CHAPTER 21

0 0 0
                                    

ASIA POV

Kinabukasan

Mabilis kang bumangon sa higaan dahil may pasok na kayo.

Nakita mong tulog pa ang boyfriend mong si Ian kaya naman ginising mo narin ito.

“Hoy Love gising, may pasok tayo!”wika mo habang niyuyugyog mo ito

“Ian Matthew!”sigaw mo dito ngunit di parin ito gumigising

“Bahala ka nga kung ayaw mo gumising, magtulog-tulugan ka pa dyan!”

Umalis kana at nagtungo sa banyo para maligo, pag tapos mo ay nakita mong wala na si Ian sa higaan.

Kahit saang sulok mo ito hanapin ay wala na ito.

“Huh, bat bigla siyang nawala?”

“Saan naman kaya iyon nagpunta?”takang wika mo sa isip

Dali-dali kang nanguha ng delata at kumain pagkatapos mo ay, dumiretso kana sa school para pumasok.

𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟

“Hi Ate!”

Napansin mong kanina kapa sinusundan ng lalake kaya naman binilisan mo ng maglakad.

“Ate!”

“Ate Asia!”sigaw ng lalake

Nagulat ka naman dahil alam nito ang pangalan mo, kaya napahinto ka sa paglalakad at hinarap ang lalakeng kanina pa sunod ng sunod sayo.

Tiningnan mo ito mula ulo hanggang paa, base sa suot nitong uniform ay junior high palang ang lalake, samantalang kayo ni Ian ay Senior High na.

“Sino ka?”

“Bakit kilala mo ako!”

Sa salita mo palang ay napayuko na ito, marahil ay natatakot.

“Wag muna akong susundan ha!”

“Di natin kilala ang isa’t-isa!”

“Pero Ate Asia, kilala kita!”wika nito

“Paano mo ako nakilala?”takang tanong mo

“Dahil, matagal na kitang hinahanap!”

“Matagal na hinahanap?”

“Magpakilala ka!”

“Sino ka ba bata?”

“Ako ang—

Di na natapos ng batang lalake ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Ian at umakbay sayo.

“Bata anong kailangan mo sa girlfriend ko?”sabat ni Ian

Nakatingin lang sa inyong dalawa ang bata.

“Hoy bata?”wika muli ni Ian

Di na ito nagsalita pa at umalis na.

“Sino yon, ang weird naman!”wika ni Ian sabay kamot ng ulo

“Love, kung kani-kanino ka na naman nakikipag usap ha!”wika ni Ian

“Mali ka, di ko nga sya kilala eh!”

“Pero sya kilala nya ako!”

“Ano kayang gusto nyang sabihin!”takang tanong mo pa

“Ikaw kasi Ian, epal ka!”

“Di nya tuloy nasabi gusto nyang sabihin!”

“Hala, si Love sinisi pa ako!”malungkot na wika ni Ian

“Love naman, ayaw mo ba ako makita!”sambit pa nito

“Hay nako, yan ka na naman Ian Matthew masyado ka pong OA!”wika mo

“Sandali bakit bigla kang nawala kanina, saan ka nagpunta?”takang tanong mo pa

“Dumating na si Mom at Dad Love, sa katunayan hinahanap ka ni Mom, may ipapakilala daw sya sayo!”

“Eh sino?”

“Di ko rin alam Love eh, naligo lang ako sa bahay kaya ako nawala kanina, nandun din mga gamit ko sa bahay!”wika ni Ian

“Sabi pa ni Mom and Dad, may dinner daw tayo mamaya!”

“Sige-sige duon nalang tayo dumiretso sa bahay nyo mamaya!”

“Tara na, baka malate pa tayo!”wika mo kay Ian

Naglakad na kayo papunta sa room at nakita nyong nakaabang ang tatlong tropa ni Ian sa may pintuan ng classroom.

Sabay-sabay na pumalakpak ang tatlo kaya naman nagtataka kayong napatingin sa mga ito.

“Padaanin nyo kami!”wika ni Ian sa tatlo nyang tropa

“Oops! Teka lang Brad!”harang ni Dom sa pinto

“Bawal muna pumasok, patunayan nyo muna samin na okay na kayo ni Asia pre!”wika ni Keizer

“Ano na naman trip nyo, anong papatunayan ko?”takang sambit ni Ian

“Kissan mo si Asia Tol, sa labi!”mapanghamong wika ni Joaz

“Yun lang ba, napaka basic naman nyan mga Pre!”

“Gawin mo nalang, puro ka basic pre!”wika ni Keizer

Humarap si Ian sayo at dahan-dahan nitong inilapat ang kanyang manipis at mapulang labi sa labi mo.

Nag-init ang mga pisngi mo sa inasal ni Ian, ilang sandali lang ay kumalas na si Ian sa pagkakahalik sayo.

“Wala bang mas mahirap HAHAHA?”sambit ni Ian sa tropa nya

Nagtatakbo ka na patungo sa iyong upuan.

MATTHEW POV

Sinenyasan mo ang tropa mong si Dom at hinawakan nyo pareho ang mga kamay ni Keizer at Joaz saka nyo pinagtatalian ang mga ito patalikod.

“Kami kanina ni Asia pinagti-tripan nyo ah, ngayon kayo naman HAHAHAH!”natatawang wika mo

“Oy gago Matthew, kalasan nyo kami!”wika ni Keizer

“Traydor ka Dom!”wika ni Joaz

“Ngayon na Dom!”sambit mo sa tropa mong si Dom

Hinawakan nyo sa ulo ang dalawa nyong tropa sinubukang nyong pag dampiin ang mga labi nito.

Tagumpay nyong napaghalik ang dalawa.

“HAHAHA bagay na bagay ah!”asar mong sambit sa tropa mo

“Oo nga brad HAHAHA!”wika ni Dom

Nag apir pa kayong dalawa ng tropa mong si Dom.

Kinalas nyo na ang tali sa kamay ng dalawa nyong tropa.

“Pwe lasang imbornal!”reklamong wika ni Joaz

“T*ngina binabading nyo kami ni Joaz!”wika naman ni Keizer

“Fafa Joaz, anakan moko!”asar naman ni Keizer kay Joaz

“HAHAHA, ganyan nga Keizer habulin mo si Joaz!”natatawang sambit mo kay Keizer

“Ay Gago bakla!”wika ni Joaz

“Fafa wait for me!”malanding wika ni Keizer habang habol-habol si Joaz sa corridor

“Mga Loko kayo, binabading nyo si Keizer gagantihan ko kayo Matthew!”sigaw ni Joaz habang nagtatatakbo parin sa corridor

“Fafa Joaz wait!”sigaw ni Keizer kay Joaz

“Lubayan moko Keizer!”sigaw ni Joaz

“HAHAHAH!”

“Ano Dom, Tara na hayaan na natin sila!”wika mo sa tropa mong si Dom

“HAHAHA una kana pre, puntahan mona si Asia!”

“Gege!”

To be continued.

A LITTLE GIRL THAT ADOPT BY MY MOM (COMPLETED)Where stories live. Discover now