Chapter 32

35.6K 649 21
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 32

Mahirap paniwalaan na ang isang katulad ni Royce ay may itinatagong lihim. I always see him as a man who would let everyone aggrieve him. Hindi na baling masaktan basta hindi siya lalaban.

I even volunteered myself to defend him if there's a chance. Kasi sabi ko, nakakaawa kung pababayaan lang. Magkaibigan kami at hindi ko siya gugustuhin mapahamak.

But now that I found out about his real identity, that he's one of the higher ups of a large syndicate, I honestly don't know what to feel.

I'm just sure of one thing. My life is in danger. Maging ang buhay ni Ethan ay nasisiguro kong nasa peligro sa mga sandaling ito.

"Fatima, narinig ko sa isang co-teacher na hindi na raw magpapatuloy si Royce sa OJT at hihinto na sa pag-aaral? Sa anong dahilan? Sayang naman kung kailan patapos na kayo."

Mula sa tray ng pagkain ay mabilis akong nag-angat ng tingin sa isang teacher. Ilan silang kasabay ko. Inaya nila ako kanina na makisalo sa mesa nila at hindi ko 'yon tinanggihan.

"Hindi na po siya p-pumapasok?" tanong ko.

Napatingin ang ilang guro sa akin, tila ba nagtataka na wala akong alam.

"Hindi mo alam? Hindi ba at magkaibigan kayong dalawa at malapit pa nga?" tanong ng lalaking teacher.

"Huwag mo sanang mamasamain, pero inaakala pa nga namin na may relasyon kayong dalawa dahil iba ang closeness ninyo," ani ng matandang teacher sa kaliwa ko. "Kung hindi lang namin nakita iyong gwapong lalaki na laging sumusundo sa'yo at nakakotse, iyon talaga ang iisipin namin."

Umiling ako. "Hindi po. Magkaibigan lang po kami."

Kung sasabihin kong dati kaming magkaibigan, maghuhukay lang 'yon ng katanungan sa mga isip nila at hangga't maari ay ayaw kong pag-usapan ang bagay na 'yon. Things like that should stay confidential.

"Ganoon ba? Ang tanging alam lang namin ay hindi na siya papasok pa ulit. Sayang ang batang iyon. Sobrang talino pa man din."

Hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod nilang pinag-usapan. Wala sa sarili kong pinagmasdan ang kanin sa plato ko habang ang isip ay na kay Royce at sa maaaring dahilan nito.

May kinalaman kaya sa akin kaya huminto na siya? Maaaring alam niya na ang tungkol sa nangyari kay Anne Margaret. Paano kung nagpaplano na masama laban sa amin ni Ethan?

"Wala na si Royce sa eskwelahan. Nag drop out na raw at walang nakakaalam ng dahilan kung bakit." imporma ko kay Ethan matapos niya akong sunduin.

Didiretso na kami sa restaurant para sa duty ko. Doon na rin mananatili si Ethan hanggang sa matapos ang trabaho.

"The more you can't see him around, the more your life would be in danger, Fatima."

Tila may bombang sumabog sa loob ng puso ko dahil sa sinabing iyon ni Ethan. Anxiety immediately filled my soul, fear kisses and replaced the courage in my heart.

Nang lingunin ko siya ay halata ang tila bagyo na namumuo sa mga mata niya habang nakatitig sa kalsada at nagmamaneho. The bones on his jaw kept on moving as if he was gritting his teeth hardly.

Nag-iwas ako ng tingin, yumuko at huminga nang malalim. Wala akong kahit na kaunting ideya kung bakit ito ginagawa sa akin ni Royce pero ano pa man, wala akong ibang hiling sa langit kung hindi ang sana ay huwag siyang magtagumpay sa kung ano mang masama niyang balak laban sa akin.

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon