Chapter 25

39.6K 723 21
                                    

Order published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.


Chapter 25

Hindi pa rin ako makapaniwalang kapatid ni Ethan si Ate Embry. They have no resemblance as siblings. Ate Embry has soft and angelic features. Habang si Ethan, kabaliktaran. With his black pitch eyes, no one would ever think of messing with him. Kasi kahit na sino, alam nang hindi makakalusot sa kaniya.

Hindi na pala tumuloy sa kumbento si Ate Embry ayon kay Ethan. Ang sabi niya ay nakikipag live in na ito sa boyfriend niya

Nasasabik akong makita siya kung tutuusin. Pero naroon ang hiya lalo pa at wala na sa akin ang cell phone na ibinigay niya. Ano na lang ang sasabihin ko kapag hinanap niya?

Mula sa pagpupunas ng mesa ay napahinto ako nang maramdaman ko ang paghawak sa aking bewang. Tumingin ako sa gilid at nakita si Ethan. Kumurap kurap ako.

"Akala ko ay bukas na ulit tayo magkikita dahil marami kang trabaho?" tanong ko.

"My girlfriend over anything else, I guess..." he smirked. "I'll just eat dinner here. Uuwi rin ako pagkatapos."

Natawa ako. "Ang daming masasarap na restaurant malapit sa penthouse mo, bumiyahe ka pa talaga papunta dito."

Bumalik ang ngisi sa mga labi niya. Sa ganoong paraan, alam ko na kaagad na may kapilyuhang umiikot sa isip niya.

He slouched down and tilted his head. Naramdaman ko ang pagdampi ng mabango at mainit niyang hininga sa gilid ng leeg ko.

"Mas masarap ka." bulong niya sa akin.

I had to bite my lip to suppress myself from giggling. Umayos siya ng tayo at nagtama ang mga mata namin. There's that devilish grin embracing his lips. Kahit palagi kong nakikita, hindi pa rin ako nagsasawa masilayan siyang nakangisi. 

"Hindi ako available ngayon bilang hapunan mo kaya... pagtiisan mo muna ang pagkain dito sa restaurant."

He chuckled, it was laced with amusement.

"No you for dinner, alright. Midnight snack then?"

Hindi ko na napigilan pa ang humagikhik. "Hihintayin mo ako hanggang hating gabi? Akala ko ba uuwi ka rin matapos mo kumain?"

"Change of plans," he said while his hand gently caressing the small of my back as if he was claiming me as his. "I'd rather wait and have my midnight snacks than to do those paperworks."

Naiwan ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siya. Walang kaso sa akin na palaging may nangyayari sa amin ni Ethan. The truth is, I'm finding myself get addicted to it. I love how dominant he is. He always knows what to do.

He is wicked in the most delicious way.

But this is not all about the pleasure we get from it. Alam niyang hindi njya ako puwedeng mabuntis dahil nag-aaral pa ako. He uses condom. Kahit pa panay ang reklamo niya sa tuwing gagamit noon.

Lumipas ang gabi. Nanatili si Ethan sa pwesto niya. Maraming tao dahil weekend kaya naman hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataon na mabalikan siya. Pagsapit ng breaktime ay saka lang ako nakalapit sa kaniya. He ordered a meal for me, different from what I usually eat during our breaktime. Kilala na siya ng mga staff sa restaurant at alam na rin ang tungkol sa relasyon namin.

"Hindi ka ba naiinip? May ilang oras pa bago ako matapos sa trabaho." sabi ko habang umiinom ng tubig.

"Ilang beses ko nang ginagawa ito. I'm already used to it."

Tinakpan ko ang bottled water at ipinatong ito sa ibabaw ng hood ng kotse. Dito kami nakaupo. Nasanay na rin dahil madalas ay dito kami tumatambay ni Ethan. Mas gusto ko nga dahil nasa ilalim lang kami ng madilim na langit at mga bituin.

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin