Chapter 50

31.3K 594 10
                                    

Chapter 50

Dahil walang sapat na tulog sa nagdaang gabi ay hindi ko namalayang nakatulog na ako sa kama ng hotel na kinaroroonan namin ni Ethan.

I remember us talking with each other about Royce. Ikinuwento ko rin sa kaniya ang mga pinagsamahan namin ni Oliver sa mga nakalipas na taon.

We were both thinking that he's a different person, na sadyang magkaibang tao sila ni Royce. Pero kung sakali man... nasaan si Royce? Hindi ba at siya dapat ang kasama ko sa mga sandaling ito? Siya ang taong kumidnap sa akin.

Marahan kong iminulat ang mga mata. Ang gwapong mukha kaagad ni Ethan ang bumungad sa akin. He was sitting beside me. Mariin niya akong pinagmamasdan, ang mga mata ay mapupungay ngunit naroon ang dilim.

"Sorry. Matagal ba akong natulog?"

Umiling siya. "It's alright. You can sleep if you still want it. I'm enjoying watching you here anyway."

Tipid akong ngumiti. Bahagya akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. He snaked his arm on my waist and gently pulled me close. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya.

Nakakatuwang hindi ko pa naaalala ang lahat sa aming dalawa pero ang dali kong napalapit sa kaniya. Kami ni Oliver na ilang taong nagsama ay ni hindi ko naranasan ang masabik ng ganito.

O, kiligin.

"Nariyan na ba si Felize?" tanong ko.

"They are on the way here now. Ang sabi ni Mama ay ayaw pa raw umalis ng anak natin sa pasyalan kaya pinagbigyan nila."

Mahina akong natawa. "Pasensiya na. Hindi kasi nakakalabas palagi si Felize para mamasyal kaya sabik siya."

"If only I had the chance to do that for her, I would do it. Ipapasyal ko siya sa lahat ng lugar na magustuhan niya," aniya sa mapait na tono. "Tayong tatlo."

Ngayon pa lang, hindi ko na mahintay na dumating ang araw na 'yon. Alam kong magiging mahirap para kay Felize ang maunawaan ang katotohanan na si Ethan ang tunay niyang ama lalo pa at malapit siya kay Oliver.

"Do you think she'll accept me as his father?" tanong niya, naroon ang pag-aalala sa boses.

"Mabait na bata ang anak natin. Maiintindihan niya rin ang katotohanan."

Ngayong may ideya na kami na maaaring hindi si Royce ang kasama ko... o, maaaring siya... iniisip ko kung paano ko malalaman ang katotohonan mula sa kaniya. 

"Ate Embry had a hard time conceiving for the past years. She almost gave up but her husband remained hopeful. When she finally got pregnant and saw her babies, I felt jealous. Kung hindi nangyari ang mga bagay, siguradong may anak na tayo..."

Ang sabi niya sa akin, matagal na kaming magkakilala ng kapatid niya at mas nauna pa nga kami nito kaysa ang sa aming dalawa. I just can't remember yet when and how. But I know for sure that she's a nice woman.

"Did not know that I really have a daughter that's just kept from me," he said it with frustration and sadness laced with his deep voice. "I don't care about the past anymore, Fatima. I just want to be with my family. I just want a future with you and Felize."

Nilingon ko siya tiningala. He was looking into a far distance, pain embracing his eyes. Nang mapansin na tinititigan ko siya ay nagbaba siya ng tingin sa akin.

Iniangat ko ang kamay at marahang hinaplos ang panga niya.

"Hindi pa man kita tuluyang maalala, ano man ang kalabasan ng lahat ng ito, sa'yo pa rin ako sasama, Ethan. Sa'yo kami sasama ni Felize."

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon