Chapter 11

27.4K 883 135
                                    

Aitana

"AHHH!"

Naalimpungatan ako sa malakas na sigaw. Kinuskos ko ang mga mata. Dim sa loob ng kwarto ko dahil tanging lampshades lang ang bukas.

"Ahh! Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Manyak!"

Napabalikwas ako ng makarinig ulit ng sigaw. At boses yun ni tiyang Meding. Nakarinig na rin ako mga kalabog at mga boses sa labas ng kwarto. Nanlaki ang mata ko.

May nakapasok sa bahay namin! Si tiyang Meding!

Dali dali akong bumangon at kinuha ang dos por dos na nakasandal sa likod ng pinto. Lagi itong nandito in case of emergency. At mukhang magagamit ko na ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang dos por dos at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Madilim sa sala dahil pinatay ko ang ilaw kanina pero naaninag ko ang dalawang tao na tumakbo papuntang kusina.

"Manyak ka! Manyak! "

" Aray! Aray!"

Napasinghap ako. "Tiyang!" Tawag ko kay tiyang Meding at pumunta sa kwarto nyang bukas. Pero hindi pa man ako nakakapasok ay lumabas ang isang lalaki na pinaghahampas ni tiyang ng tsinelas. Ako naman ay agad na hinataw ito sa braso ng dos por dos. Aray ng aray naman ang lalaki pero hindi ko ito tinigilan ng hampas kahit nakaluhod na. Si tiyang ay kumuha pa ng walis tambo at yun ang pinanghampas.

"Tiyang gisingin nyo po ang mga kapitbhay at humingi kayo ng tulong, ako na po ang bahala dito." Utos ko kay tiyang.

"Sigurado ka kaya mo na tong manyak na to?"

"Opo, kaya bilisan nyo na bago pa makabawi to at makatakas." Sabi ko at tiningnan ang lalaking nakahandusay na at namimilipit sa sakit.

"O sige, sige mabilis lang ako." Ani tiyang at lumabas ng pinto pero binuksan nya muna ang ilaw. Bumaha ang liwanag sa buong sala.

Hindi ko hinihiwalayan ng tingin ang lalaki na nakahandusay pa rin. Kapag akmang tatayo sya ay muli ko syang hahatawin ng palo. Mahirap na, lalaki sya at malakas. Pamilyar ang hitsura sa akin ng lalaki. Nakikita ko sya minsan nakatambay sa labas. Malamang minamanmanan nya si tiyang at pinagpaplanuhan.

"Mga kapitbahay! Tulong! Tulungan nyo kami! May nakapasok sa bahay namin!" Dinig kong sigaw ni tiyang Meding sa labas ng bahay. Alam kong mayamaya lang ay susugod na dito ang mga kapitbahay namin.

Akmang tatayo muli ang lalaki pero muli ko syang hinataw ng palo ng tatlong beses.

"Tatayo ka pa ha! Dyan ka lang! Kuyog ka mamaya." Sabi ko. Bigla kong naalala ang dalawang aninong tumakbo kanina sa kusina. Malamang ay mga kasama nya yun.

"Aray ko.." Daing ng lalaki habang sapo ang braso at himas himas ang binting pinalo ko.

"Huh! Ngayon aaray aray ka! Manyak ka. Pati matanda di mo na pinatawad." Gigil na sabi ko at sinipa ko pa sya.

"Nasaan tiyang? Nasaan ang manyak na yan na nagbalak na gahasain ka? Naku! Mapapatay ko sa jombag yan!" Boses ni Benj.

"Nasa loob binabantayan ni Aitana."

Ilang sandali pa ay nasa loob na si Benj at si tiyang Meding kasama ang ilang kapitbahay na halatang naalimpungatan pati na ang tropa nila Biboy.

"Insan ito yung lalaking pumasok sa kwarto ni tiyang. May dalawa pang tumakbo sa kusina." Sabi ko.

"O, may dalawa pa daw na tumakbo sa kusina. Habulin nyo na bago pa makatakas." Anang isa naming kapitbahay na may edad na rin.

"Kami na bahala dyan. O kayong dalawa dun sa labas abangan nyo. Kami na dito sa may kusina." Ani Biboy at naghati na sila sa dalawang grupo.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon