CHAPTER 8

0 0 0
                                    

MATTHEW POV

“Nasaan na yung baboy na yon?”

“Bakit ang bilis nya naman ata maglakad?”

Tanging sambit mo sa isip.

Sumakay kana sa kotse mo at nagsimulang magmaneho, ng mahagip ng mata mo ang familiar na backpack na nakasakbat sa likod ng babae.

Marahan mong pinaandar ang kotse mo at sinulyapan ang mukha ng babaeng kumakain ng street food's, sa tapat ng vendor.

“The heck! Asia?”gulat na wika mo sa isip ng mapagtanto mong si Asia ito

“Kaka-kain nya lang kanina ah?”

“HAHAHAH, walang kabusugan ang baboy!”natatawang sambit mo sa isip dahil masayang masaya pa ito habang ngumunguya ng kanyang kinakain

Binosenahan mo ang babae kaya naman napalingon ito sa gawi mo.

Ibinaba mo na rin ang window sa kotse mo, para makita nito ang mukha mo.

“Hoy baboy sakay na!”hiyaw mo dito

“Asa kang sasabay ako sayo, manigas ka!”sigaw nito sabay tingin ng masama

“Arte mo, ako na nga nag o-offer ng libreng sakay tatanggihan mo pa!”

“Hoy taba!”

“Anak ng, tigas ng ulo!”

Hindi ka lang nito pinansin at patuloy lang ito na kumain, kaya naman ipinarada mo sa gilid ang kotse mo, saka ka bumaba at nagtungo kay Asia.

“Tay, magkano po ba lahat ng yan?”tanong mo sa lalakeng nagtitinda

“Nasa 2,500 Iho, pati narin yung kinakain ni Iha wala pang bayad!”

“Bilhin ko na po lahat ng yan, para makauwi na po kayo!”

“Ito po Tay 3k, wag nyo na po akong suklian sa inyo nalang po yan!”nakangiti mong wika sa nagtitinda

“Nako salamat Iho ah!”

“Walang anuman po Tay!”

“Sandali lang Iho ah, i plastic ko lang ito para makauwi na kayo ng kasintahan mo!”

Napansin mong nanlaki ang mga mata ni Asia sa sinabi ng matanda.

“Sige po Tay!”nakangiting wika mo pa

“Tay hindi po kami magkasin—

Agad mong sinubuan sa bibig si Asia ng kwek-kwek kaya naman hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin.

“Hayaan muna papalakihin mo pa, tingnan mo ang saya ni tatay habang nagbabalot ng kanyang paninda!”bulong mo kay Asia

“Ito Iho oh!”wika ng matanda sabay abot ng plastic na may laman na street food's

Inabot mo naman ito sa matanda.

“Sakin na bag mo!”wika mo kay Asia

“Bakit?”takang tanong pa nito

“Sakin na yan, palit tayo ng hawak ko!”wika mo kay Asia

ASIA POV

“Sakin na bag mo!”wika ni Ian

“Bakit?”takang tanong mo dito

“Sakin na yan, palit tayo ng hawak ko!”wika pa ni Ian

Wala ka ng nagawa kundi makipag palit kay Ian ng hawak nyang street food's.

Ngayon ay nakasakay na kayo pareho sa kanyang kotse.

Hindi muna napigilan ang kamay mong hindi buksan ang hawak mo na plastic dahil naaamoy mo ang mabangong sari sari klase ng street food's.

Pagkabukas mo dito ay nilanghap mo ang mabango nitong amoy.

“Ang bango!”wika mo pa

Napalingon naman sayo si Ian ng sinabi mo ito.

Kukuha ka sana ng pagkain ng pigilan ka ni Ian.

“Oopss! Bawal kumuha!”

“Sabi ko hawakan mo lang, hindi ko sinabing kainin mo!”wika ni Ian sayo kaya napasimangot ka sa sinabi nito

“Ang damot mo, parang tikim lang eh!”wika mo kay Ian

“Tikim?”

“Kanina ka pa nga kain ng kain, di ka paba nabusog?”

“Hinde!”

“Ang takaw mo baboy!”

“Mamaya kana kumain pag uwi natin!”

_

“Mom! Bumili ako ng street food's, sabay-sabay na tayong kumain nila Yaya!”saad ni Ian sa Mom nya

Nasa hapag kayo habang kumakain ng mga binili ni Ian na sari-saring street food's.

“Kamusta naman first day ng klase nyo!”tanong ng Mommy ni Ian sa inyong dalawa

“Ayos naman po Tita!” nakangiting wika mo sa Mom ni Ian

“Actually Mom, si Asia ay?”

“Si Asia ay?”wika ni Ian sabay baling na tingin sa tapat mo

“Ouch!”indang sigaw nito

Lahat ng Yaya at Guard ay nakatingin sa inyong dalawa pati narin ang Mommy ni Ian.

Inapakan mo ang paa ni Ian dahil baka kung anong mabanggit nito sa Mommy nya.

Matalim mo itong tinitigan.

Nagtitigan muna kayong dalawa ni Ian bago ito nagsalita.

“Si Asia ay Baboy parin, walang pinagbago ang takaw kumain HAHAHA!”wika ni Ian

“By the way, I have a important announcement kaya sasamantalahin kona pagkakataon na toh, para sabihin ngayon sa inyo!”wika ng Mom ni Ian

“Ang Daddy nyo ay may ka business partner sa ating company, malaki ang ininvest nila sa atin kaya pinapa-punta ako ng Daddy nyo para makipag kilala kami ng personal sa mag asawa.”mahabang sambit ng Mommy ni Ian sa inyo

“Maiiwan ko na muna kayo sa mga Yaya at Guard, sila na muna bahala sa inyo mga one month din ako doon!”dagdag na wika pa nito

“Ian take care of Asia!”utos pa ng Mommy ni Ian sa kanya

“Yes Mom I will!”sagot ni Ian sa Mom nya sabay tingin ng nakakaloko sa gawi mo

“Bida-bida talaga, ginagawa nya nga akong alalay pag di nakikita ni Tita!”wika mo sa isip

To be continued.

A LITTLE GIRL THAT ADOPT BY MY MOM (COMPLETED)Where stories live. Discover now