Chapter 10

47.8K 926 55
                                    

Chapter 10

Hindi ko maiwasan ang hindi matawa habang nakasakay kami ni Ethan sa loob ng isang jeep. Punuan ng pasahero at nasa mismong gitna pa kami. Lahat nakatingin sa kaniya. Mapalalaki, bata o matanda. Lalo pa ang mga babae na hindi na maialis ang mga mata sa gawi niya.

Sinulyapan ko siya. Paanong hindi tititigan? Masiyadong agaw pansin dahil sa pormal na pananamit niya. Kulang na lang ay coat at mukha na siyang presidente ng bansa. Malaki rin ang katawan niya kaya medyo malaki ang sakop sa upuan. Matangkad siya at bahagya nang nakayuko dahil kung hindi niya gagawin ay sasayad na ang ulo niya sa bubong.

Hindi ko naman akalain na seseryosohin niya ang sinabi kong mag-commute na lang kami.

Nilingon ko siya. Nasa ibabaw ng hita ko ang kamay niya dahil masiyado na siyang nagigitgit sa akin ng katabi niya.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Mukhang first time niya kasi. Naiintindihan ko naman dahil halatang pinanganak na siyang mayaman. Hindi naman iyon nakabawas sa kakisigan niya. Masuwerte ang mga taong katulad niya.

Sana ganoon rin ako. Ipinanganak na may kaya sa buhay. Ayos lang naman sana kung mahirap lang basta may masayang pamilya. Kaso, parehas wala.

"I'm fine. Can you please get my wallet in my back pocket?" aniya at inilapit ang labi sa tainga ko. "I can't move a lot."

Wala sa sarili akong tumingin sa gilid niya. Tama naman siya dahil medyo may katabaan ang babaeng nasa tabi niya. Halos dikit na nga ang mga braso nila ni Ethan. Mabuti na lang rin at naka long sleeve siya. Hindi magkikiskisan ang mga balat nila.

"Sige." pagsang ayon ko.

"It's on the right side."

Tumango ako. Kinailangan ko bahagyang ilabas ang sarili ko sa upuan para dumukwang at ipulupot ang kamay paikot sa katawan niya.

Kinapa kapa ko ang bulsa sa likod niya. Nang maramdaman ang umbok doon ay hinugot ko ang pitaka sabay tingin sa mga taong nasa harapan namin.

All of them were looking at us. Ang ilan sa kanila, tila nagtataka sa ginagawa ko. Hindi ko sila pinansin at ibinigay na kay Ethan ang wallet niyang maumbok.

Nag-iwas na ako ng tingin matapos niya itong buksan. Ayaw kong isipin niyang curious ako sa kung ano o magkano ang laman ng wallet niya.

"Here..."

Napatingin ako kay Ethan nang sabihin niya iyon. Nagbaba ako ng tingin at nakita ang hawak niyang isang libong papel at iniaabot sa akin.

"Ano iyan?" I asked after raising my gaze to his face.

"Bayad natin."

Kumurap kurap ako. "Bayad? Isang libo ang ibabayad mo sa jeep samantalang kinse lang ang isang tao. Walang barya ang driver niyan!"

"Let him have the change then," sagot niya na para bang ganoon lang iyon kasimple. "Okay now?"

"L-Lahat?"

Tumango siya. Kung hindi niya kukunin ang sukli, magiging malaking tulong iyon sa driver ng jeep. Iaalok ko sanang ako na lang ang magbabayad ng pamasahe namin pero sakto lang ang pera ko panglibre sa kaniya mamaya sa karinderya.

"Sige. Akin na at ibabayad ko na. Sure ka dito, ah?"

He nodded. Kinuha ko na ang pera at nilingon ang gawi ng driver.

"Manong, bayad po."

Inabot ng lalaki ang pera mula sa akin at ibinigay naman ito sa driver. Nang makita niya ang halaga ng perang iniabot sa kaniya ay awtomatikong nagdikit ang mga kilay niya.

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon