CHAPTER 12

0 0 0
                                    

ASIA POV

Hinintay mo nalang ang pagalis ng tropa ni Ian para maka-alis kana.

Dahan-dahan kang bumaba sa may hagdan dala ang maleta mo.

Tagumpay kang nakaalis sa bahay nila Ian at nagsimula ng maglakad sa labas.

“Lumayas ako sa bahay nya, pero saan ako pupunta?”

“Paano na ako, baka sa kalsada nalang ako magpalipas ng gabi!”

“Ang t*nga ko, gabi ako umalis, dapat umaga nalang!”

“Hays! Ano ba yan di ako nagiisip!”tanging sambit mo sa isip

Napatingin ka sa harapan mo dahil nasisilaw ka sa ilaw ng sasakyan.

Huminto ito sa tapat mo at bumaba ang lalake sa kotse.

“Hoy baboy?”wika nito habang nagtatakang nakatingin sayo

“Anong ginagawa mo?”dagdag na tanong nito

“Nakikita mo naman siguro diba!”

“Kaya nga may dala akong maleta!”sigaw mo dito

“Lalayas ka! Ahh okay, mamaya may kasama kana dyan!”

“Multo nga lang, HAHAHA!”mapang asar na sambit ni Ian sabay tawa ng malakas

Nanlaki mga mata mo, dahil takot ka sa multo.

“Ge na! Alis kana!”asar na wika pa nito

Ni hakbang mo sa iyong paa ay hindi mo magawa dahil nagda-dalawang isip kana sa sinabi ni Ian.

Umalis na ito sa harap mo at bumalik sa kanyang sasakyan.

Nagsimula na itong paandarin ang kanyang sasakyan papasok sa gate ng bahay nila.

Naiwan ka sa labas habang nagda-dalawang isip parin.

Ilang sandali lang ay napagdesisyonan mong bumalik sa bahay nila Ian.

“Bukas nalang ako lalayas!”

Nagsimula ka ng maglakad hanggang makarating ka sa tapat ng pintuan ng bahay nila.

Sarado ito kaya naman no choice ka kundi sigawan si Ian dahil siya lang ang tao sa loob.

“Hoy Ian, buksan mo toh!”

“Ian Matthew buksan mo ang pintuan!”malakas mong sigaw

Ilang oras ka na ring nasa labas habang hinihintay mong pagbuksan ka ni Ian.

Ngunit hindi ka nito pinagbuksan kaya naman pumunta ka nalang sa may tapat ng bintana ng kwarto nyong dalawa ni Ian.

Hindi ka naman makakalusot sa may bintana mo dahil makitid lang ako butas nito, napatingin ka naman sa may bintana ni Ian dahil, di slide lang ito kasya ka pati narin ang maleta mo.

“Okay, una papasok ako ng walang ingay!”

“Tapos, dadaan ako sa may kwarto nya palabas sa kanyang pintuan!”

“Jusku! Sana naman tulog na sya!”

Bago ka pumasok ay sinilip mo muna si Ian kung anong ginagawa nito, nakita mo itong nakadapa at naka pants lang napansin mo rin na mukha naman itong tulog kaya nagdesisyonan mo ng pumasok.

Dahan-dahan mong ipinuslit sa loob ang iyong maleta at tagumpay mo itong naipasok ng hindi nagigising si Ian.

Pagkatapos mo rito ay ikaw naman ang dahan-dahan na pumasok.

Napag-tagumpayan mo nga ang iyong plano ng hindi nagigising si Ian.

Nagsimula ka ng humakbang paunti-unti papunta sa may pintuan nya.

Pikit-mata kang naglalakad ng marahan at halos mapalunok ka nalang ng laway.

Ng makarating ka sa may pintuan ng kwarto nya ay hinawakan mo ang doorknob at pinihit ito.

Nanlaki ang mga mata mo dahil nakakandado rin ang pintuan sa kanyang kwarto.

“Lagot na!”

