CHAPTER 5

3 2 0
                                    


ASIA POV

Nakita mong paandar na ang kotse ni Ian kaya naman humarang ka sa dadaan nya.

“Alis dyan!”inis na wika ni Ian

Di ka lang nakinig sa sinasabi ni Ian at patuloy ka lang humarang sa kanyang daanan.

“Baboy! Tumabi ka sa dadaanan ko!”malakas na sigaw ni Ian

“Ang kapal naman ng mukha mong tawagin akong baboy!”malakas na sambit mo

“FYI, hindi ako baboy!”

“Eh, Ano?”takang tanong pa nito

“Aso,Pusa,Baka,Kambing,Kabayo?”

“Wag ka ngang namimilosopo!”inis mong wika

“Tatabi ka o gusto mong sagasaan kita!”

“Hindi ako aalis, hanggat hindi mo ako pinapasakay sa sasakyan mo!”mariin mong sambit

Namulot ka ng bato, at ipinakita mo ito kay Ian.

“Papasakayin mo ako o babatuhin ko yang sasakyan mo?”

“Hayss!”

Bumaba ito sa kanyang kotse at hinawakan bag mong nakasakbat sa likod mo.

Hila-hila nito bag mo sa may likod mo kaya naman napapalakad karin pasabay sa paghila nya.

Nakarating na kayo sa may pintuan ng kotse, saka nya binitawan ang bag mo.

“Wag munang hintayin na ipagbukas kita ng pintuan ng kotse ko!”

“Pwera nalang kung aaminin mo sakin na baboy ka, HAHAHA!”natatawang wika nito

Pumunta na ito sa kabilang side at sumakay, sumakay ka narin sa kotse.

“Kung ako Baboy, ikaw Kapre ka!”malakas mong sigaw

Napansin mong nakatingin lang si Ian sa gawi mo.

“Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?”saad mo pa

“Mag seatbelt ka!”matamlay nitong wika

Nag seatbelt ka na at pinaandar na nito ang kanyang kotse.

Ilang minuto lang ay nakarating na kayo sa School nyo.

Bumaba ka sa kanyang kotse at nagtatakbo.

Hindi muna hinintay pa si Ian dahil, kausap nya mga tropa nya.

Hinanap mo ang room mo at natagpuan muna man ito agad, sa may likod ka lang pumwesto dahil ayaw mo sa harap.

MATTHEW POV

Bumaba ka sa kotse mo para sabayan sana si Asia pumasok, ng biglang harangan ka ng mga tropa mo.

“Oy, pre!”saad ni Keizer

“Long time no see Brad!”saad pa ni Dom

“Bonding naman tayo Tol!”saad din ni Joaz

“Hanep kayo, mamaya na may sinusundan ako!”inis mong wika

“Sino Brad?”takang tanong ni Dom

“Yung girl na nasa kotse mo kanina Tol?”tanong din ni Joaz

“Naks! bago yan Pre ah, dati rati study first ka,ngayon may pa chixs na!”manghang wika ni Keizer

“Gulo nyo, bahala nga kayo!”inis mong wika

“Pumapag-ibig na si Ian Matthew natin mga pre!”mapang-asar na saad pa ni Keizer

“Nako pano bayan may kaagaw na tayo sa oras kay Matthew!”saad din ni Dom

Kinuha mo wallet mo at binigyan tropa mo ng isang libo pang miryenda.

“Yun sana!”Joaz

“Salamat pre!”Keizer

“Wag nyo na muna akong guluhin ah!”inis mong wika

“Syempre Brad, alam mo naman na pera lang katapat namin!”saad ni Dom

“Mga loko, geh una na muna ako mga Pre!”

Umalis kana sa kanila at dumiretso sa classroom nyo, agad mo rin nahanap si Asia kaya naman nilapitan mo ito.

ASIA POV

“Baboy!”

“Tabi dyan!”

Napatingin ka naman sa lalakeng nasa harapan mo at nakita mong si Ian ito.

“Bakit Kapre, anong kaylangan mo?”

“Sabi ko, alis dyan!”malakas nitong sigaw kaya naman lahat ng estudyante ay nakatingin sa inyo

“Ako, aalis?”

“Pwe! Ang kapal naman ng mukha mo, upuan ko toh at ako nauna dito!”inis mong wika

“Eh sa dyan ko gusto umupo sa inuupuan mo eh!”

“Hindi na libre ngayon tumira sa bahay namin, may bayad na, kaya natural lang na sundin mo sinasabi ko!”

“Wow ha, feeling may ari ng bahay!”

“Alis na, baka gusto mong mapalayas sa bahay!”wika ni Ian

Tiningnan mo lang ito ng masama at umalis na kung saan ka nakaupo.

“Ayan na po, Mahal na prinsipe!”

“Susunod karin pala kaylangan pa pwersahan, simula ngayon lahat ng ipapagawa ko sayo, susundin mo!”

“Asa ka naman gagawin ko inuutos mo!”

“Susunod ka sakin, sa ayaw at sa ayaw mo!”

“Teka line ko yan ah!”

“HAHAHA, bakit masama ba sabihin!”

“Tsk.walang originality!”

To be continued.

A LITTLE GIRL THAT ADOPT BY MY MOM (COMPLETED)Where stories live. Discover now