Chapter 5

27.2K 947 198
                                    

Aitana

"SIR, WALA nga akong kinalaman dyan!" Naiiyak ng paliwanag ko sa mamang pulis na kapre na arogante. Na kung bakit sa dami ng pulis na mae-encounter ko ay sya pa talaga. Apaka malas ko naman talaga! Hindi ko na nga sya gustong makita eh!

"Kung wala kang kinalaman anong ginagawa mo dito at may hawak kang pera?" Akusa pa nya sa akin habang hawak ang braso kong inagaw nya sa isang mamang pulis na unang nag akusa sa akin. Hila hila nya ako palabas ng eskinita. At mas lalong kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng makita ang tatlong police mobil at sinasakay na ang mga nahuli.

"Sir -- "

"SPO1 Lorenzo Villegas. Sabi ko sayo wag mong kalilimutan ang pangalan ko di ba?" Putol nya sa sasabihin ko.

"Sir SPO1 Villegas -- "

"Lorenzo, tawagin mo akong Lorenzo."

"Sir Lorenzo -- "

"Lorenzo ang itawag -- "

"Wala akong pakialam! Patapusin mo muna ako sa sasabihin ko!" Inis ng sigaw ko sa kanya at binawi ang braso. Muntik pa akong matumba pero agad din akong nakabalanse.

Natigilan sya pati na rin ang mga kasamahan nyang pulis at napatingin sa amin.

"Sinisigawan mo ko?" Tila di makapaniwalang tanong nya.

"Eh kayo kasi eh! Nagpapaliwanag ako ang dami nyong demand!" Sikmat ko sa kanya. Hinihingal na ako sa inis. Kung hindi lang sya pulis at malaking tao sinapok ko na sya eh.

"Luh, nag away na sila."

"Wala na."

"LQ agad."

Dinig kong komento ng mga kasamahan nyang pulis. Inis na sinamaan ko sila ng tingin. Ang isang pulis ay nagpeace sign pa sa akin.

"O sige, magpaliwanag ka. Bakit ka nandito?" Kalmado ng tanong ng aroganteng pulis na Lorenzo ang pangalan. Nakahalukipkip sya at matiim ang tingin sa akin pero bahagyang nakaangat ang dulo ng labi.

Humugot ako ng malalim na hininga para kalamahin ang sarili at makapagpaliwanag ng maayos sa aroganteng pulis na kaharap.

"Yun na nga sir -- "

"Lorenzo."

Matalim ko syang tiningnan. Yan na naman sya. Eepal na naman!

"Tawagin mo kong Lorenzo kundi huhuliin talaga kita." Banta nya sa akin.

"Ayiehhh."

"Witweew."

"Yun oh!"

"Parang napanood ko na yan ah!"

Mga nanunuksong komento ng mga kasamahan nyang pulis. Naginit naman ang pisngi ko at sinamaan sila ng tingin. Nginisihan lang nila ako. Tangna! Mukhang shiniship pa nila kami nitong aroganteng pulis na to!

Muli ko syang tiningnan. Matiim pa rin syang nakatingin sa akin.

"O ano na, magpaliwanag ka na." Tila naiinip ng sabi nya.

Pumikit ako ng mariin at muling humugot ng malalim na hininga. Kalma Ai. Kalmahan mo lang.

"So yun na nga po, gaya ng sabi ko kanina hindi ako kasali dyan at hindi ako isa sa mga organizer. Nandito lang ako dahil pinuntahan ko ang isang estudyante ko na dyan sa looban nakatira. Yung perang hawak ko kanina, napulot ko lang po yun nung malaglag ng mamang tumakbo." Paliwanag ko sa kanya.

Pero tinaasan nya ako ng kilay. "Nagsasabi ka ba ng totoo? Baka naman nagpapalusot ka lang." Aniya.

Bumuntong hininga ako at napapikit. Mariin ko ring nailapat ang labi at pinipigilan ang sariling mag mura.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon