CHAPTER 35

241 7 2
                                    

"Manang, na saan ho ang mga bata?" Tanong ni Amalthea sa mayordoma pagdating nila sa kanilang bahay sa Azalea Village.

Sa halip na sa bahay ng mga magulang sila dumeretso ay napagdesisyunan sa ama ni Jovanie na sa bahay na lamang nila. Kompleto ang lahat ng mga kaibigan ni Jovanie. Umuwi pa talaga itong si Alvin dahil sa nakita niya ang balita.

Ang mga kaibigan naman niya ay tumawag lang sa kanya at tinatanong kung ayos lang ba siya. May kanya-kanya kasi silang buhay kaya tanging si Celestial lamang ang bumisita sa kanya. And, also she was thankful of her best friend who didn't stop finding the truth. Abogada sa umaga, agent naman sa gabi.

"Naku, mabuti naman at ayos ka lang, iha. Huwag kang mag-alala nasa taas na sila, pinapatulog nina Harper at Alice." Sagot naman nito. Nginitian niya lang ang mayordoma kapag kuwa'y bumaling siya sa asawa.

"Manang, alam ko pong ang pinaniwalaan mong Jovanie ay patay na, pero hindi po iyon totoo dahil dinala siya nina mama sa Australia upang doon ipagamot. Here, he is." She said, stepping back upang makita ng mayordoma ang binata.

Natutop ni Manang Koring ang bibig saka ito lumapit kay Jovanie at hinawakan sa mukha. Nakikita ni Amalthea ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Manang Koring. Sino ba naman ang mag-aakala na ang pinaniwalaan mong tao na patay na ay buhay pala ito?

"Naku, iho mabuti naman at hindi ikaw nawala talaga ng tuluyan. So, ikaw pala ang sinasabi nitong si Amalthea na guro na palaging gumagabal sa isip niya gabi-gabi." Wika ng mayordoma sa asawa.

Nag-angat ng tingin sa kanya si Jovanie at ngumiti ito na para bang inaasar siya. 'Bwesit!' Amalthea rolled her eyes then she put her bag on the center table saka siya naglakad patungo sa kusina.

She looked at her wristwatch, saka sa pagkain na nakahain sa mesa. Kumalam bigla ang sikmura niya ng makita niya sa mesa ang seafood paella, one of her favorite food. Amalthea grabbed the chair, excited tasting the foods.

"Hoy, impakta to! Wala ka bang balak tawagin kami?" Nailuwa ni Amalthea ang kinain niyang seafood paella nang biglang pumasok sa kusina si Celestial.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa umupo ito katapat sa kanya. 'Wala man lang manners ang babaeng ito !'

"Abogada ka ba talaga, Celeste? Para ka kasing tambay sa kanto, iyan ba ang tamang pag-upo sa isang babae, Celestial Natingor?" Tanong niya rito ng makita niyang ipinatong nito ang isang paa sa upuan.

"Hello? Wala tayo sa isang magarang restaurant upang umupo ako ng maayos. Saka, hindi ka pa ba talaga sanay sa akin, ganito naman talaga ako umuupo noon pa."

Nanggigil si Amalthea sa sagot ng kaibigan. Pero, sa halip na pansinin niya ito ay itinuloy niya nalang ang pagkain ng paella.

"Iyong bakla mong brother-in-law, may problema ba iyon? Kanina ko pa siya nakikitang nakatulala."

Napatigil si Amalthea sa pagsubo ng pagkain saka tiningnan ang kaibigan. Hanggang pala ngayon ay pino-problema pa nito ang sekretarya na napagbuntisan nito.

"Nabuntis kasi niya ang sekretarya nito. Hindi ko nga alam kung paano nangyari, basta isang gabi ay sinabi niya sa akin na may nabuntis siya." Kuwento niya sa kaibigan na halatang nagulat sa kanyang sinabi dahil nabilaukan ito.

Binigyan niya ng tubig ito-hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Celestial. Sabay naman silang napatingin sa pinto nang pumasok rito si Ihvandier na naka busangot ang mukha.

"Anong mukha iyan, Ihvandier Alferez? Ano't parang hindi iyan maipinta sa canvas?" Tanong ni Celestial sa binata ng maka-upo na ito katabi sa kanya.

"Ang baho ng mga tao roon, parang hindi naliligo ng ilang buwan. Nakaka bwesit, sa ilong!" Bulyaw nito sa kanila.

Natawa naman si Amalthea dahil sa reaksiyon ng binata, "it's normal Ivan, ikaw kasi ang naglihi sa inyong dalawa ni Janel. Natural lang naman iyan sayo lalo pa't ikaw naman ang ama, diba?" Dugtong niya rito.

Tumango si Celestial sa kanyang sinabi pero ipinag kibit-balikat lang ni Ihvandier ang sinabi niya. Ilang oras pa ang dumaan ay pumasok na rin ang pamilyang Alferez sa loob ng kusina kasunod nun ang mga kaibigan nila.

"What's with that seating position of yours, Celestial Natingor. Seat properly!" Saway ni Angelo rito habang tinapik ang paa nitong naka patong sa upuan.

Nanlisik ang mga mata ni Celestial na naka sunod kay Angelo, "you have no rights to command me to seat properly, bastard! I have my rights to seat the position wherever, I want!" Sigaw ni Celeste sa binata.

"Uhm! Magkakilala ba kayong dalawa?" Tanong niya sa kaibigan-nagdadalawang isip kung tama bang tanungin niya iyon.

"Yes!"

"No!"

Sabay nilang sabi sa hindi magka parehong sagot. Ang lahat ng mga tao na nasa hapag ay napabaling-baling ng tingin sa kanilang dalawa. Celestial cleared her throat, while Angelo shrugging as if nothing's happen.

"Mga bata talaga ngayon, puro nalang in denial. Halika na't maupo na kayo upang makapag simula na tayong kumain ng lunch." Ani naman ng kanyang ina.

Amalthea happy as she can see the happiness of there family and friends in front of her. Hindi kagaya noon na parang may kulang talaga sa kanila sa tuwing kumakain sila sa hapag kainan.

"Alvin, are you gonna go back in manila or you will stay here for good na?" Tanong sa kanya ni Klyren na siyang nag open up ng topic.

Ang lahat ng mga mata ay nakatutok kay Alvin at tila naghihintay sa sagot nito. Pinunasan muna ni Alvin ang bibig bago niya ibinaba ang kubyertos saka nito isa-isang tinitingnan ang naroon sa hapag.

"Babalik pa po ako sa manila Tita. But, good thing, wala akong masyadong pasyente kaya baka sa susunod na linggo ay babalik na ako rito and stayed here for good." Sagot naman nito.

"So, you are now a Chief Physician. You already have your job, a house, wala ka pa bang balak mag-asawa?" Tanong naman ni Klye rito. Napa-ubo naman si Alvin dahil sa tanong ng kanyang ama.

"Tito, maybe we should skip in that part for now since hindi pa natin nakita ang babaeng para talaga sa akin. Isa pa, hindi naman po ako nagmamadali sa pag-aasawa."

"He's waiting someone, Tito. Am I right?" Celestial asked.


✍🏻📒

KISS OF MIDNIGHT (CHASING SERIES #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now