero agad n'ya akong iniyakap mula sa likuran nang maabutan ako. May babae siguro s'yang pinapanood dito. Mas maganda ba s'ya sa akin?!

"H'waf mo akong galitin, Lyxe. Let me see who is that girl," mariin kong anas.

"Sab..."

Wala s'yang magawa dahil binuksan ko na ang cellphone n'ya. Balisa lamang n'yang isinubsob ang mukha sa aking likuran. Iiwan ko talaga s'ya rito kung aangal s'ya.

"What the..."

Napanganga ako sa gulat at hinagis ang cellphone n'ya sa lamesa. Buti na lang hindi malakas ang pagkahagis ko. Namamawis ang mga kamay ko habang nakatitig pa rin sa cellphone na iyon.

"I-I told you, it's nothing " Mas nahiya s'ya ngayon. Kinuha n'ya ang cellphone at binalik sa bag.

Namumula ang pisngi kong hinarap s'ya. "Sinunod mo naman ang sinabi ko sa 'yo?" hindi makapaniwalang ani ko. Napahawak na lamang ako sa sintido ko.

Napayuko s'ya at niyakap ako. "I didn't know, okay? Hindi ko naman tinuloy iyon. I don't have to watched it. I can do that on my own ways after all."

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon