Chapter 1

70.9K 966 121
                                    

Chapter 1

Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakarinig na ako nang malalakas na katok mula sa pintuan ko. Mulat ang isang mata, tumingin ako sa gawi no'n.

"Fatima, gising na! Nagugutom na ako!" sigaw 'yon ni Winona, ang anak ng kinakasama ni Papa ngayon.

Nagpatuloy siya sa pagkalampag sa pintuan. Pilit akong bumangon at kinuha ang bagong cell phone. Binuhay ko 'yon at sinilip ang oras. Alas kwatro pa lang ng umaga.

Late na ako nakauwi mula sa trabaho sa restaurant dahil nag-overtime ako. Kailangan ko kumayod dahil malapit na naman ang bayaran sa eskwelahan.

"Fatima, ano ba! Ang haba na ng tulog mo!"

Mahaba? Kakauwi ko nga lang kaninang ala una nang madaling araw. Kung sa bagay. Malay ba niya samantalang lagi naman siyang nasa galaan kasama ang mga kaibigan niya. Baka nga kauuwi niya lang ngayon kaya nagugutom siya.

"Ano ba't masiyado kang maingay, Winona? Ang aga-aga pa sumisigaw ka na riyan!" dinig kong sabi ni Auntie Rose, ang nanay niya.

"Nagugutom na ako, Ma. Ginigising ko itong si Fatima para magluto na tutal ay papasok rin naman siya sa school."

"Madaling araw na umuwi iyan! Ewan ko ba kung nagtatrabaho talaga biglang waitress o baka naman pokpok!" bulong ni Auntie Rose na ikinabuntonghininga ko. "Fatima, bumangon ka na riyan!"

Sa ilang buwan na pakikisama ko sa kanila, alam ko nang hindi sila titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto nila. Kung hindi lang talaga dahil kay Papa at kung wala akong respeto sa kaniya, aalis na talaga ako dito at maghahanap ng puwede ko tulayan.

Isa pa ay wala pa akong budget para doon.

Bumangon na ako ng kama at inis na nagkamot ng ulo. Marahas kong binuksan ang pintuan, tuluyan nang nawala ang antok.

Ang nakasimangot na mukha nilang mag-nanay ang bumungad sa akin, parehas pang nakakrus ang mga braso.

"Ang aga n'yo naman mangbulabog. Wala naman ho sa akin ang plato at kaldero." katwiran ko na ikinataas ng kilay ni Winona.

"Aba't namimilosopo ka pa!"

Umirap ako dahilan para hilahin ni Auntie Rose ang buhok ko.

"Sumasagot ka pa talaga? E, kung isumbong kita sa Papa mo na binabastos mo ako ng ganiyan-"

"E, kung isumbong ko kaya kayo kay Papa na sinasaktan n'yo ako at inaalila ng ganito?"

Walang alam si Papa na ganito ang trato ng mga ito sa akin. Palagi siya nasa trabaho dahil construction worker siya at palaging may gawa. Maagang umaalis at gabi na kung bumalik. Kung minsan, stay in sa lugar na pinagtatrabahuhan niya. Ang alam niya, ulirang asawa at matinong babae itong kinakasama niya. Kapag kaharap kasi si Papa, akala mo kung sinong mga santa.

"Di magsumbong ka! Akala mo ba ay paniniwalaan ka ni Tito Manuel? Sawang sawa na nga iyon sa'yo. Ni ayaw ka nang pag-aralin kung hindi lang siya naaawa sa'yo!" sigaw ni Winona.

Hindi ako nakasagot doon, aaminin na bahagyang tinamaan. Sinabi ni Papa iyon sa kanila? Kaya ba bihira na lang siya magbigay sa akin ng pinansyal pagdating sa pag-aaral?

"O, ano? Hindi ka makasagot. Masakit malaman na ang sarili mong ama, nagsasawa na sa'yo, hindi ba? Kung bakit naman kasi nag-aaral ka pa at hindi na lang mag-asawa at pagkatapos ay magpadala ka ng pera dito? Puwede rin naman humingi ka ng pera doon sa ina mong amerikana na inabandona ka na!"

Tuluyan na akong nawalan ng kakayahan sumagot sa kaniya nang banggitin pa ang tungkol sa nanay ko na ni minsan ay hindi ko na nakita pa sa personal. Sa larawan ko lang siya nakita at totoong purong amerikana siya. Hindi naman na nakakapagtaka na anak niya ako dahil parehas kami ng kulay ng mga mata. Abo.

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon