Chapter 8

44.3K 867 48
                                    

Chapter 8

Hindi ko naman sineryoso ang sinabi ni Ethan na sa kaniya ako kinabukasan, buong araw. Siguradong pinagtitripan niya lang ako at hindi iyon tototohanin. Alam kong abala siyang tao at ang katulad niya ay hindi mag-aaksaya ng panahon sa akin.

Maybe what I did was really off. Nakipag usap ako kay Royce habang kasama ko siya samantalang sa kaniya dapat ang oras ko. Nabastusan siya at mali ako doon.

Pero aaminin kong iba ang naging dulot sa akin ng interaksyon namin na 'yon. Hindi ako ang tipo ng babae na madaling ma-attract sa isang lalaki kahit gaano pa kagwapo. Pero kapag kay Ethan, parang ibang usapan na.

Bakit kasi gano'n siya tumingin? Bakit ganoon siya magsalita at kumilos? Parang kahit anong gawin niya, ang gwapo niyang tingnan. Mas lalo pang lumakas ang dating niya dahil sa mga tattoo niya sa balat.

Mula sa pagtitig sa butas-butas na kisame, pumihit ako paharap sa kaliwa kung saan naroon ang cell phone ko matapos nito mag-ring. Tamad ko itong kinuha at nakita ang numero na hindi ko naman kilala.

"Sino naman 'to?" bulong ko, nakakunot ang noo. "Hindi kaya si Ma'am Regina at sasabihan akong pumasok?"

Kapag nagkataon ay pabor iyon sa akin. Dagdag income para may pang down ako sa apartment na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita. Dapat sana kagabi kaso ay marami ang naging customer.

"Hello?" bungad ko matapos sagutin ang tawag.

Imbes na salita ay buntonghininga na tila iritado ang unang pumailanlang sa tainga ko.

"May usapan tayo."

My eyes blinked upon hearing the familiar tone. Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga saka kumurap kurap.

"Ethan?"

"Expecting someone else?"

Ngumuso ako. "Wala! Siyempre nakakagulat na tumawag ka. Hindi ko naman ibinigay sa'yo ang number ko. At saka... anong usapan?"

Hindi siya sumagot kaagad. Pinilit kong hagilapin sa isip ko kung ano ang ibig niyang may usapan kami.

"I'm one block away from your house."

Namilog ang mga mata ko, literal na napatayo matapos marinig ang mga salitang 'yon.

"One b-block? Anong ibig mong sabihin? Malapit ka lang sa a-amin?"

I heard him sigh as if he doesn't like repeating himself.

"Come out, Fatima."

"Seryoso ka nga, Ethan?"

Hindi na siya nagsalita pa. Mabilis ang tibok ng puso ko nang maglakad ako palabas ng kwarto. Kaagad kong nahagip si Winona na nakaupo sa harapan ng tv, nakataas pa ang isang paa at ang aroma ng kape ay dumaan sa ilong ko.

Inalis ko ang tingin sa kaniya at lumabas ng bahay. Hindi ko na alintana pa ang ayos kong mukha na namang busabos. Ang tanging nasa isip ko ay ang makita kung nagsasabi ng totoo si Ethan. Baka mamaya ay niloloko niya lang ako pero ano ba ang mapapala niya?

Luminga linga ako. Sa malayo ay tanaw ko ang isang itim na kotse. Ramdam ko ang kung anong kiliti sa sikmura na hinaluan ng kaba matapos mapagtantong kay Ethan ang sasakyan na 'yon.

Sa ilang sandaling nakasama ko siya, naging pamilyar na rin sa akin ang ilan sa mga sasakyan na gamit niya. If there's one thing his cars have in common, it's the shade. They're all black.

Naglakad ako papunta sa gawi ng kotse niya. Kahit pa hindi ko siya nakikita, ang kaalamang siya naman ang nakakakita sa akin habang papalapit sa kaniya ay nagbibigay ng pagkailang sa akin.

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon