Chapter 21

42K 799 45
                                    

Chapter 21

Umalis na rin kami kaagad ni Ethan. It was his decision. Iyon na rin naman ang gusto ko. I don't think I would still choose to stay there after of what happened between Fionna and I.

Nakahanda akong patulan siya, sampalin katulad ng dapat gagawin. Hindi ko maintindihan kung bakit ang marinig mismo si Ethan na bulungan akong ituloy iyon ay nagbibigay kilabot sa akin.

It only made me realize that he is a cruel man. That he never shows mercy... no matter who you are.

He isn't nice.

He's dominant.

The predator.

Always give the punishment.

The evil.

But for some reason, the fear I felt when he asked me to hurt Fionna was mixed with excitement. Something bloomed inside me I couldn't even name.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang sarap sa pakiramdam na minamandohan niya ako sa ganoong paraan.

Nakita ko ang pagliko niya sa isang building. It was a prestigious condominium like the one I've seen in the internet. Hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinadala gayong puwede naman akong iuwi na lang sa apartment ko.

I lost my voice to ask him. Pakiramdam ko, susunod na lang ako kung saan niya man ako gustong dalhin at wala akong magiging palag.

Huminto sa isang basement ang sasakyan niya. I remained staring outside, looking at the other car that is already out of my interest.

"We are in our building." dinig kong sabi ni Ethan.

Mula kaninang biyahe, ngayon ko lang siya nilingon.

"Sa inyo ito?"

Tumango siya. "I'm taking you to my penthouse."

Sa tono niya, tila siya humingingi ng permiso. May magagawa pa ba ako? Nandito na tayo.

Gusto kong matawa sa bulong ng isip. Nasaan na ang Fatima na hindi sasama sa lugar ng isang lalaki lalo pa at wala namang relasyon? Hindi ko maunawaan. Parang ang dami nang nagbago sa paniniwala ko nang maging malapit kami ni Ethan sa isa't isa.

"Anong gagawin natin doon?"

His dark as storm eyes drilled into mine. It's as if that question had piqued his interest.

"Talk?"

"Anong pag-uusapan natin?"

"About how hot you were earlier?"

Sumimangot ako. "Bakit ba parang gustong gusto mo na saktan ko iyong ex girlfriend mo? Siguro bitter ka pa rin na niloko ka niya?"

"So I look that way to you, huh?"

Hindi naman. Mukha nga siyang walang pakialam kung may masaktan siyang tao. Ang totoo, mahirap para sa akin ang basahin ang emosyon niya. He always wears his poker face, the cold and merciless man who I first met at the restaurant. And I believe, that's what it attracted me the most.

Ethan moved and crouched down near me. Nilabanan ko ang dilim ng titig niya sa akin habang unti unti kong isinisiksik ang sarili sa gilid ng bintana.

He unbuckled my seatbelt without taking his intimidating eyes off me. I heard the clicking sound as I held my breath. It made me go insane that I was anticipating something I know is impossible to happen.

"Baby, I ain't a saint to stop you from doing something evil that will make you feel relieved. That woman insulted you. I guess a slap from your hand won't be too much, yes?"

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon