CHAPTER 13

86 8 0
                                    

SABRINA KYE CORBIN

“I already told you to stay away from her! Are you even out of your mind?! Sabrina is mine!”sigaw ni Lyxe na ikinabahala ko.

Mabilis ko s'yang hinawakan sa braso at pilit na hinila para umalis. “Lyxe, please, tama na. L-Let's just go home, hmm?” pangungumbinsi ko sa kan'ya.

Natabunan ang inis at tampo ko sa kan'ya dahil sa sitwasyon namin ngayon. Nangangapoy sa galit si Krister at kapag kumalat ito ay baka hindi na ito makapagpigil na suntukin si Lyxe. Hindi ko pa alam kung kakayanin ba ni Lyxe na lumaban dito lalo pa't sanay sa gulo si Krister.

Nanginginig na hinahaplos ko ang kan'yang likuran. Mabibilis ang kan'yang hiningang tumingin sa akin at do'n pa lang naglaho ang masamang aura n'ya.

“Sab,” mahina n'yang tawag, rinig ko kahit malakas ang tunog ng speaker. Medyo humina ang tugtog dahil sa nalamang may gulo sa pwesto namin.

Bago pa man makaagaw ng atensyon sa ibang tao ay mabilis ko nang hinila si Lyxe. Tumanghay naman s'ya sa paghila ko, hindi tulad kanina na nagmamatigas pa s'ya. Hindi rin kami sinundan ni Krister dahil pinigilan ito ng mga kaklase ko. Thanks to them.

“Paano mo ako natagpuan dito?” tanong ko nang nakalabas na kami ng bar, hinarap ko s'ya.

Ngayon na nasa labas na kami ay malinaw sa akin ang makinis n'yang mukha na tila hindi man lang nabahiran ng dumi sa kaputian n'ya. Nakasuot s'ya ng kulay puting polo na may mahahabang manggas. Parang may dinaluhan s'yang meeting dahil sa suot n'ya.

“Ni-track ko ang location mo,” walang paligoy-ligoy n'yang sagot na ikinanganga ko lamang.

“At bakit mo ginawa iyon?” tanong ko ulit nang makabawi, nagpameywang ako sa kan'yang harapan na ikinataas ng kabilang kilay n'ya.

“Para malaman kung saan ka pumupunta. Gusto kong nakikita kita palagi,” sabi n'ya habang titig na titig sa aking mga mata.

Napatikom ang bibig ko nang namalayan kong bahagyang nakabuka ito. Ngayon ko lang naalala na hindi naging maganda ang nangyari sa amin nakaraang araw. Biglang umusbong ang nakatagong irita sa akin. Salubong ang kilay na tinignan ko s'ya.

“Aalis na ako,” paalam ko rito at akmang lalampasan s'ya nang mabilis n'ya akong nahawakan sa braso.

“Palagi na lang ba tayong ganito, Wifey? Please, h'wag ka namang magalit sa akin.” Parang kinirot ang puso ko nang makita ang nakakaawa n'yang itsura. “I love you, and I'm sorry na napagtaasan kita ng boses nakaraang araw.”

Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang sabihin n'ya ang makapangyarihan salita sa akin. Nagdiriwang ang puso ko at sa kabilang banda, nalilito kung tama ba ang nararamdaman ko.

“Kulang ang explanation mo.” Pilit kong pinapatibay ang katawan ko sa panghihina.

Ganito ang epekto n'ya sa akin lalo pa na sinabi n'yang mahal n'ya ako. Is this for real? First time ko ring narinig kay Krister na sinabing mahal n'ya ako pero ni hindi man lang ako naapektuhan.

Mas humigpit ang kapit n'ya sa braso ko nang makitang seryoso pa rin akong nag-aabang sa kan'yang sasabihin. Napabuga s'ya nang marahas na hininga.

“Suspended ako sa tarbaho. Yo'n ang pinagkukuhanan ko ng pera para lang makapag-aral ako at aking kapatid sa magandang eskwelahan,” wika n'ya na ikinatigil ko. “Kaya naging mainit ang ulo ko.”

“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'to?” tanong ko at lumapit pa sa kan'ya.

“Ayaw kong malaman mo na wala akobg magulang na sumusuporta sa pag-aaral ko. You have a great life living with your older brothers, samantalang ako matagal nang patay ang kaluluwa.”

The Renegade Nerd (Nerd Boys Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon