CHAPTER 28

0 0 0
                                    

MATTHEW POV

Bumalik ka sa iyong room, sinalubong ka ng mga tropa mo.

“Brad ayos ka lang?”tanong ni Dom matapos kang maupo sa upuan mo

“Tol, ang init mo ah.”puna naman ni Joaz na naka-akbay sayo

“Matthew Pre, gusto mo hatid ka namin?”wika naman ni Keizer

“Kaya nga Brad, sinasakit ka pala bat ka pa pumasok?”takang tanong ni Dom

“Si Asia pinunta ko dito, pinilit ko lang na pumasok dahil hindi sya nagrereply sa text ko, syempre nagaalala ako sa kanya.”

“Pero iyan pala maaabutan ko.”

“Kanina binili ko sya ng pagkain pero di nya tinanggap, hindi rin nya ako pinansin at nilampasan lang.”

Paliwanag mo sa mga tropa mo.

“Nako Pre, komplikado.”wika ni Keizer

“Sad boy na tropa natin.”wika ni Joaz

“Wag kang mag-alala Pre, gagawa kami ng paraan para makausap mo si Asia.”wika ni Keizer

“Salamat mga Pre.”pagpapa-salamat na wika mo sa mga tropa mo

Saktong pagpasok naman ni Asia at Yuan.

Masaya silang nagtatawanan.

Tumayo ka sa iyong upuan at nagpaalam sa mga tropa mo.

“Mga Pre, uuwi na ako pakisabi nalang kay Ma'am.”

“Ayaw mo magpahatid samin Tol?”tanong ni Joaz

“Dala ko yung kotse ko, ge una na ako.”paalam mo sa kanila

“Sige Brad ingat ah.”wika ni Dom

“Salamat.”

Umalis kana at umuwi sa bahay nyo.

“Ian Anak, bati ng Mom mo sayo.”

Kaagad ka nitong niyakap kaya niyakap mo din ito pabalik.

“Son bat napaaga ka?”wika ng Dad mo

“Jusko! ang init ni Ian.”alalang wika ng Mom mo

“Yaya paki, bigyan nga ng pagkain si Ian saka ipaghanda nyo ng maligamgam na tubig panglinis nya.”

“Okay po Ma'am.”wika ng Yaya

“Mom hindi na ako bata.”wika mo

“Naku ang binatilyo ko, baby parin kita.”

Pagkatapos mong kumain ay naglinis ka na ng katawan at niyaya Dad mong mag-inom.

“Dad shot tayo.”wika mo sabay lapag sa harap ng Dad mo ang wine

Sinamahan ka ng Dad mong mag-inom at nagpaluto pa sa kasambahay nyo ng pulutan.

“Anong problema Son?”

“Hindi ka naman mag-iinom ng walang dahilan.”

“Kilala kita Son, pwede mong sabihin samin ng Mom mo.”

“Si Asia Dad.”

“Oh anong meron sa inyo ni Asia?”

“Okay naman kami, nung hinatid ko sya sa bahay nila, hindi rin naman kami nagtalo.”

“Tapos kina bukasan di na nya ako pinansin at kinausap.”

“Di rin kami naghiwalay pero kumakausap na sya bigla ng ibang lalake.”

Pagpapaliwanag mo sa Dad mo.

“Susukuan mo naman na?”tanong ng Dad mo

“Sabi mo hindi pa kayo nakakapag usap, bago ka mang hinala Matthew Anak, alamin mo rin kung bakit bigla ka nalang nya hindi kinausap.”

“Sa relasyon dapat pakinggan nyo both sides ipaliwanag nyo sa isat-isa para magkaintindihan kayo.”

“Wag mong basta husgahan dahil hindi mo pa alam kung anong dahilan, kung ayaw nyang malaman mo ang dahilan.”

“Ikaw mismo ang umalam.”

“Ito ang tandaan mo Anak, wala sa lahi natin ang mabilis sumuko, pakatatag ka maaayos nyo rin yan.”

“Tama ka po Dad, salamat.”lumapit ka sa Dad mo at niyakap mo ito Siya rin naman ang pagyakap nito sayo pabalik

“Tama si Dad, di ko susukuan si Asia Mahal ko sya, aalamin ko kung anong dahilan nya.”wika mo sa isip

To be continued.

A LITTLE GIRL THAT ADOPT BY MY MOM (COMPLETED)Where stories live. Discover now