“Yung susi!”

Napalingon ka sa lalakeng natutulog sa kama.

Nilapitan mo ito ng dahan-dahan.

Pumunta ka sa may gawing kaliwa nito para hanapin sa kanya ang susi, nakita mo ito sa bulsa ng kanyang suot na pantalon.

Iginilid mo muna ang iyong maleta pati narin ang bintana sa kwarto nya ay isinara mo.

Pagkatapos mo ay bumalik ka muli sa kanya para tangkaing kunin ang susi sa kanyang bulsa.

Aabutin muna sana, ito ng bigla itong gumalaw at tumalikod sayo.

Umurong ang kamay mo dahil dito.

Ilang oras ka din naghihintay para hindi nya maipit ang susi dahil nakatagilid itong nakahiga.

Maya-maya lang ay bumangon ang lalake kaya napaupo ka sa gilid ng kanyang kama para hindi ka nito makita.

Dire-diretso lang itong naglakad patungo sa Cr at tila walang paki-alam sa paligid nya.

“Matatapos na syang magbanyo, saan ako tatago, nasa bulsa nya yung susi hindi ako makakalabas!”

“Isip, isip!”

“Gumana kang utak ka!”sambit mo sa iyong isip

Gumagalaw na ang doorknob sa pintuan ng Cr nya, kaya naman nataranta kana, at humiga sa kanyang kama sabay taklob ng kumot dahil maya maya lang ay babalik na ito.

May naririnig kang yabag ng paa habang naglalakad ito.

Bumalik na nga ito sa higaan para matulog ulit habang Ikaw ay nakatalukbong parin ng kumot.

May dumagan na kamay sayo, akala nya siguro ay unan lang ang natatakluban ng kumot.

Mas bumigat ang kamay nito habang nakayakap sa akala nyang unan habang ikaw ay hirap na hirap sa posisyon mo.

“Hindi nalang sana ako nangahas na pasukin ang kwarto nya!”

“Hindi na ako makahinga rito jusko, parang mananakal sa higpit ng yakap!”wika mo sa isip

Inaantok kana rin habang naghihintay kang makuha ang susi sa bulsa ni Ian.

Hindi ka makaalis dahil sa kamay nitong nakaakap sayo.

Pilit mong nilalabanan ang antok ngunit ilang sandali lang ay nakatulog kana rin.

MATTHEW POV

2:00AM ng madaling araw, naalimpungatan ka dahil giniginaw ka, kinapa-kapa mo ang kumot mo kung nasaan ito habang ikaw ay nakapikit.

Nang mahawakan mo ito ay ikinumot mo ito sayo, pati narin ang unan mo ay kinapa mo, napatigil ka lang dahil sa nahawakan mong buhok kaya nagmulat ka ng iyong mata.

“Asia?”takang tanong mo sa isip

“Anong ginagawa nya dito!”

“Paanong?”nagtataka mong tanong

Napatingin ka sa iyong bintana.

“Ahh kaya pala, nag kasya siya sa bintana ko, HAHAHA naks matindi!”

“Iba talaga pag baboy!”

“Lakas ng luob tumabi sakin ah, HAHAHAH!”

“Di kaya natakot sa sinabi ko kagabi kaya bumalik, HAHAHA!”natatawang sambit mo sa isip

Napansin mong giniginaw ito kaya bumangon ka at nanguha ng jacket sa iyong drawer.

Nang makakuha kana ay isunuot mo ito kay, Asia.

Nanguha ka narin ng pang latag sa sahig para duon nalang matulog.

Inilatag mo ito sa baba at pumunta sa kama mo para kunin ang iyong unan.

Kinumutan mo muna si Asia dahil ginaw na ginaw parin ito, at pagkatapos ay saka ka lang bumalik sa sahig para ipagpatuloy ang iyong naudlot na pagtulog.

To be continued.

A LITTLE GIRL THAT ADOPT BY MY MOM (COMPLETED)Where stories live. Discover now