CHAPTER 36

228 3 0
                                    

Nasa balkonahe ng silid ngayon ang mag-asawa, masayang pinagmasdan ang buwan na hindi masyadong makita dahil sa ulap na naka takip rito. Alas sais na ng gabi at dahil pagod ang mga magulang nila ay doon na lamang ang mga ito natulog sa guest room. Habang ang mga kaibigan naman ni Jovanie ay nagkanya-kanya nang uwi sa bahay nila.

Hindi na ang mga ito kailangang dumayo ng hotel o kaya sa syudad dahil magkapit-bahay lang naman silang lahat. Hindi na rin niya pinayagan ang kaibigan na si Celestial na umuwi dahil baka mapaano pa ito sa daan.

Sumandal si Amalthea sa balikat ni Jovanie habang pinaglalaruan nito ang kanyang mga kamay.

"Alam kung may gumagabal pa rin diyan sa isip mo. You can now ask me questions, hon." Wika pa ng asawa sa kanya.

Dahil binukas ni Jovanie ang topic na iyon ay kusa siyang umayos sa pag-upo saka hinarap ang asawa na mariing nakatitig sa kanya. For, almost four years, ngayon ulit maramdaman ni Amalthea ang may kasama. Kung noon ay wala siyang kasama manuod ng mga bituin at buwan, ngayon meron na.

"Well, maybe it's my right to ask you, from the first level muna. Ano't naging professor ka sa Star University? As, far as I remember you're a successful business man. And, as far as I remember too, you hate education." Sabi niya kay Jovanie habang pinanlisikan ng mata sa huling sinabi niya.

Jovanie cleared his throat, facing her uncomfortably. Sumandal pa ito sa lounge chair saka naman ito napalunok. 'Ang tagal naman nitong umamin. My patience can't take this long.' She was about to ask him again, when Jovanie raised his right hands—making her to shut up.

"Honey, una sa lahat, nag-aral ako ng education sa Australia dahil gusto ko maging guro dito sa pilipinas noong nagkaroon pa ako ng post-traumatic amnesia. Actually, even mom and dad shock for what my decision made. I don't know why I hate teacher before, but this work help me to gain back my memories...and to meet you again."

"Talaga ba na iyan ang rason mo? Baka naman kaya ka naging guro dahil may nag inspire pa sayo na maging professor ka." She said, raising her brow at him.

Kaagad namang humarap sa kanya si Jovanie na nanlaki ang mga mata. 'Aba! Malay ko bang may napupusuan itong guro doon sa Australia at naging inspired upang maging guro rin.'

"Honey, hindi ako ganung tao, alam mo iyon. Saka, sa pagkaka alam ko wala ako naging relasyon simula noong nagising ako mula sa pagka amnesia. It's still you and the kids." Pahayag pa nito sa kanya na ipinag kibit-balikat lang.

Of course, she have her full trust at him. Hindi naman magtatagal ang isang relasyon kapag walang tiwala sa isa't-isa.

"Sa pagtapak mo ulit dito sa pilipinas, what was in your mind that time?" Tanong ulit ni Amalthea sa asawa.

"Nothing. Sa pagbaba ko palang sa eroplano ay walang ibang pumasok sa isip ko. It's just like a normal people visiting here in our country. It's just like that."

'Grabi siguro ang pagka umpok ng ulo nito at pati kami hindi niya maalala. Tanging sila mama at dad lang! Unfair!'

"Noong, ipinakilala ka sa amin bilang ang aming marketing professor. Why did you make an eye contact on me? Did you feel something in that time?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Amalthea ng bigla itong napa-ubo. 'Huwag nitong sabihin na assuming ako, dahil nakikita ko talaga mismo na nakipag eye contact ka sa akin! Naku, mabubuwesit na talaga ako sayo Jovanie!'

"Why did I make an eye contact to you? Wala naman akong naalala na nakipag eye contact ka sa akin ha," nanlisik ang mga mata niya sa sinabi nito. Tumayo siya sa pagkakaupo ng recliner chair at aakmang papasok na sana siya sa loob ng higitin siya nito paupo. "Sorry. Ahm, siguro dahil familiar ka sa akin. Actually, hindi ko na matandaan kung bakit nakipag eye contact ako sayo. Sa pangalawa mo namang tanong, wala ako ni katiting naramdaman that time. It's just that you are familiar with me. That's all."

Nung gabing iyon marami silang pinag-uusapan ni Jovanie. Hindi sila natulog hangga't hindi maubos ni Amalthea ang mga katanungan na nasa kanyang isip. Pagkatapos, ng kanilang seryosong usapan ay nauwi lamang ito sa pagtatalik. They made love under the stars and moon...again.

Stars and moon is they're witness, how they fall in love in each other.

Nagising si Amalthea sa sinag na araw na tumama sa kanyang mukha. Kaagad siyang bumangon saka una niyang hinanap ang asawa na wala na sa kanyang tabi. 'Hindi naman siguro panaginip ang lahat ng iyon, hindi ba.' Bumaba siya sa kama saka niya kinuha ang roba na nakalagay sa kanyang bedsides table.

Paglabas niya sa kanyang silid ay una niyang narinig ang ingay mula sa silid ng mga anak niya. Dahil sa kuryusidad ay binuksan niya ang pinto ng silid sa mga ito at tumambad sa kanyang harap ang nagkalat na mga laman ng unan sa sahig.

Sapo ang noo ni Amalthea sa kanyang nakita. Kaagad naman ang mga ito tumigil sa paglalaro nang gulat tumingin sa kanya si princess Aruna.

"G-good morning, mommy!" Sinubukan pa nitong pasiglahin ang boses.

Alam naman kasi sa mga ito na ayaw niya ng kalat sa loob ng silid, especially they are girls. Bumaling ang kanyang paningin sa asawa na naka topless lang. 'Bungad sa umaga!' Pumasok siya sa loob, saka umupo sa pinaka dulo ng kama.

"Lumapit ka dito Jovanie, may sasabihin ako sayo." Sabi niya sa asawa na kaagad naman nitong sinunod.

Sa paglapit nito ay kaagad niyang kinurot ang tenga ng asawa, "did you start this mess?" She asked, roaming around the room.

"Honey, of course not. Iyang dalawa mong prinsesa gusto daw maglaro. Hindi ko naman alam na bato-batuhan pala ang ibig nilang sabihin. Hehe." Sagot ni Jovanie sa kanya.

Binitawan niya ang tenga nito saka hinarap ang dalawang anak. Nakayuko ang dalawa niyang anak, tila takot na naman sa kanyang mga sermon.

"Babies, did you know him?" She asked the two.

"Yes po, momma. Sabi po sa amin kanina ni Lola na siya daw po ang daddy namin." Sagot sa kanya ni Princess Artemis.

"Di ba po mommy, hindi na babalik si dada sa Australia?" Tanong sa kanya ni princess Arunna tila naniniguro sa kanya.

Tumayo si Jovanie sa kanyang tabi saka nito kinarga si princess Aruna na nakasimangot ang mga labi.

"Of course baby ko, hindi na babalik si dada doon sa Australia. Dito na ako sa inyo ni mommy forever." Sagot nito sa anak saka nito kiniliti sa tagiliran si Princess Aruna.

Napailing na lamang si Amalthea sa klase na bonding ng kanyang mag-ama. Hinayaan na lamang niya ang mga ito lalo pa't mahigit apat na taon din namang hindi nakasama ni Jovanie ang mga anak.


✍🏻📒

KISS OF MIDNIGHT (CHASING SERIES #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now