CHAPTER 22

0 0 0
                                    

ASIA POV

“First kiss ko yon gosh!”

Napansin mong papalapit na sayo si Ian kaya naman nagtatakbo ka palabas sa room nyo.

“Hoy Love, saan ka pupunta?”sigaw ni Ian sayo

Mabilis kang tumakbo at sinabayan mo nalang ang paa mo kung saan ka nito dadalhin.

Hanggang sa mapadpad ka sa batang lalake na kanina ay sunod ng sunod sayo kung saan ka magpunta.

Napansin mo rin na pinagkukumpulan ito ng mga batang lalake rin na kasing edad nya.

“Kulang pa toh!”

“Amin na lahat ng baon mo!”

Nakayuko lang ang bata at walang imik, dahan-dahan nitong inabot sa mga lalakeng nasa paligid nya ang kanyang pera.

“Hoy anong ginagawa nyo sa kanya!”suway mo sa mga batang pinagkukumpulan ang batang lalake

Agad nilang hinablot ang pera at nagtatatakbo na, palayo dito.

Agad ka naman na lumapit sa bata at niyakap mo ito.

“Ate Asia!”utal na wika ng bata

“Bakit di ka lumaban, sa kanila?”

“Inaapi kana nila, wag mong hayaan na apihin ka!”

“Tara ipapa guidance natin ang mga batang  nambubully sayo!”wika mo sa bata

“Wag na po Ate Asia, ayaw ko po lumaki ang gulo!”

“Ayus lang po sakin yon!”sagot ng bata

“Teka, ano bang pangalan mo?”tanong mo sa bata

“Ako po si Azer Jhon!”

“Ahh Azer ganda ng name mo ah!”

“Tungkol nga pala don sa sasabihin mo sakin?”takang tanong mo sa bata

“Ate ako po ang—

Hindi na naman natuloy ang sasabihin ng bata ng biglang dumating si Ian.

“Love!”

“Kausap mo na naman yang weird na bata?”wika ni Ian

Napakapit naman sa braso mo ang bata.

“Ian Matthew!”suway mo dito

“Hep! Hep! Hep! yang kamay mo bata!”wika ni Ian sa bata

Kinurot mo si Ian sa tagiliran.

“Aray!”indang wika ni Ian

“Bata yan, masyado kang OA!”suway mo

“Ate Asia pwede po tayong mag picture ipapakita ko lang po kay Mommy at Daddy!”

“Oo naman Azer!”nakangiting wika mo sa bata

Dahil nahihirapan kayong manguha ng magandang anggulo kinuha ni Ian ang cellphone ng bata at siya narin ang kumuha ng litrato.

MATTHEW POV

“Weirdong bata, balak pang kumuha ng litrato kasama ang girlfriend ko!”sabi mo sa isip

Nagkunwari kang kinukuhaan sila, ngunit sayo lang nakatapat ang Cam.

“1 2 3 smile!”bilang mo sabay ngiti ng nakakaloko

“Isa pa!”wika mo pa

Nakailang shot karin sa mukha mo bago mo iniabot sa bata ang kanyang cellphone.

Nag prisinta ka narin na Ikaw na ang maglagay sa kanyang bag, para hindi nya mahalata na puro picture mo lang ang laman sa gallery nya.

“Kala mo maiisahan mo ko bata HAHAHA baka Ian Matthew toh!”wika mo sa isip

“Tapos na, tara na Love!”aya mo kay Asia

“Teka, pahiram nga muna ng wallet mo Ian!”

“Bakit?”takang tanong mo pa kay Asia

“Basta pahiram ako!”

Kinuha mo naman sa bulsa mo ang wallet mo at iniabot ito kay Asia.

Nanguha si Asia ng 1k at ibinigay ito sa bata.

“Azer, bigay toh ni Kuya Ian mo, bumili kana ng pagkain don sa canteen, isumbong mo sakin pag may nangaway sayo ha!”wika ni Asia sa bata

“Opo Ate Asia, salamat po!”

Umalis na ang bata at kayo nalang naiwan ni Asia.

“Wallet mo oh!”abot ni Asia sayo ng wallet

“Lika na Love!”aya sayo ni Asia

“Aba, lupit ah bakit binigyan mo ng pera yung weird na bata na yon?”takang tanong mo

“Naabutan ko kasi sya kanina na binubully ayun, naawa naman ako at wala syang baon!”

“Tapos pera ko ang gamit galing ah!”

“Hehehe sorry na!”wika ni Asia sabay peace sign

“Siya may reward tapos ako wala,
ano ba yan kaumay naman!”reklamo mo kay Asia

Tumingkayad si Asia papalapit sayo at ginawaran ka nito ng smack kiss sa labi.

“Sapat na ba?”wika ni Asia

Napahinto ka naman sa ginawa nito.

Naglakad na ito palayo sayo.

“Kulang pa Love hoy, Isa pa!”sigaw mo kay Asia

“Magtigil ka Ian Matthew!”sigaw ni Asia sayo habang patuloy parin itong naglalakad

To be continued.

A LITTLE GIRL THAT ADOPT BY MY MOM (COMPLETED)Where stories live. Discover now